CHAPTER 2

3.5K 20 0
                                    

"What?! Is my name Lizbeth?"



Pagpasok ko ng room nagkukumpulan na iyong mga classmates ko. Bakit kaya? Ano na naman kaya ang pinagtsitsismisan nila? Umupo na lang ako at nagbasa ng favorite kong book about vampires. Maya-maya dumating na rin iyong mga iba kong kaklase pero 'yong bestfriend kong si Alex wala pa. Saan na naman kaya nagsuot iyon?

Nagbell na, at pumasok na si Maam. May kasama siyang guy. At parang...

Oh hell.

"Class, ipapakilala ko sa inyo ang bago niyong classmate. This is Shane Melenes. Treat him well, okay?"

"Yes Maam." Sabay-sabay na sigaw nila.

Iyon pala ang pangalan niya at kaya pala sila nagtsitsismisan. Ito na 'yong guy na binabanggit sa akin kagabi ni Alex. Crap. Saan na nga ba ang babaeng 'yo? Siya pa nga itong excited makita 'tong guy.

Ang lalandi ng mga kaklase kong babae, meron pang gay na nagkukumahog lapitan ng lalaking ito.

OMG mga classmate, quiet kayo. Ngayon lang ba kayo nakakita ng guy? Kung sabagay, may babatbatin din naman kasi ang pagmumukha niya.

"Mr. Melenes, you can take a seat on the vacant chair there on left."

Another crap. Dito pa siya sa harapan ko uupo. Ano ba 'to. Nang tumingin siya sa akin nagulat siya pero sandali lang, at ayun, nakangiti sa akin.

"Hi Lizbeth." Magiliw niyang sabi sa akin. Tinarayan ko lang.

"Lizbeth?!" Sabi nung mga nasa likod ko.

"Mabibingi ako sa sigaw niyo ha." Naiirita kong sagot sa kanila.

"Ay sorry Liz."

Oo nga eh. Wait. Lizbeth? What?! Lizbeth?! Iyon ba ang name ko?! HmPp!

Tinignan ko lang siya ng masama, at sabay irap. Naku huh, feeling close kami? Neknek mo.

"Kilala mo ba siya Liz?"

"Of course not." Sagot ko. Sino ba siya huh?

"Ang sungit mo naman Lizbeth."

"Will you stop calling me Lizbeth?!" I said angrily.

"Eh gusto kong 'yon ang itawag sa 'yo, may magagawa-"

"Mr. Melenes is there any problem with Ms. Molina?" Biglang sabi nung teacher, nakairap pa.

"No Maam, I'm just talking with her."

"Well this is not the right time to talk with your new classmates. We're going to start our class now. Talk to them later, okay?"

Tumayo siya at nagsabing "Yes Maam. And I'm sorry Maam, sorry din classmates for interrupting our class..."

Nagtawanan na lang iyong mga kaklase ko sa ginawa niya. Ano ba ito? Kulang sa pansin?

Hanggang sa mga sumunod na subject namin, nakipagkilala siya sa mga iba pang kaklase namin. First day pa lang niya, kilala na siya ng mga teachers and classmates ko. Sa totoo lang maingay siya 'no. Natutuliro na nga ang tenga ko sa kanya, siya na lang puros ang naririnig ko.

Si Alex naman, wala dito, nasaan kaya 'yon buong araw na ito? Nandito naman ang gamit niya. Baka kung saan na naman nagpunta 'yon.

"All students who signed to be a new staff for publishing paper, please submit any essay, poem, story, or anything that you made by your own ideas tomorrow before 2 in the afternoon. That's all. Good luck!"

Ano kaya ang ipapasa ko? Maybe iyong mga ginawa ko na lang na short story last year. Dapat kasi matagal na kong sumali, 3 years na ko dito eh. Nung elementary ako, kasali talaga ako sa school paper. Dapat din, doon ako magco-continue ng high school eh kaso ayaw ko na. Hindi ko ma-take ugali ng mga rich kids doon na spoiled brat. At isa pang reason, ang daming huma-hunting sa akin doon na lahi ni Adan.

Alam iyon ni Mom kaya nagsabi akong magtatransfer ako sa malapit na public school dito sa amin. No choice si Mom sa gusto ko. Even though kulang sa facilities, mas marami akong mga nae-experience dito except sa paghuhunting or pagi-stalk ng mga kolokoy dito.

"Liz may bisita ka." Lumingon ako sa inginuso ni Alex.

Aba! At kagulat 'tong si Alex, bigla na lang sumusulpot dito ah. Kanina ko pa siya hinihintay.

"Who's that?" I asked.

"I don't know on you Liz. Tingnan mo kayang mabuti." Napakunot ako ng noo nang matitigan kong mabuti kung sino nga.

Awtss. Ang epangers na si Johny the freak. I thought nagtransfer na siya? May pakaway-kaway pa sa akin.

"Alex, pakisabi sa kanya to stay away from me." Sabi ko kay Alex ng hindi siya nililingon, ayoko lalong mairita.

"Johny lumayas ka na dito. She doesn't want to talk to you or even to see your... face?" 

Nagulantang ako. Grabe rin 'tong si Alex noh? Mas malupit pa sa akin. Hindi ko naman gustong mamahiya ng ganyan 'di ba?

"Alex, stop that. Masyado kang malupit." Nabubwiset kong sabi sa kanya.

"Okay. Nakiki-epal lang naman 'no." Tumingin ako sa lalaking iyon.

"Mr. Romero, umalis ka na dito kung ayaw mong ihagis kita mula sa rooftop."

My classmates just laughed. What's so funny?

"Ouch... basted ka uli. Better luck next time." Sabi ng isa kong kaklase.

Ngumiti lang siya at kumaway sa akin abago umalis. Feeling naman niya. Tinignan ko lang iyong mga epangers kong kaklase na may biglang kanya-kanyang gawa. Naku itong mga kaklase ko talaga! 'Wag niyo akong subukan.

Humarap sa akin si Alex at tumingin. I just looked at her and act that I don't have any idea what she will say.

"What?"

"Until now, sa sobrang pagka-man hater mo, 'di mo maatim na tawagin ang kahit sinong guy sa name nila."

"I don't care about them Alex." inantay kong magsalita siya but when I looked at her, hayun at nawala. Saan ba nagpupunta iyon?

Lumabas na lang ako ng room para makasagap ng new air, nakakabuwisit mga tao dito. At ang tagal naman nitong teacher namin sa last subject. Nakakainip. Umupo na lang ako sa bench sa tapat ng room namin.

And then I heard again that. Nakarinig na naman ako ng kwento about kay...

Siya na naman?!

I'm a Man-hater, right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon