CHAPTER 52

1.8K 11 0
                                    

"Nilagyan mo ng gayuma 'yong pagkain ko 'no?"



"I know I'm shit, jerk, stupid, or whatever you want to call me but I really love you Lizbeth. Ikukwento ko na sa iyo lahat kung paano tayo nagkita kaso, baka maboring ka. Kaya don't worry nagdala ako ng favorite food mo, dried mangoes. Alam ko corny na pero sana medyo mabawasan ang galit mo sa 'kin o sama man ng loob mo."
 
Nagkamot siya ng batok and I find him very cute. Umupo ako sa may sofa then pinatay ang ilaw na parang nanonood ako ng real movie. Partida, kumakain pa ko ng dried mangoes.
 
Saang lupalop kaya ng Pilipinas niya nalaman na favorite ko ito? Kahit nga si Alex hindi alam, o baka  naman si Mom? Kahit kailan ang daldal talaga niya.
 
Nagsuot siya ng eyeglasses, like me. Napakunot ako ng noo parang nakita ko na ang itsura niyang ganyan. Medyo ginulo pa nga niya iyong hair style niya. Shet na malagket! Nakita ko na talaga 'yan.
 
"Remember me? Iyong sumagip sa 'yo noong nalulunod ka sa bahay nila Hero? Iyong first love mo." He mumbled as he stare at me intently as if I'm really in front of him.

Hindi ko narinig ang huling mga salita na sinabi niya. Hanggang sa name lang na Hero. Inilang ulit ko rin ang pagplay pero hindi ko talaga marinig. Bahala nga siya. Diniretso ko na lang ulit ang atensiyon sa sinasabi pa niya.

"Si Alex ang sumagip sa 'yo do'n. Pero ako ang nagbigay ng CPR sa iyo sa sobrang taranta ko."

I can't believe it. So siya nga talaga iyong nerd na humalik sa akin. Oh god! Bakit ang guwapo na ni Shane ngayon? Anong ginawa niya?

"Siguro nagtataka ka na ngayon kung anong nangyari sa walang kwentang nerd na kasama mo dati? Iyong naka-first kiss sa 'yo?" Parang hindi man lang pinagsisihan ang paghalik sa akin, ngising-ngisi ang walang hiya na ito.

"Siyempre hindi ko pagsisihan 'yon Lizbeth, alam mo bang halos hindi ako makatulog no'n? Parang mamamatay na ko anytime pero narealize ko ding 'di mo ko tatanggapin kasi type mo ang tipo ni Hero na guwapo, maporma, astigin, at matalino. That's why, I did everything just to be like him. Iyon nga lang, napunta ako sa isang mga kaibigang hindi pala maganda ang impluwensiya. They are all there when I needed someone to help me, iyon nga lang nahawaan din ako ng kabalastugan nila – ang makipag-away."

"I know Shane."

"So 'ayun nga, pero bigla ko na lang narealize na hindi mo gugustuhin ang isang tulad ko kaya nagbago ako. Iniwasan ko ang mga barkada then lumipat na sa school mo. I always watch you everywhere. Hindi mo lang napapansin since you're too preoccupied to notice the people around you." Tumikhim siya bago ulit nagsalita.

"Kinausap ko din si Ninang since matagal na niyang alam ang feelings ko for you. At saka natatakot na siya sa nangyayari sa 'yo kasi habang tumatagal, lumalala daw ang attitude mo. Kaya nagdecide na din siya na payagan akong tumira sa inyo. Sobrang tuwa nga niya. Kasi may magiging boyfriend ka na daw." Tumawa pa siya kaya sinamaan ko ng tingin. "Don't worry Lizbeth, masuwerte ka rin sa akin 'no. Wala kang sasayangin sa isang tulad ko."

Batukan ko kaya siya ng matauhan siya? Humahambog din siya eh. Malapit ko ng maubos ang dried mangoes nang mapansin kong namumutla siya sa screen at pakamot-kamot pa siya ng batok niya.

"Uhm, may ibinigay pala ako sa 'yo. Pupunta na lang ako diyan to know... your... uhmm... answer. I love you." Napakunot ako ng noo sa pagkakaputol putol ng sinasabi niya. 

"Ibinigay? Nasaan? Tanging dried mangoes lang ang meron dito at 'yong cd." Tanong ko, as if sasagot siya 'di ba? 

Niloloko na naman siguro ako nito. Aish. I missed him. Hindi na siguro ako aalis. Magluto kaya ako? Pupunta daw siya dito. 

I'm a Man-hater, right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon