CHAPTER 43

1.9K 14 0
                                    

"H-hoy Alex! Magtigil ka nga. Akin lang siya. Akin!"


"Ano 'yang tinitingnan mo Alex?" Tinaasan niya lang ako na kilay at binalik ang tingin sa laptop sabay halakhak.

Nagtataka ako sa hindi mapuknat na tawa ni Alex. Hinagilap ko si Lex, wala naman dito. Bakit kaya siya masaya?

"Ano ba 'yan? Patingin ako." Sabi ko na naku-curious. Tumatawa lang siya.

"Kinikilig talaga ako. Ayiiee!" Binigay niya sa akin ang laptop niya at sinulyap ko naman kung ano nga ba- 

"Waahhh! Hmpp! Hmpp!" Natigil ang sigaw ko nang nilagay ni Alex ang mga kamay niya sa bibig ko.  

"Will you minimize your voice?!" Alex snarled with raising her eyebrow. 

Tinanggal niya ang mga kamay niya sa bibig ko. Parang hindi ako makahinga sa mga nakikita ko. 

"Bakit meron kaming pictures, videos, and especially website ni Shane?!" I screeched and stop myself immediately. 

Nagtinginan lahat ng nasa paligid namin at napangiwi na lang ako. Shet na malagket. Ang ingay ko.

"Ang ganda 'no? Sobrang kinilig ako dito sa totoo lang. Kalat na kalat na kaya 'tong site n'yo. Pati nga sa Facebook dumadami fans niyo! Gosh! Sana meron din kami nito ni Lex."

Nanlalaki ang mga mata ko sa mga pictures. Grabe! Akalain mo ba namang more than 5,000 pictures ang naka-upload dito?! At lahat ay kuha naming dalawa ni Shane na kung hindi solo ay magkasama kami. Shanelovelizbeth.com pa ang name ng website.

Hindi nga ako pamilyar karamihan sa mga kuha dito eh. Parang hindi ko pa ata siya nakakasama dito.

"Sino bang gumawa nito?" Tanong ko sa kanya.

"Aba. Ewan ko din ah. Basta nagulat na lang ako nang ipakita sa akin 'yan ng isa kong kakilala. Siyempre tiningnan ko na rin. Ang ganda-ganda. Sobrang kilig ko talaga kay fafa Shane. Ayiieee! Ang sarap-sarap niya!" 

"H-hoy Alex! Magtigil ka nga. Akin lang siya. Akin!" She raised her left eyebrow on me.

"Hala, at marunong ka na palang magdamot ngayon ha."

"Aba. Hindi naman ata ako makakapayag na isheshare ko siya sa 'yo. What Liz have will only be her. Walang hiraman. At hindi ko siya ibibigay kahit kanino."

"Hehehe. Hehehe."

"Bakit ganyan ka naman ata makatawa Alex?" She pouted something at my back kaya lumingon ako.

"Possessive ka na pala ngayon Lizbeth." 

OMG! Feeling ko lahat ng mga dugo ko pumunta sa pisngi ko. Kailan pa ba siya nandiyan sa likod ko?

"Asus. Magmomoment na naman kayo dito? Get a room puwede ba? Tsupe na bilis!"

Hinawakan ni Shane ang kamay kong nanlalamig at umalis kami sa pwesto namin. Tapos na kasi ang klase namin kaya hinihintay ko lang siya saglit. Diretso kami sa bahay para doon na lang kami magmomoment. Hahaha. Napakilala ko na pala siya kay Mommy at Tito Jom as my official boyfriend. 

Si Mommy umiyak! Nagulat nga ko do'n, kadramahan talaga niya kahit kailan eh. Walang kupas.

"Senyorita ito na po ang mirienda niyo."

Binuksan ko ang pinto at nagulat ako kasi 'yong tatlo naming maid pumasok at ang daming dala na pagkain. Picnic ba ito? Iyong totoo? Snacks lang pinapadala pero parang last supper sa ubod ng dami. Ang dami-dami ng pagkain!

I'm a Man-hater, right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon