CHAPTER 41

1.8K 16 0
                                    

"I'm in love with him."



"Liz ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" Nahihiwagaang tanong ni Alex.

I gulped the drink and put another wine again. Nandito ako sa bahay nila Alex. Masakit na ang ulo ko pero tinitiis ko lang. Nahihilo na ko pero tinitiis ko pa din.

"Stop it Liz." Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ko siya ng masama.

"Take off your hand." I said, annoyed.

She exhaled noisily and remove her hand. Pumasok naman si Lex na may dala-dala ulit wine. I grinned.

"Lex, ba't nagdala ka na naman niyan? Letse naman talaga. Lasing na 'tong isa." Napangisi na lang ako sa pang-aaway na ginagawa ni Alex. As if may magagawa siya.

"Alex mahal, she need it so badly. Alam mo na? Break na kasi nila ni Basti. Sana nga naayos pa nila 'to eh." Nanghihinayang na turan ni Lex. 

Kung ako lang naman ang tatanungin, hindi ako nanghihinayang na break na kami. Manghihinayang ako dahil sa maling lalaki pa ako nakipagrelasyon. 

"Hay naku Lex naman eh! Kinukunsinti mo pa nga 'yang kaibigan mo eh mali naman siya! Mga lalaki talaga!" Iritable pa si Alex habang may binubulong saka nagmartsa palabas at si Lex naman nakatingin sa akin ng mataman.

"Follow her Lex. I'm fine." 

Nagmamadali niyang sinundan si Alex. 

Aish. Mali ka talaga Lex ng akala, kaya ako broken hearted hindi dahil break na kami ni Basti. But the fact that I knew Shane love Cielo. And its killing me slowly.

"Bakit umiinom ka?"

I stopped pouring wine on my glass. What the hell is he doing here? Paano niya naman nalaman ang bahay ni Alex? At talagang tinaon pa niya na nandito ako.

"What are you doing here?" Balik tanong ko sa kanya. Hindi ko magawang tumingin dahil sa iritasyon ko. Asar!

"I want you back in my life Liz. And you haven't yet answered my question. Why are you drinking?" Mas madiin ng sinabi ng hinayupak na Basti. 

"None of your business." Walang gana kong sagot. Sana umalis na siya kaagad.

"Dahil ba sa akin?"

Wow. Kung confidence lang ah, puwede ko na siyang gawaran ng award. Hmmpp.

"Trip ko lang. And please lang stop following me. Lagi mo na lang ako sinusundan kung nasaan ako."

Alam ko ang ginagawa niya. Madaming mga lalaki ang lumalapit sa akin na may mga dalang chocolates, cards, at flowers. Kung saan, doon ko lang din nalaman na may allergy ako sa mga bulaklak. Sobrang pahirap sa akin ang nangyari.

"Damn Liz, what's the matter with you?!? Ako na nga 'tong nakikipagbalikan, tapos ganyan ka pa." Kita mo itong lalaki na 'to.

"Hindi ko hiniling na balikan mo ko puwede ba? At wala kong balak na balikan ka." Sabi ko na may halo pang sarkasmo.

"And why?! I thought you still love me?" Galit na sabi ni Basti. Mind to tell you... Parang dapat pa bang ipagpasalamat ko na binabalikan niya ako?

"Akala ko rin eh pero hindi pala." Nababagot kong sabi sabay taas ng kilay sa kanya. 

He clenched his jaw and I could see the anger on his eyes. Lumapit siya sa akin at tinayo ako nang marahas. Malakas ang loob kong nakatingin pabalik sa kanya. 

"Did you really... love me?" Mabagal niyang sabi.

Crap! Suddenly I can't look at him. Natumbok niya iyong totoo. Maayos ang simula namin ni Basti pero alam ko naman sa sarili kong hindi na dapat ako nakipagrelasyon. Nadala lang ako sa excitement, at sa akalang siya ang dati kong nakarelasyon. 

"I'm sorry Basti." Tumingin ulit ako sa kanya kahit kinakabahan ako sa maari niyang itanong sa akin o ikupirma. 

"Are you in love with..." Pinutol niya ang mga salitang alam ko na ang sasabihin niya.

Tumingin siya sa akin na namamangha. Ramdam ko sa hawak niya sa braso ko ang pagkakawala ng lakas nito.

"Liz, Shane is... here." Tiningnan ko ang katabing lalaki ni Lex. Nakakunot ang mga noo ko and at the same time, kaba ang nangingibabaw. Biglang naglaho ang guilt para kay Basti. Paano niya rin nalaman na nandito ako?

Binitiwan ako ni Basti at napatingin siya sa lalaking kakadating lang. He was frowning.

"Siya ba ang dahilan?!" Sigaw ni Basti na nakapagpagulat na sa akin.

"Basti stop shouting! What's the matter with you?" Malakas din na sigaw ni Alex. Alam kong sa loob loob niya, ito na iyong chance niya para makaganti man lang sa ginawa kong panggagago.

"Wala sa akin ang problema na kay Liz!" Mariin niyang sabi. Sinamaan niya ako ng tingin bago binalik kay Shane ang tingin.

Abruptly, they were looking at me with confused look. And I felt the dizziness pero hindi ko iniinda. This is crap. Ayokong magsalita kasi baka ano'ng mangyari.

Mukhang napansin ni Alex ang pagkahilo ko nang napatingin siya sa kamay kong matinding nakakapit sa mesa.

Hindi ko na pinansin ang mga tingin ng mga lalaking iniwan namin sa sala.

"Liz, 'lika na akyat ka na muna." Hinila na ko ni Alex and I can't help crying habang naglalakad na kami papasok ng kwarto. 

Nakayakap ako kay Alex habang hinahagod-hagod niya ang likod ko.

"Ba't ka umiiyak?" Nag-aalala niyang tanong. Hindi ako makasagot dahil humahagulgol na ako. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak.

Pinaupo niya ko sa gilid ng kanyang kama at tinitigan ako. Mahirap. Hindi ko na kayang itago.

"Dahil ba kay Basti?" I shook my head while still wiping the tears on my cheeks.

"Is it about Shane?" Napatingin ako sa kanya saglit at 'di na talaga mapigilan ang mga luha ko. 

"I'm in love with him." I said clearly.

"Shit." Alex hugged me tightly.

"I'm sorry. I'm so sorry." Alam ko namang hindi ako dapat magkaroon ng feelings sa kanya.

Bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya. Nakita kong umiiyak na din si Alex. Nagtataka ako. Bakit? 

"What did I do Alex? Bakit ka ba umiiyak?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Ako lang naman ang nasasaktan dito ah.

"S-sana sinabi ko na lang dati pa lahat. Nasaktan ka na naman. And  I don't wanna see you hurt again Liz. Alam ko kung gaano kahirap ang pinagdaanan mo."

Hindi ko maintindihan. Ano bang dati? Ano ba talaga meron dati?

Nakarinig kami ng ingay sa baba kaya nagmadali kaming bumaba kahit puros luha pa ang mga mata namin.

And I can't understand.

Shane and Basti. Nagsusuntukan.

Bakit? 

I saw Lex tried to stop them pero hindi niya maawat. Hindi niya na alam ang gagawin. Nahihirapan akong mag-isip kung paano ba nangyari ito? Lahat malabo sa akin. Umawat na rin si Alex pero hindi rin nila napigilan.

At hindi ko alam kung ano dapat kong maramdaman sa mga pinagsasabi nila. Nasaktan ako. Nasasaktan ako. Puros panloloko lang pala lahat.











I'm a Man-hater, right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon