CHAPTER 9

2.5K 23 0
                                    

"Akin na yung three glasses. Bilis!"

5:41 pm

Tapos na kaming kumain at nag-iinuman na lang yung iba dito. My God! Ang babata pa eh puros pag-iinom na ang alam sa buhay. Dahil 'di ako umiinom, ako na lang tagakuha ng pictures nila.

"Liz tama na yan. Shot ka muna kahit isa lang." Pangungulit ni Maca, si birthday girl.

"Magtigil ka diyan Maca ah. Hindi ako umiinom, puwede ba."

At yung iba nakiusap na rin. Dapat daw ganoon talaga. I looked at Alex, humihingi ako ng tulong sa kanya. Lumapit naman siya. Nagdeal na lang, ang game namin spin the bottle with twist... nagsulat sila sa papel ng mga kung anu-ano. Ewan ko kung ano pinagsusulat-sulat niya doon at kakaiba yung ngiti niya. May binabalak na naman siguro itong babae na to.

"Ganito, spin the bottle...alam niyo na game na yun pero dito, bubunot kayo ng papel. And you need to do whatever is written on the paper, okay people? Pero kung hindi nyo kaya yung gagawin yun, you better drink these 3 glasses straight, pero... pero... pag di niyo pa rin carry ang 3 straight shots, puwede kang makiusap sa katapat mo. Yun eh kung papayag, okay people? Tapos spin ulit nung nakabunot for the next VICTIM. Hahaha."

What? Nababaliw na ba siya? Nailigtas nga ako kanina pero 3 shots straight? She's really crazy.

Agree naman yung mga kaklase namin kasi new game daw. Natuwa pa nga sila sa kakaibang twist. Aish!

Nagform kami, este sila pala ng big circle. Ako kasi nakatayo, hindi ako umupo. Tagakuha nga kasi ako ng pictures. Pero naglagay sila ng space sa tapat ko, so it means kasama pa rin ako doon sa game.

"Oh sige start ka na Maca kasi ikaw birthday celebrant natin."

Bumunot si Maca, she'll dance at kukunan pa ng video. Hindi na masama. Ginawa naman niya at ako pa yung kumukuha ng video. Nakakatuwa yung ganito pero siyempre hindi ko pinapakita na natutuwa ako. Tamang tumitingin lang ako. Si Alex naman, napailing lang sakin. Siyempre alam niya na nag-eenjoy ako.

Oo na. Plastik rin ako, ayaw ko lang na makita nila na masaya ako. Basta. Ganoon yung feeling ko eh. Hirap explain bakit.

After ni birthday celebrant magsayaw, nag-enjoy yung iba, especially the boys. Nagspin na siya for the next victim na gagawa ng kalokohan ni Alex.

Kung anu-ano yung mga nakalagay doon, merong kiss yung katabi, tumula, stay kayo sa isang room for 15 minutes, kumanta ng old songs, yakapin yung katabi ni Maca (eh yung ungas na yun yung nasa left side niya, at sa right side eh si Alex). Mag-i-love-you sa katabi, etc... sobrang dami talaga para imention at never pa akong natapatan ng bottle kaya salamat sa Di-

"Liz."

"Ha?" napatingin ako sa kanila, all of them was staring at me. What's wrong?

Then I realized that the bottle was in front of me. Crap. Di po ko nagthank you Lord. Later na lang. Hmpp.

Bumunot naman ako, medyo kinakabahan ako kasi baka masama yung nakalagay dito. Eh nakangisi yung kupal na yun pati si Alex na nakakatakot yung ngisi.

I read the paper, "Kiss the person in front of you." Wahhh. Bakit ako pa? Ayaw. Ayaw!

"Uyy Liz. Ano ba yung nakasulat?"

"Akin na yung three glasses. Bilis!" I crumpled the paper sa sobrang pagkagulat, pagkainis. Nakaka-frustrate talaga!

"Hehehe. Liz, ano bang nakalagay?" I looked at Alex with my wicked eyes. She was grinning at me!

I'm a Man-hater, right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon