"Hot guys are so irresistible!"
"Ahmm Alex? Freshmen lang dapat ang nandito 'di ba?" Tiningnan niya ko ng masama saka umirap.
"Yun na nga eh! Kaso naatasan ako ni Tita na bantayan ka. Baka mang-rape ka ng lalaki dito. Makasuhan ka pa."
Nagpout ako sa sinabi niya. Kita mo na ang babae na ito, akala ko pa naman supportive siya eh.
"Alex eh ano bang magagawa ko? Hot guys are so irresistible!" Pagkatapos kong sabihin yun parang gusto kong tumili kaso nagpigil ako baka hambalusin niya ako.
"Aray!" Hinimas ko yung noo ko. Pinitik ba naman yung noo ko.
"Ang bata-bata mo pa. Naku Elizabeth! Kung alam mo lang pinagsasabi mo, baka ikaw pa pumatay sa sarili mo!"
"Ang init-init ng ulo mo kanina ka pang umaga. Bakit ba?"
"Hmpp! Wala. Oh juice lang inumin mo ah."
"Opo yaya. Hehe. Joke. Nga pala, may nakilala akong hot guy kanina." She rolled her eyes and giving me death glare again. Tse! Sanay na ko.
"He's name is Lex Paez." Biglang napabuga ng juice si Alex.
"W-wait. Come again? What's the name?!"
"Lex Paez." Kumunot yung noo niya. Parang lalo siyang nainis.
"Tsss. What a coincidence."
"You know him Alex?"
"Yeah. He's my ex."Sagot niya.
"Kaya pala... I noticed magka-ryhme kayo ah, Lex siya ikaw Alex. At mag-EX pa." Napahagalpak na talaga ako ng tawa na lalong ikinainis ng mukha niya.
"Shut up! He's real name is Alexander the as$hole Paez."
"Tapos ikaw, Alexanderia Escalante. I smell something fishy here. May nakaraan pala kayo."Tiningnan na naman niya ako ng masama at umalis. Badtrip na yun for sure. Lalayuan ko muna siya.
Nakipagkilala muna ko sa mga ka-freshmen ko. At ang daming gwapo, at siyempre madami ding magaganda.
"Good evening everyone! Especially sa mga freshmen! Welcome to St. Carl University! Let's start and enjoy the party!" Si Mr. S yun ah.
Pagkasabi niya nun, nagpatugtog ng mga kanta ni Lady Gaga. Grabe ang saya! May sayawan sa dance floor tapos may mga lights pang binuksan na lalong nagpabaliw sa mga invited. Ang dami ring nakikipag-sayaw sa akin. Ako naman eh, pinapaunlakan sila. 'Di ko maatim na bastedin sila.
May mga humingi pa ng number ko pero 'di ko na binigay. Name lang yung sinasabi ko.
Nung napagod ako kumuha ako ng juice sa table saka umupo ako sa isa sa mga bench sa gilid.
"I didn't recognize that a girl like you Liz, know how to dance like that. And even though wearing those geeky eyeglasses, lots of guys still like you."
Napatingin ako sa lalaking nagsalita at napataas ng kilay, pero binaba ko kaagad nung makita kong si Mr. S pala yun. Shet! Ang gwapo talaga! Kinakabahan tuloy ako.
"You like to drink?" OMG! He's talking to me!
"Hindi ako umiinom eh."
Tapos nag-smirk siya. Lagi na lang itong nag-ismirk sa akin. Bakit kaya?
"May problema ka ba sa akin?"
"Wala noh." Tapos tumungga uli siya ng alak.
"Nga pala, I'm Elizabeth Molina. Liz na lang for short. Ikaw?" Nilahad ko yung kamay ko sa kanya, pero hindi niya man lang kinuha. Tiningnan niya lang ako na parang nagtataka. Bakit?
BINABASA MO ANG
I'm a Man-hater, right?
Teen FictionLiz is a man-hater but Shane will come on the way and will change her mind and her heart too... Will she stop hating when she fall in love with this guy?