"Bayad ko sa pagtawag sa name mo."
AFTER 2 YEARS...
June 14, 20**
"Mommy aalis na po kami!"
Bumaba kaagad si Mommy pagkasabi ko nun.
"Mag-iingat ka okay? 'Wag kang masyadong gumala ah. Umuwi ka muna ng bahay. Dapat kasama mo si Alex ha? Pag sanay ka na sa environment mo, you can tell me para payagan kitang wala ng driver okay?"
"Mom naman eh! Don't worry na po okay? I'm fine! Excited na nga ko eh." Pangungumbinsi ko kay Mommy, ang dami kasing mga paalala sa akin.
"Ay naku naman."
"Mommy." Tumingin naman siya sa akin.
"Gusto mo ikaw na yung pumasok?" Tanong ko.
"What? Ano bang sinasabi mong babae ka? Napasukan na naman ng masamang hangin 'yang utak mo eh! Umalis na kayo. Heto lunch mo. Take care honey."
"Yes Mom. Nga pala, si Ethan po?"
"Tulog pa. Sige na. Male-late na kayo." Hinila ni Mom yung braso ko saka ako giniya sa sasakyan.
Pumasok na ako at binigyan ng beso-beso si Alex pagkasalubong.
"Kinakabahan ka ba?" Tanong ni Alex matapos kong ayusin ang gamit ko.
"Me? Why the hell would I? Excited na nga ko eh! Sa tingin mo kaya may mga gwapo doon?" Tiningnan niya ko na parang napapraning na ko.
"Bakit? What's the prob? Siguro meron noh? You're so unfair Alex. Gusto mo ikaw lang nakakakita."
"Ewan ko sa'yo Elizabeth." Naiirita niyang sagot at pataas-taas pa ng kilay.
"I told you, call me Liz. Mamahalin yung name ko. Bayaran mo if you like."
"Naku Liz, tutuktukan na kita."
"Ano nga? May mga oozing hot guys ba doon? Pag wala, magtatransfer na lang ako."
"Maraming hot guys doon Liz, actually malulula yung mata mo sa kakatingin." Parang light bulb ang nangyari sa isip ko at naiimagine ko na ang mga kalalakihan sa SCU. I'm so excited to meet them!
"As in?"
"Pwede ba Elizabeth pag-aaral muna yung asikasuhin mo. Ang landi-landi mong babae ka. First year ka pa lang, kaya ayusin mo buhay mo."
"Hoy! Sabi ko don't call me- ano to?!" Binigyan niya ko ng sampung piso.
"Bayad ko sa pagtawag sa name mo."
"Kahit kailan Alex, 'di porket second year ka na, gaganituhin mo-"
"Lumabas ka na, nandito na tayo sa school natin. You know what? Minsan nagsisisi akong naging bestfriend kita eh. Ang laki ng pinagbago mo! Hala! Pumasok ka na sa room mo. Doon ang building ng mga PolSci. Go!"
Mukhang inis na sa akin si Alex. Ewan ko ba diyan. Parang laging bugnutin sa akin. Ang ganda-ganda ko na nga.
While walking, I noticed that the people here were looking at me. O akala ko lang siguro nakatingin sila sa akin. Kinakabahan tuloy ako. Parang I want to back out.
Nakita ko yung room ko, 3001, College Algebra yung first subject ko. Kaso may prof na, patay kang bata ka!
Nakita ako nung professor ko, then she smiled. I wonder why.
"Sit down Ms. Molina. You're absent yesterday and now late huh."
Nagtinginan yung mga kaklase ko nun. Gosh! Nakakahiya naman. Napayuko na lang ako.
"Will you answer this equation Ms. Molina?"Hala! Kakaupo ko lang eh, baka hindi ko masagutan. Kaya mo yan Liz, just check it first.
Napaangat ako ng tingin sa board then looked at the equation. Tumayo ako at sinagutan yun.
Nagpalakpakan yung mga kaklase ko pagkatapos nun. Feeling ko namula ako eh. Ewan ko. SHY ako. >.<
"Hey! Alam mo bang wala sa amin ang nakasagot nun? Absent ka na nga kahapon and yet, nasagutan mo pa?" Lumingon ako sa new guy na kumausap sa akin. God! Ang handsome niya!
"M-madali lang naman yun eh." Then nagsmile ako sa kanya. Pa-tweetams talaga ako kahit kailan!
After 1 and a half hour lumabas kami, iba na naman kasi yung room ko.
"Hey! I'm Lex Paez. You remember?"
"Of course Lex! Katabi ba naman kita eh. I'm Elizabeth Molina. But much better if Liz na lang. Nice to meet you."
He gave me his so cute smile. I love it!
"Gusto mong sumama sa akin mamaya? May acquaintance kasi sa lahat ng freshmen ng six pm doon sa tabi ng gym."
"Hindi ka ba freshmen?" Umiling siya.
"Actually sophomore na ko, ngayon ko lang kasi kinuha 'tong subject, and I'm glad kasi nakakita ako ng sobrang gandang babae." Ang haba naman ng buhok ko!
"Bolero. Oh sige pupunta ako. Promise." Saka niya binigay sa akin yung maliit na papel, parang yun ang magiging program mamaya.
Mukhang magandang way itong pagsama ko sa ibang tao at pag-attend ng mga ganitong events, baka sakali na may maalala na ako.
It's been two years and yet, wala pa rin akong maalala. Yes. May amnesia ako. Basta ang kwento ni Mom, nasaksak ako at nasagasaan. Period.
Pababa na ko ng hagdan nang nalaglag yung mga gamit ko kaya pinulot ko. May nakita akong pumulot din. Thank you!
Nung nahawakan niya yung kamay ko, napatingin ako. I felt electrical energy sa pagkakalapit ng balat niya sa kamay ko.
Nanlaki yung mata niya, pero may ngiting biglang namutawi. MALI! Smirk ata yun eh. Kilala ba niya ko?
Potek ka Alex! Nagkalat ang lahi ni Adan dito! Ang daming gwapo! 'Di na talaga ako lilipat ng ibang school.
I wanna die!
"A-ahmm. T-thank you..."
Kailangan ba talagang mautal ako pag may nakikita akong lalaking attractive? Gwapo? Georgeous?
Tinignan ko yung I.D. niya, pero tanging isang letter lang yung nakita ko. Sayang.
S.
Ke-gwapo-gwapo mo Mr. S. Yummy!
BINABASA MO ANG
I'm a Man-hater, right?
Teen FictionLiz is a man-hater but Shane will come on the way and will change her mind and her heart too... Will she stop hating when she fall in love with this guy?