CHAPTER 26

1.9K 21 0
                                    

"Why are you smelling me?"

"Ayy hindi. Sige joke lang 'yon." Mukha naman 'tong ewan eh. For sure niloloko lang ako nitong si Basti. Hitsura pa lang, mukha ng sinungaling.

Makauwi na nga kasama si Alex... teka? Nasaan siya?

"Basti nakita mo ba si Alex? Kanina nandito lang 'yon eh." Nasaan na kaya 'yon?

"Pare nakita mo ba si Lex?" Tanong ni Basti sa lalaking napadaan sa gawi namin.

"Oo pare, may kinakaladkad na babae! Nakakatawa nga eh, humihingi ng saklolo, kinikidnap daw siya. Sandali... sino ba 'yon? Hmmm. Tama! Si Alexandria Escalante yun, iyong secretary ng Student council, nasa accounting department."

"May idea ka ba kung saan siya dinala ni Lex?" Napakamot sa ulo iyong lalaki.

"Pasensiya na pare hindi ko alam kung saan niya dadalhin, sumakay sila ng kotse eh."

Natawa ako kahit masakit yung ulo ko. Ang bilis kumilos ni Lex ah. Kung 'di madaan sa pakiusapan, daanin sa santong paspasan!

Maghihintay na lang sa kakalabasan nila.

"U-uwi na ko Basti, ingat ka-" Bigla akong natumba pero nasalo kaagad niya.

Napatingin ako sa mukha niya at pakiramdam ko namula 'yong mukha ko. God! Anong nangyayari sa akin?

Umiinit dito! Aircon! Pakilakasan naman!

"Ano ba 'to! Hatid na nga kita."

Inalalayan niya kong maglakad, habang ang isang braso ko nakapatong sa leeg niya. Ang tangkad niya pala. Medyo nakakangawit ang ganitong posisyon.

Inalalayan niya ulit akong sumakay ng kotse at katabi sa driver's seat.

Pumikit na ako at sinandal yung ulo ko sa may salamin. Nahihilo ako.

"Liz, ayos ka lang ba?" Tanong niya, naramdaman ko pang kinakabit niya 'yong seat belt.

"Slight lang. Nahihilo ako. Pahatid naman sa bahay ko ah. Nakalimutan ko kasing dalhin yung gamot ko."

"Para saan naman?" Tanong niya.

"Para sa sakit ng ulo ko. Ngayon na lang ulit nangyari ang ganito. Itong sobrang sakit ng ulo, at nahihilo ako."

Nanlalabo ang mga mata ko kahit may suot akong salamin tapos umiikot ang paligid ko kaya pinikit ko lalo ang mga mata ko.

Who are you Shane Melenes?



Nagising ako ng 6am at nagprepare na sa pagpasok. Pagbaba ko nang hagdan, nakita ko si Mommy karga si Ethan. Napangiti ako.

"Good morning Mommy!" She narrowed her eyes then pointed the sofa.

"Mag-uusap tayo. Upo!"

"Bakit? Anong ginawa ko?"

"Sabing umupo ka diyan eh!" Napa-upo naman ako kaagad. Katakot boses ni Mom.

"So ano nga 'yon Mommy?"

"Hindi mo naaalala? May naghatid sa 'yong lalaki dito kagabi. Ano na namang ginawa mo at biglang sumakit ulo mo ha? Hindi ka na nahiya, natulog ka pa sa sasakyan niya. Siya pa nga naghatid sa kwarto mo!" Nanlaki mata ko. Weh? 'Di nga?

"Oo! 'Wag mo ko panlakihan ng mata kasi iyon ang totoo! And who the heck is that guy?! Siguro hinabol mo na naman kaya kasama mo. Jusko! Ano bang gagawin ko sa 'yo. Dati namomoblema ako kasi-" Grabe bibig ni Mommy, parang armalite. Dire-diretso.

"Mommy ano ba? Ang sakit na ng tenga ko. Will you please-"

"What?!"

"Ano... minimize your voice naman, ang sama ng tingin satin ni Ethan oh."

Tiningnan naman niya ang magaling kong baby at napangiti ako kasi tumawa ba naman sa amin.

Naku! Ang cute talaga ng mga bata!

"Ma'am nandiyan na po si Ma'am Alex."

"Elizabeth hindi pa tayo tapos! Lagi ka na lang.. blah... blah... blah-"

Grr! Ano ba namang bibig ni Mommy! Ganito ba talaga siya kahit 'di pa ko nagkaka-amnesia? Nakakatorete siya! God!

Maii-stress ako sa kanya. Madali akong tatanda dahil sa kakasermon niya sa akin parati!

Pagkakita ko kay Alex, tulala. Hala! Anong nangyari dito?

"Huy! Anong nangyari sa 'yo?"

She just looked at me then looked outside. Napaano kaya 'to? Eh 'di ba magkasama lang sila kagabi ni Lex? Ano naman kayang milagro ang ginawa nun? Kahit anong pagdaldal ko, aba walang sagot sa akin.

Dati kasi, sermon inaabutan ko sa kanya. But now? Hmm. Nanahimik na lang ako. Matanong na nga lang kay Lex mamaya.

Dumiretso na kaagad ako sa room ko. God! Wednesday pala ngayon. Ano ba naman! Iba pala room ko.

Arghh akala ko naman Math ang subject ko today! Sayang gusto ko pa naman makachikahan si Lex, kaso wala akong contacts sa kanya. Ang alam ko lang din sa kanya ay pangalan niya. Ano ba yan, tomorrow na nga lang.

Pagpasok ko sa tamang room, naghanap na ko ng mauupuan. Doon ako sa medyo harap para naririnig ko yung turo at para naiintindihan ko din.

After a while dumating na din ang professor namin, nagpakilala siya and as usual, introducing yourself daw ang mga freshmen. Alam niyo na madaming kaartehan.

Nagstart ang flow ng class at ayos naman. Tama lang, 'di boring 'di naman bongga. Tiningnan ko ang mga iba kong kaklase at nahagip nang tingin ko ang isang lalaki.

OMG! OMG!

God! Hindi ako namamalikmata!

"Mr. Melenes could you take a seat on the vacant chair there on left, beside that pretty lady." Tinuro ako ni Ma'am at ako nama'y gulat na gulat kung bakit ganoon.

Ngumiti siya at humarap sa amin. Yummy! Kahit na naka-business attire siya.

"Mr. Melenes, you can take a seat on the vacant chair there on left."

Déjà vu. Parang nangyari na. And what the heck is that? Parang biglang may nag-pop sa utak ko.

Tinuro ni Ma'am yung side ko. Ako ang tatabihan niya! Bigla ko kaagad hinawakan yung ballpen ko at kunwari eh may sinusulat. Pero hindi ko siya nililingon.

Pag-upo niya, naamoy ko kaagad ang pabango niya. Grabe. Ang bango-bango naman. Hmm.

"Why are you smelling me?"

"Huh?" Bigla ako napalingon sa kanya at nakakunot siya ng noo. And I felt that all my blood go to my cheeks. Kakahiya.

"Tsk. Tsk."

May mga konting discussion ang teacher, ako minsan palinga-linga sa katabi ko. Hindi ko mapigilang tumingin sa kanya. Ang gwapo naman kasi eh.

Tapos bigla siyang tumayo. He talked to our prof then went outside, with his bag. Anong problema nun? Baka naman pupunta lang ng CR. Hintay ako ng hintay pero hindi na siya bumalik.

Pagkatapos ng klase, hindi ko napigilan ang sarili ko na magtanong.

"Ma'am pwede po magtanong?"

"Oh Ms. Molina, what's the problem?"

"Bakit po biglang lumabas yung si... Shane Melenes."

"Ahh 'yon ba? Papalipat daw siya ng ibang sched."

"Bakit naman?" Tanong ko kaagad.

Humarap siya sa akin at ngumiti. "Ayaw daw niya sa katabi niya."

And I felt my jaws dropped.

I'm a Man-hater, right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon