CHAPTER 35

2K 16 0
                                    

"You're still in love with him."



Nagtitigan iyong dalawa and I could smell some trouble here.

"Basti and Shane, okay lang ba'ng sabayan niyo 'kong dalawa? Mas masaya pag marami." I smiled.

Pero wala man lang masyadong reaction mula sa kanila. Mali pala ako, may reaction pero masasabi mong hindi maganda 'yong nakikita mo.

Nag-akyat na lang si Basti ng breakfast. Tatlo kami sa mesa. Nung una, ako lang iyong kumakain at tinitingnan nila ako pero nung katagalan kumain na din sila. Sinabihan ko kasi sila. Naasar na ko sa mga tinginan nila.

"Lizbeth subo ka masarap 'tong hotdog." Ngumiti at sinubo ko iyong kutsarang nilalapit ni Shane.

"Liz ito naman, yung egg. Mas masarap 'to." I looked at Basti then smiled. Sumubo na rin ako. Pero sa gilid ng mata ko nakita kong nagsmirk si Shane.

"Ito pa Lizbeth, try this mango." Sabi ni Shane.

"No Liz, mas okay 'tong papaya, pampakinis ng mukha." Kontra naman ni Basti.

"'Wag ka ngang nangunguna, sa 'kin muna." Kontra naman ni Shane.

"Ahmm, boys?-" Awat ko.

"Ako pa? Eh ikaw nga 'tong sumulpot na lang bigla, ako'ng unang nagyaya na magbreakfast kami."

"Ang bagal mo! Ako nagdala na ng breakfast niya para 'di na siya mahirapan. Hindi ka rin marunong mag-isip." Ganting wika ni Shane.

"Aba naman..." Tumayo na si Basti, sumunod din si Shane kaya napatayo rin ako.

Oh no! Ano'ng gagawin ko? Nag-aaway na silang dalawa dahil sa akin.

"Get out of her life." Mariing sabi ni Basti. "Huli ka na ng dumating sa buhay niya."

"Ako ang nauna!" Sigaw naman ni Shane. Wala talaga akong maintindihan sa pinag-aawayan nila. Parang nakalipas na 'tong topic na pinagtatalunan nila.

"Ikaw ang nang-iwan. At ako na yung 'andito."

Anong pinagsasabi nitong dalawa? Kanina about food lang ito pero iba na yung pinag-uusapan nila ngayon.

"What are you talking about?" Tanong ko pero wala man lang sumagot o malamang hindi nila napansin na nagtanong ako.

"Bumalik na ko! Pero gumagawa ka ng paraan para makaganti!" Sigaw ni Shane.

Makaganti? Kanino?

"You don't have any evidence Shane kaya 'wag mo 'kong paparatangan ng kung anu-ano!"

"Will you two stop this?!"

Napatingin sila sa nagsalitang si Alex. Mabuti at may pumigil na kasi hindi rin ako makapag-isip ng maayos. Nahihirapan akong pagtagpiin iyong mga pinag-aawayan nila.

"Get out of this room. Lalo niyong pinasasakit ulo ni Liz!" Galit na sabi ni Alex.

Lumabas iyong dalawa pero ako umupo na lang. Nawalan na tuloy ako ng gana kumain. Aish.

"Are you alright Liz?" Nag-aalala niyang tanong.

"Yup. Ano bang pinagsasabi no'ng dalawa Alex?" Tumingin siya sa akin at tila nag-isip ng isasagot.

"Ayoko talagang mangialam sa sitwasyon pero minsan gusto ko na ring magsalita kaso hindi ko alam kung..." Hindi ko magets ang pinagsasabi ni Alex. Hindi naman niya pinopoint sa totoong sagot ang tanong ko.

"Ano ba talaga ang totoo do'n sa dalawa? Who are they on my life?" She suddenly hugged me. Mahigpit. Not the usual Alex I knew. "B-bakit ba? Anong problema Alex?"

"N-nothing Liz."

"You sure?" I felt her nodded.

Bakit ba ayaw niya kasing sabihin kung ano ba talaga sila sa buhay ko before ako magka-amnesia?

"Pack your things now. We're leaving after 2 hours. Sasabihan ko na rin iyong iba okay?"

Lumabas siya ng room without disclosing the questions. Sino ngayon sa dalawa ang dapat kong tanungin? Gusto kong malaman lahat-lahat.

Pero bakit nga ba? Dahil ba involved na dito iyong puso? My heart pounded. Iyon na nga siguro. At nahihirapan akong alamin sa ngayon kung sino sa kanila ang dapat pagkatiwalaan or rather ipagkatiwala ang puso ko.

Dahil nararamdaman ko, masyado na kong nasaktan dati. Sobrang nasaktan na 'ko.

Bumaba ako ng room dala-dala ang mga gamit ko. Inunahan ko na iyong dalawa kasi baka mag-away na naman. Nilagay ko na sa van ang mga gamit ko and waiting for the others na lumabas na din. Nakaupo ako sa loob kasi malamig, may aircon kasi.

I was looking at the front door nang magulat ako sa biglang tumabi sakin. Si Zach.

"Oh musta ka? Masakit na naman daw ulo mo kagabi ah." Nakita ko sa mga mata ang totoong pag-aalala sa akin. Parang hinaplos nang mainit na pakiramdam ang dibdib ko. Hindi ko alam bakit.

"Yeah. Napapansin ko nga this past weeks sumasakit siya palagi pero nawawala din bigla after taking the medicine." I saw the sadness on his eyes at naalarma ako.

"Hey! I'm fine Zach. Don't worry okay?"

"Sige, sabi mo eh. Nga pala, yayayain kitang pumunta sa bahay. Birthday kasi ng kapatid ko, his name is Zone."

"Nice name. Ilang taon na?" Tanong ko.

"He's going 8 this Monday. Are you free?"

"Of course."

Hindi ko alam talaga bakit everytime na nakikita ko si Zach, very comfortable ako sa kanya. Maybe, because he's too good. Too handsome. Too bright. Too kind.

Lahat na sige. Madali kasi akong ma-attract sa mga kagaya niya. Wuuu!

Hiningi niya iyong number ko kaya nagpalitan kami. Napatingin ako sa gawing kanan ko nang may mapansin ako.

It was Shane, with another girl. Naalala kong siya iyong sinuotan niya ng ring. And I felt the suddenly stab on my heart. Asar naman na puso 'to.

Shet na malagket... don't tell me? Kay Shane ako may gusto? Pero may gf na 'yon eh. Magkaholding hands pa sila ngayon. At sinusundan ko sila ng tingin ngayon. Grabe. 'Di pa nakontento hinalikan pa no'ng girl sa cheeks. Tapos dumiretso sila sa isang kotse. Malamang kay Shane 'yon. Nakakaselos na ito.

Then what is the meaning nung mga ginagawa niya sa 'kin no'ng 'andito kami? Iyong concern niya sa akin? Iyong pag-aalaga? I really don't get it. Ang hirap intindihin at ang labo niya.

Pero ang malinaw sa akin, selos ang nararamdaman ko ngayon.

Malaking SELOS!

Napatingin naman ako sa lalaking papunta dito sa tabi ko. Si Basti. Nakangiti pa siya.

"You still love him."

"Huh?" Napamaang naman ako sa tanong ni Zach.

"You're still in love with him."

Kay Basti? In love pa rin daw ako sa kanya? Don tell me... may relasyon kami dati.

Sure ba siya?

Pero kay Basti naman ako nakatingin ngayon ah. So siya nga iyon. Bakit alam niya?

Kami dati pa ni Basti?!



I'm a Man-hater, right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon