"Aba naman my dear Liz. Kung nagseselos ka, 'wag mo ko idamay diyan."
Pumasok ako ng school at nadaanan ko sa may lobby na magkasama na naman si Shane at iyong girlfriend niya. They are very sweet to each other. Tama ba namang maglampungan sa may lobby?!
Eh ano bang pake ko? Magjowa nga naman sila. Liz, what the hell is happening to you? Wala! I'm not affected. I'm not.
"Are you jealous?"
Nataranta ako sa narinig ko kaya nalaglag ang mga gamit ko na hawak-hawak ko. Tinulungan niya akunin ang mga libro at ngumisi.
"Ano na naman?" Naiirita kong sabi sabay lakad sa building na papasukan ko.
"Why are you looking at them?" Tanong niya na nang-aasar.
"Alex masama bang tumingin sa kanila eh kapansin-pansin ang pagiging PDA nila 'no." Sagot ko.
Sana maniwala siya kahit mukhang malabo pa sa dumi ng Pasig river ang katotohanan sa sagot ko.
"Tsss. Eh nasaan na 'yong magaling mong boyfriend?" Galit niyang sabi.
"I don't know. Galit pa rin ata eh, 'di na ako tinitext, tinatawagan o sinusundo. More than a week na 'to." Nalulungkot kong sabi.
"Ibang-iba talaga siya." Umiiling iling pa si Alex na nanghihinayang.
"Ibang-iba? Bakit?"
"Nga pala!" Sigaw niya na ikinabigla ko. Napahampas tuloy ako sa braso niya.
"Ano bang boses 'yan? 'Wag kang sisigaw. Naririnig kita." She just laughed. Hindi man lang sinagot ang tanong ko.
May kinuha siyang magazine tapos pinakita 'yong isang model. Tinitigan kong mabuti kasi baka namamalikmata lang ako. It couldn't... Siya nga iyong girlfriend ni Shane.
"Ang ganda niya talaga 'no?" Nangangarap na sabi ni Alex. Feeling ko, gusto niyang pumalit sa pwesto nung model. Tsss.
Oo nga ang ganda. Mas maganda pa sa akin. Hmmpp. Naiinsecure ako sa kanya. Ang ganda-ganda niya dito.
Kaya siguro pinursue ni Shane itong babae kasi ang ganda, hindi katulad ko. Kakainis naman.
"Nagwowork siya sa Tita mo Liz." Biglang sabi ni Alex kaya napalingon ako sa kanya.
"Huh?" I checked.
Nakita ko sa magazine ang name ng boutique ni Tita Kate. Then it gave me a very bright idea.
"Do you know who is that girl?" Tanong ko. Pinagtaasan ako ng kilay ni Alex kaya inirapan ko lang.
Halakhak na lang ang biglang ginawa ni Alex sa sobrang tuwa. Asar!
"Siya si Cielo Sebastian. Galing 'yan ng Amerika. Ang balita, fiancée daw siya ni Shane. Magkababata daw sila eh. Kita mo naman, nagtransfer pa siya dito for Shane. How sweet."
"Parang sarcastic ang pagkakakwento mo ah." Natatawa kong sabi.
"Aba naman my dear Liz. Kung nagseselos ka, 'wag mo ako damay diyan." She was grinning at me at parang gusto ko siyang sipain. Mukhang ewan.
Maya-maya dumating din si Lex. May date daw silang dalawa. Ako naman tengga dito. I'm still waiting for Basti. Tinext ko kasi siya kaso wala pa ring reply. Dadating din siguro. Aish. Sa nabasa ba naman niya, ewan ko na lang.
Kitang-kita ko dito kung pano magkwentuhan iyong dalawa. Hindi mapuknat yung tingin. Leche sila. Ang sarap ihambalos ang mukha ng Cielo sa sahig. Shet na malagket! Ito na naman ako.
Sila na lang kasi lagi kong nakikita dito sa school. Simula ng nagtransfer itong si Cielo, asar na ko sa kanya. Even though wala naman siyang ginagawa at hindi nga kami nag-uusap.
His gaze turned to me. Nakatingin lang din ako sa kanya.
Tumunog ang cellphone ko kaya tinanggal ko ang tingin sa kanya.
"Hello Tita? Yes. I accept it. Of course, ikaw pa. I want something new. Kailan po ba ang start? Yes. Sure."
Binalik ko sa bag ang cellphone ko at tumingin ulit sa gawi nila Shane. Bumilis na ang tibok ng puso ko dahil sa nakikita ko.
He is staring at me, hindi rin ako nag-iwas ng tingin kahit alam kong baka may makapansin. Patigasan kami. Tapos biglang nablock ang mukha niya kasi may tumayo sa harapan ko.
"Liz anong ibig mong sabihin sa text?!" Aba... At nagpakita rin sa akin sa wakas ang herodes na ex boyfriend ko.
"At last! Ang magalig kong boyfriend este ex ay nagpakita din. Uulitin ko ang text ko. I'm. Breaking. Up. With. You. Understand?"
"You cannot do this to me Liz!" Sigaw ni Basti.
"Well my dear Basti, I just did." Natatawa kong sagot.
Hindi ko na siya pinatapos at nagmartsa ako palabas ng gate. Wala na akong pake sa sigaw ni Basti.
Naalala kong ang daan palabas ay doon kila Shane. I'm not scared. Kinakabahan lang ng sobra. Lumalakas na ang kabog ng dibdib ko habang palapit ako sa kanila.
Hindi pa rin tinatanggal ni Shane ang pagkakatingin niya. Wala talaga kong balak umiwas.
Desidido na ko. I'm going to catch him whatever it takes. And I'm going to take you away Shane from that Cielo.
"I will have you." Bulong ko na nagdidiwang.
BINABASA MO ANG
I'm a Man-hater, right?
Teen FictionLiz is a man-hater but Shane will come on the way and will change her mind and her heart too... Will she stop hating when she fall in love with this guy?