CHAPTER 37

1.9K 16 0
                                    

"My LQ lang kami."



"Ano ba'ng mukha 'yan Basti? Will you please pretend na okay tayo?"

Tumingin siya sa akin at uminom ulit ng juice na hawak niya. Cellphone ang inaatupag kesa kausapin ako.

Ano ba namang itong lalaki na 'to. Ang bilis uminit ng ulo. Kanina muntik ng suntukin si Shane. Letse din kasi iyong lalaki, kung makatingin akala mo... Ewan.

Kung hindi ko pa pinapasok si Basti sa kotse malamang susuntukin na talaga niya si Shane. Ito namang si Shane, I don't know kung ba't huminto pa doon mismo sa tapat namin para tanungin kung bakit magkaholding hands kami. Kung hindi ba naman malaking sira ulo. Pake ba niya?

Bwisit.

"Pwede ba'ng makausap ka sandali Liz? Ipapakilala kita sa parents ko." Zach suddenly appeared.

"Oh sure." I felt relieved, at least makakaalis na ako sa awkwardness na nararamdaman ko.

Tumingin ako kay Basti, he was also looking at me. Nagnod lang siya, indicating na sumama na ko. I sighed.

"Anong problema no'n?" Tanong ni Zach.

"My LQ lang kami." Nababagot kong sagot.

"Kayo na?!"

Kumunot ang noo ko sa gulat niyang tanong. "Oo." Tapos hindi na siya nagsalita pa.

"Ayun na pala sila!" Masayang sabi niya sabay tingin sa bandang kaliwa.

Tinuro niya ang mga magulang niya na nakaupo sa may sofa, may ibang kasamang lalaki. Mukhang iyong may nakalagay ng party hat ang birthday celebrant. And infairness nung nakita ko, gwapo rin like him. Iyon nga lang, hinddi tulad ko na nakasalamin at siya.

"Mommy, Daddy, and Zone." Tumingin sila sa akin.

Ang Daddy ni Zach biglang napatayo kaya ngumiti ako ng matamis.

"Siya po 'yong friend ko, her name is Liz. Liz this is my parents and my little brother Zone." Pagpapakilala niya.

"Hello po. I'm Elizabeth Molina. Liz na lang for short. Nice to meet you Ma'am, Sir, and Zone. Heto nga pala 'yong gift ko. Happy birthday po Sir." Magiliw kong sabi.

I smiled. At iyong Dad ni Zach nakatingin sa akin ng mataman. I felt the awkwardness. Hindi kasi niya inaabot yung gift ko. He was just looking at me.

Her wife bumped him lightly. Kinuha na din niya yung gift ko na inaabot ko at ngumiti sa 'kin.

"So nice of you." Zach's mother said.

"Thank you Ate Liz." Sabi naman ni Zone.

"Liz kumain ka na ba?" Tanong ng Dad. Parang nakita ko na siya dati.

"Ah hindi pa po." Sagot ko naman habang nag-iisip kung saan ko nga ba siya nakita.

Medyo naiilang na din ko sa mga tingin na binibigay nila. May kakaiba ba sa akin? Kanina ko pa napapansin ang biglang pagtahimik nila.

"Liz feel at home okay? I just need to greet 'yong mga iba pang bisita." Mother nila Zach and Zone ang nagsalita.

"No problem Ma'am." Sabi ko.

"Tita Ef na lang."

"And Tito Tim." Sabi nung tatay nila na ngiting ngiti pa din. Masyado siguro akong maganda kaya ganito sila makatingin sa akin.

"Okay po Tito Tim and Tita Elly. Thank you po. Babalik na po ko sa mesa ko. May kasama po kasi ako."

"No problem." Sagot ulit ng Daddy nila.

Sinamahan ako ni Zach bumalik sa mesa. Pero nagdala na ko ng food para sa amin ni Basti. Tawa ako ng tawa sa mga kinukwento niya, about him and his brother Zone. Sana may kapatid din akong lalaki. Sana sa next baby nila Mom and Tito Jom, lalaki naman.

"Liz una na ko, mukhang masama na tingin ng boyfriend mo sa akin eh." Pag-iwas sa akin ni Zach kaya tumango na lang ako.

Binigay ko ang plato na para kay Basti at umupo ako sa tabi niya.

"Basti? Bati na tayo. Please?" Paglalambing ko sa kanya.

"Ba't ba kasama mo ang lalaki na 'yon?" Naiirita niyang sagot.

"Syempre pinakilala ako sa parents niya at binigay ko na rin ang gift ko." I said.

Nakabusangot pa din ang mukha niya kahit sinabi ko na dahilan ko. Saka hindi pa din ba siya matatapos sa pagkaasar niya? Lumipas na ang isang oras, iritado pa din siya.

"Mukhang masaya kang kasama s'ya ah." He smirked but I know too well that kind of expression.

"'Wag kang magselos do'n. For Pete's sake, high school lang 'yon." Sagot ko. Pinipigilan kong mainis pero napipikon na ko.

"Kahit na. Ayokong lumalapit ka do'n. I don't trust him."

"Tumigil ka nga Basti. Birthday ito ng Dad niya at baka may makarinig sa 'yo." I hissed.

Tumingin pa ako sa paligid para lang makasigurong walang nakakarinig sa pinagsasabi ni Basti.

"Let's go. Gusto ko ng umuwi tayo." He said coldly.

"What?! Eh kakadating pa lang natin."

"I'm giving you two options, uuwi tayo na magkasama o uuwi kang mag-isa." Madiin niyang sabi.

"But..." I trailed off.

Tumayo na siya at nagmartsa palabas sa bahay. Asar naman!

Wala na akong nagawa kundi magpaalam kay Zach pati sa parents niya. His parents talked to me na dumalaw din daw ulit next week, if I'm not busy. Siyempre nagsabi na ko ng oo kasi nakakahiya kila Tita at Tito.

Hinatid niya ako ng bahay na walang napag-usapan na kahit ano. He was not talking to me. Aish. Ano ba namang boyfriend ito. Ilang araw pa lang kami tapos ganito na ang nangyayari.

Shet na malagket naman.


Ano ang biglang nangyari sa amin?




I'm a Man-hater, right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon