CHAPTER 58

1.9K 13 0
                                    

"Tahan na."



One week na akong hindi pumapasok sa school. Hindi ko alam kung nandoon pa ba siya. Hindi ko rin kinakausap si Mommy. Parang huminto ang buhay ko ng sinabi niyang hindi na tuloy ang kasal namin kahit alam kong matagal pang mangyayari 'yon. It was like he's breaking up with me everyday. Sobrang sakit. Ang sakit-sakit na ang puwede ko na lang gawin ay umiyak. 

Talagang tuluyan na ba akong iniwan ni Shane? He can't do that. I know. Sobrang dami na niyang sinakripisyo, at saka sabi niya ayusin ko muna ang mga bagay-bagay. Mas mahal ko soya kaya ko ito gagawin.

Naligo ako para magready pumasok. Kinukulit na ako ni Alex na pumasok na daw ako kasi finals na namin sa school. At talagang inalam niya lahat ng schedule ko para daw kahit man lang final exams ko ay mapasukan ko. 

"Pasok na ko."  

Kumain ako ng konti tapos nagpaalam kay Mom. Hindi kami nagpapansinan ni Mommy. Isang linggo na din kaming ganyan ni Mom, parang hindi magkakilala.Galit siya sa akin kasi umalis iyong paborito niyang inaanak. Si Tito Jom naman wala na lang sinasabi sa amin. Iniitindi niya na lang ang mga nangyayari.

Minadali kong tapusin ang mga exams namin. Nagtataka nga ako wala naman akong binasa simula last week pero nasasagutan ko pa rin 'yong mga exams namin. Hindi ko nakita si Alex ngayong araw na ito. Siguro busy din siya.

Pumunta ako sa may garden para mag-isip. Kakausapin ko na ba sila? Makakaya ko pa ba na hindi kami nag-uusap ni Shane? Tinatawagan ko ang number niya pero hindi ko na siya makontak. Hindi ko rin siya mahagilap sa kahit anong lugar dito sa school. Hinahanap ko siya baka sakaling makita ko man lang siya sa kahit anong lugar dito pero wala eh. Natatakot naman akong magtanong sa mga kaklase niya. 

Mga kalahating oras na rin siguro akong nakaupo dito nang makita kong may mga lalaking nakasuot ng puting damit at may kinakaladkad na lalaki. Shet na malagket kilala ko 'yon ah!

Nagmamadali akong sumunod sa kanila. Saan nila iyon dadalhin?

Pumunta sila sa isang room sa basement. Hindi na ako makakapasok kasi nakalock ang pinto. Naririnig ko ang mga tawanan ng mga lalaki. Dapat ko ba siyang iligtas?

"Maangas ka din talaga 'no?" Narinig kong sabi tapos may narinig akong lagapak ng kung ano. Obvious na kinakawa na siya! You must do something Liz! Aish!

Kumatok ako ng malakas na malakas. Huminga ako ng malalim. Ready na ako. 'Buti na lang at nakaleggings ako.

Nagulat iyong lalaking nagbukas ng pinto at ngumisi nang makita ako. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na makapagsalita. Humalik siya sa semento, as literal dahil nandoon na ang pagmumukha niya. Nilagay ko ang isa kong paa sa likod niya at tumingin sa mga lalaking nasa harap ko.

"Who's next?"

May binulong ang isang lalaki kaya napatingin sa akin 'yong pakiramdam kong leader ng mga lalaki na ito. Ni-ready ko ang mga kamay ko para kung may gagawin man sila, makakaganti ako pero umalis sila sa harap ko. Nagtatakang tingin ang ginawa ko habang dahan-dahan silang umalis.

Napatingin ako kay Zach na tumayo din pagkakita sa akin. Lumapit ako sa kanya at tinulungang umalis sa mabahong lugar na iyon. Dumiretso kami sa clinic kasi may sugat siya sa bandang kaliwang braso niya.

"S-salamat Ate." Ngumiti ako at napatingin bigla sa kanya. Ang sarap kasi sa pakiramdam nang pagkakasabi niya nun. 

"It's okay. Gagawin ko naman talaga 'yon sa 'yo."

I'm a Man-hater, right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon