CHAPTER 57

1.8K 10 0
                                    

"Going away... somewhere?"



"What are they doing here?" I hissed at Mom.

"What's the matter baby?"

"Mom!" Huminga siya ng malalim na parang suko na talaga.

"Okay, stop hissing will you? I just invited them. What's the problem with that?"

"I'm going out." Sagot ko na naasar.

I walked towards the door. Wala kasi dito si Shane since may aasikasuhin daw. Naghihintay lang ako ng tawag niya pero hindi ko alam kung ano ang mga maari kong masabi sa kanila.

"Elizabeth, will you come back here?!" Hindi ako lumingon kay Mommy. Malapit na ako sa gate ng  bigla kong makita si Shane papasok. 

"Lizbeth, where are you going?" Tanong niya na may halong pagkunot pa ng noo.

"Akala ko ba may aasikasuhin ka?"

"I asked first. And wait, si Ninang papalapit na dito."

Lumapit nga si Mommy, I rolled my eyes kasi nanggagalaiti na siya sa akin. Hinawakan ako ni Shane pero nagpumiglas lang ako sa kanya.

"Liz, I told you bumalik ka sa loob ng bahay!" Napakunot na ako ng noo. What's the big deal if I'm there or not? I can't even believe na pinipilit niya talaga akong pumasok doon. Parang gusto kong magalit ng sobra pero nagpipigil ako kaya nga aalis ako ng bahay.

"Ninang ano po ba'ng problema?"

"May mga bisita siya sa loob. I already told her last night, maybe she thought I was just kidding and now that they are here, she's avoiding them."

"Who?" Tanong ni Shane.

"Her father and–" 

"Mommy will you just shut up!" Nabigla si Mom dahil sa inasal ko, kahit din naman ako nabigla sa sinabi ko.

"Lizbeth! Ano ba'ng problema mo? Bakit ganyan ka makapagsalita sa nanay mo?" Kita mo na? Galit na din sa akin si Shane. Bwisit! Bwisit!

"I already told Mom that I don't wanna see them even... crap! Bahala nga kayo sa buhay niyo."

Nagmamadali akong umalis ng bahay. Hindi ko na lang pinansin si Mommy pati si Shane. Sumunod siya kung gusto niyang sumunod sa akin. Wala na akong paki. Anong gagawin ko, nasasaktan ako. Hindi ba pag nasasaktan ka, iiwas ka. Ganoon ako. Hindi ko na gustong maramdaman na umaasa ka dati at sobrang sakit para sa akin lahat ng nangyari kaya hangga't maari kakalimutan ko at iiwasan kong maalala.

Umuwi ako bandang gabi na, maybe 10pm na siguro. Tumatawag sa akin si Shane pero hindi ko sinasagot, pinatay ko na nga ang phone ko para sigurado akong hindi na siya mangungulit.

Nagkamali ako ng pag-uwi ko kasi nandoon pa rin sila sa bahay. Prenteng nakaupo. Nakatingin silang lahat sa akin. Humakbang ulit ako pero nagsalita si Shane. 

"Lizbeth humakbang ka pa ulit I'm telling you I'm gonna be out of your life." Napahinto kaagad ako. Nakasimangot akong lumingon sa kanya. I thought he just kidding but I know it would be better if I just shut up and follow him.

"They are all here para makipag-ayos so please go back. Just listen to them." Tinaasan ko siya ng kilay. 

Is he really kidding me? I smirked at them. All of them lied to me, kahit nga siya tapos sasabihin niya sa aking makikipag-ayos sila?

"Why would I listen to them when on  the first place you all lied to me. Even you Shane, you know very well that I don't like you mingling with them. Oh well, do whatever you want." 

Umakyat ako sa kwarto ko at sinara ang pinto ng malakas. Nakaupo lang ako sa sofa ko. Nakakarinig ako ng ingay sa labas. Si Mommy nagsasalita. Bigla akong kinabahan sa mga naririnig ko.

Pagbukas ko ng pinto si Mommy nakasimangot sa akin. I looked at the stairway, si Shane dala-dala ang gamit niya. Is he leaving me? Don't tell me, he's really serious when he said he'll leave me. Oh no! Sana hindi 'yon totoo pero habang nakikita ko siyang naglalakad palayo, naninikip ang dibdib ko. Parang dahan-dahang naiiyak ang mga mata ko.

"Shane!" Tumakbo ako palapit sa kanya. Hinawakan ko ang braso niya at pinaharap siya sa 'kin.

"What the hell are you doing?!"

"Going away... somewhere?"

"Why?" Hindi siya kaagad nagsalita. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam ko namang hindi niya kakayanin na iwan ako.

"You need that, bibigyan kita ng oras para ayusin ang mga issues mo. And by the way." Hinawakan niya ang kamay ko saka kinuha ang engagement ring ko. 

"Akin na 'to, hindi na tuloy ang kasal natin. Ingat ka." 

Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa braso niya. Naramdaman ko na lang na tumulo na ang luha ko. Parang hindi ako makahinga. Hinawakan ko siya sa likod nyia, pero hindi siya nagsasalita. Nakatalikod lang siya sa akin. Hinawakan ko 'yong bibig ko para hindi niya marinig na umiiyak ako.

"M-mahal mo ako 'di ba? Bakit mo ko iiwan? P-please don't d-do this to me ba't pipiliin mo sila, 'di ba ako 'yong mahal mo? He made me like this. Alam mo naman 'yon 'di ba?"

"But you let those hatred control you. Lahat tayo nasasaktan kasi nagmamahal tayo, pero dapat itigil mo na 'yang galit mo. You should forgive them for you to enable to love fully. But how could you do it where you couldn't even talk to them or give them some chance?"

"But I don't want them in my life!"

"Mahal kita kaya ko ginagawa ito. Ayokong dumating ang araw na hindi na kita kilala sa sobrang galit mo sa kanila. Your parents were just not meant to be. Kung hindi sila naghiwalay, wala kang mga kapatid na nasa tabi mo. I'm leaving."

"Shane please don't do this, you're not breaking up with me right?" Pinipigilan ko siyang umalis pero mas malakas siya sa akin.

"Shane ano ba... 'wag mo 'tong gawin." Wala na akong paki kung mukha akong tanga sa kakaiyak basta 'wag lang niya akong iiwan. Hindi ko kakayanin. Hindi ko na kakayanin.

Sumakay siya ng kotse niya without looking at me. I sobbed while looking at his car running away from me. Him walking away on my life.

"Why did you do this to me?"


I'm a Man-hater, right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon