"Hey! It's you again."
Maaga ako pumasok since hindi ko kasabay si Alex ngayon. Umupo muna ako sa bench habang nagpapalipas ng oras. Ang laki ng pinagbago niya simula nung kidnapin daw siya ni Lex. I really wanna ask her about sa mga dating pangyayari sa buhay ko. Gusto ko nang malaman, dati kasi tinanong nila ko...
"Gusto mo bang malaman kung ano yung mga nangyari sa 'yo dati?"
Umiling ako. I'm scared. Sobrang takot ako na malaman kung ano ang mga pangyayari sa akin bago nawala ang memorya ko. Kung ano ang mga ginagawa ko. Kung ano pinagkakaabalahan ko. Ayoko pang malaman. Baka may kaaway nga ko dati kaya naaksidente ako. Ang sama ko siguro.
"Pero wala kang-"
"That's the point, I can't remember anything and I felt I'm useless. So please? Just let me think of some things. Ako na lang ang magtatanong kung ano ang gusto kong malaman."
"Are you sure honey?"
"Opo Mommy."
Kaya talagang no idea ako sa past life ko before ako ma-accident. Baliw kasi ako, gusto ko kasi ako maka-discover nung memories na nawala sa akin.
Pero minsan may mga ginagawa ako na feeling ko, 'di ko ginagawa dati pero sabi ni Mom, ganoon daw ako. Nagtitiwala na lang ako kasi siya ang nanay ko.
Hanggang pictures lang ang iba at hanggang tingin lang ginagawa ko but I never dare ask any of them. Naiintindihan nila ako. It took more than four months for me to be able to trust them. Iyon ay nang lumabas na si Ethan, natuwa ako nang makita siya at naging panatag na ako.
Doon na ko nagtiwala kay Mommy at kay Alex. After two months pagkapanganak ni Mom, nagsabi siya, ay mali, nagpaalam siya sa akin.
"Darling may sasabihin si Mommy sa 'yo."
"Ano po 'yon?" I looked at her at worried ang mukha niya.
"Can I marry?" I looked keenly at her.
"Bakit nagpapaalam ka pa Mommy?"
"Siyempre gusto ko payag ka."
"Mahal ka ba niya?" She nodded. "Do you love him?" She nodded again.
Nagtataka pa ako bakit nagpapaalam pa siya eh magpapakasal lang naman siya doon sa guy na mahal niya at mahal siya. Selfish ba ako dati? Siguro nga.
I felt guilty and I just hugged her.
"No problem Mommy. Siguro naman ito lang ang isang way para mapasaya kita kasi feeling ko nasaktan kita dati. I'm happy for you. Congratulations!"
At matapos nga ang usapan namin nagpakasal sila, at kasundo ko si Tito Jom, sobrang bait niya,at wala din naman akong masabi eh. He's such a great step-father to me. Isa pa yan, I didn't dare ask Mom about my father, ayoko pang malaman. Nandiyan naman kasi si Tito Jom para gabayan ako. It's like he's my father.
Mukhang napahaba na ata ang pagre-reminisce ko. Nagbeep ang phone ko.
From Alex/bestfriend:
Sama ka sakin sa sat night until Monday ng hapon, sa may Laguna. I need your support bestfriend please? Isa to sa mga projects ko sa student council. You're going to help me right?
To Alex/bestfriend:
Of course. Pwede magsama?
From Alex/bestfriend:
Mas marami mas maganda. Thank you bestfriend. See you on Sat, sunduin kita sa bahay nyo ok?
To Alex/bestfriend:
Ok. Busy ka pala masyado. Take care.
"So may pagkakaabalahan ako pero hindi ko man lang natanong kung ano gagawin namin doon. Sama ko na lang sila Lex at si Basti."
Ayyiiie. Kilig na naman ako nito. Ano ba!
Bigla ko napatingin sa lalaking nasa tapat ko, nakatingin siya sakin. He looked familiar.
"Hey! It's you again."
Tumango lang siya sa akin at naglakad. Sungit nun ah. So, 4th year high school pa lang siya. Black kasi ang color nung pants niya at may blue lace pa siya, indication na 4th year siya.
Nakakatuwa naman ang bata na 'yon. Nakasalamin pa siya ngayon. Hindi ko alam pero everytime na nakikita ko siya natutuwa ako sa kanya at kakaiba ang nararamdaman ko. Pero ang gwapo talaga. Ayyiee!
Ano ba naman Liz, ang hilig mo talaga sa gwapo.
BINABASA MO ANG
I'm a Man-hater, right?
Teen FictionLiz is a man-hater but Shane will come on the way and will change her mind and her heart too... Will she stop hating when she fall in love with this guy?