"Sa ugali mong 'yan 'di ka talaga magkakaboyfriend."
Nakakawalang gana naman kumain kung ganito na may isang sira-ulong tingin ng tingin sa 'yo at ngingitian ka pa. I can't take this anymore!
"Bakit ba tingin ka ng tingin diyan?" Nakasimangot pa akong humarap sa kanya at ang hudas mukhang masaya pa.
"Wala." Tumingin siya sa plato niya and then ngumingiti ng nakakaloko.
May sayad ba ito sa utak? Kasi kung meron man, ako na ang magdadala sa kanya sa Mandaluyong Mental Hospital.
"Liz ano na naman 'yan?"
Umupo na si Mom sa upuan niya.
"Good morning Mom." Pagbati ko sa kanya.
"Bakit ba inaaway mo na naman iyang si Shane, kinakapatid mo 'yan. Wala naman siyang ginagawang masama sa 'yo." Madamdamin pang sabi ni Mom. Oh please!
"Mom please stop it. Wala akong ginagawa sa kanya." Depensa ko.
"Is that true Shane?" Tiningnan ko siya ng masama. Ayusin mo lang talaga.
Tumingin siya sa akin ng nakakaloko, and then kay Mom.
"Hindi po Ninang, actually lagi po siyang nagtataray sa 'kin eh wala naman akong ginagawang masama."
Kainis naman talaga oh. Pahamak ka talaga sa buhay ko. Tumingin sa akin ng matalim si Mom. Crap.
"Liz pwede bang magbigay ka ng exception? He's different from others. At saka bisita ko siya dito. I trust him na wala siyang gagawing di maganda."
"Yes Mom." Labas sa ilong na sagot ko. Hmp!
"My God Liz, sa ugali mong 'yan 'di ka talaga magkakaboyfriend."
"Huh? At bakit naman nasama iyang usapan na 'yan dito?"
"Eh 'di ba totoo naman talaga? Ang dami ko ng inereto sa 'yo pero lahat binasted mo. Tapos iyong mga guys na nagpupunta dito pag hindi mo nilalabas, its either pinalalayas mo naman. I don't know what I should do."
Kita mo na?! Dati wala namang pakialam sa akin si Mom tungkol dito pero ngayon... Paulit- ulit na siya.
"Wala na 'tong patutunguhan. Alis na ko."
"Elizabeth we're still not done talking!" Inis na yan for sure si Mom. Tumataas na iyong voice niya but I don't care.
"Mom maya na lang tayo mag-usap. Parehong mainit mga ulo natin. At saka baka ma-late ako. Bye."
Narinig kong may sinasabi si Mom dun sa, oh well, sa bugok na 'yon. Tahimik lang naman siyang nakasunod. Bwisit ka talaga! Dahil sayo, nagkaroon pa tuloy kami ng quarrel ni Mom.
"Lizbeth, I'm sorry on what I said. Dahil do'n, nag-away pa kayo ni Ninang."
Hindi ko nga siya papansinin. Manigas siya! Kakabuwisit. Nagbayad na kaagad ako sa driver para hindi niya bayaran 'no. Baka magkautang-na-loob pa ko sa kanya.
Nung nasa school na kami, nakasunod pa rin itong bugok na 'to. Akala mo aso na sunod ng sunod sa kanyang amo. Madami sa mga girls dito, ang lalagkit ng tingin sa kanya. Kilig na kilig pa iyong iba. Akala mo ngayon lang nakakita ng lalaki sa buong buhay nila.
Heto namang kupal na ito, ngumingiti-ngiti pa at may pakaway-kaway pa. Feeling mo artista ka? Lol. Ang pa-
"Ouchh!" Langya. Ang bilis ata ng karma sa akin. Nabunggo ako ni manong guard, or rather nabunggo ko siya. Napaupo talaga ako doon. Ang sakit pa ng noo ko.
BINABASA MO ANG
I'm a Man-hater, right?
Teen FictionLiz is a man-hater but Shane will come on the way and will change her mind and her heart too... Will she stop hating when she fall in love with this guy?