"So, matagal mo na palang gusto ang katawan ko?"
"Waahh! Lex! Stop it!"
Tinawanan lang ni Lex si Alex, hinila niya kasi papunta ng swimming pool si Alex at hayun, kahit ayaw niyang maligo, no choice siya. Ang sama na naman ng mukha ni Alex pagkaahon sabay nagwalk out. Siyempre dahil mahal ni Lex si Alex, sinundan niya 'to at sinuyo.
Umiling na lang ako sa kanila, lagi na lang silang may LQ. Mga lovers naman talaga. Well, hindi pa naman kami ni Basti eh, so I couldn't consider these things that happening as a relationship of a couple. Nililigawan niya pa rin ako.
At feeling ko mas sweet siya ngayon. Ewan ko ba, after nung huling sinabi ni Shane parang mas eager sa pagiging sweet si Basti. Naguguluhan nga ko sa takbo ng mga sinasabi niya.
Siguro nga kilala ko si Shane dati, may nagsasabi kasi sa loob ko. Pero hindi ako naniniwala na boyfriend ko siya dati kasi kung tingnan niya ako parang wala namang something sa amin dati. Gayon man, ang gwapo niya talaga lalo na pag natititigan mo yung pisngi niyang mamula mula at ang ilong niyang katamtaman lang ang tangos pati ang mata niyang parating nangungusap.
Parang lumulukso yung puso ko tuwing nakikita ko siya, siyempre ganun din kay Basti pero iba ang feeling ko. Ah ewan. Magulo na talaga ko.
Napansin ko nga daming lalaking nakatingin sa akin. Ewan ko ba bakit. Ano bang meron sa akin?
"Wanna swim Liz?" Ngumiti si Basti saka hinihili ang braso ko.
Hay. Nakaka-inlove ka talaga Basti lalo na ngayon na ang ganda nang nakikita ng mga mata ko. Pinagpala talaga ko sa babaeng lahat. Hahaha
Umiling ako kasi hindi ko naman feel 'no. Siya na lang. Mas masarap siyang tingnan na lumalangoy.
"Oh c'mon imposible namang hindi ka marunong lumangoy, si Alex nga ang galing-galing maglalalangoy eh."
Napaisip ako doon, may point siya kasi ang alam ko, kung anong alam ni Alex, alam ko din. Best friend daw kami simula pa nung bata kami.
"Ayoko nga. Kulit mo talaga."
Pero nakangiti ako habang sinasabi ko 'yon. Alam niyo na? Pa-keme pa ko. Baka sabihin niya easy to get ako. Hahaha.
"Ayaw mo talaga?"
Hindi ko gusto ang nakikita kong ngiti sa mga labi ni Basti, nakakakaba eh. Dahan dahan siya sa aking lumapit kaya tumakbo ako pero naabutan pa rin niya ko.
"Wahh! Basti put me down!" Hinawakan ko kaagad ang salamin ko at baka masira.
"No way!"
Tumatawa kami habang buhat niya ko sa may balikat niya. Walang hiyang lalaki 'to ah. Kinikilig ako.
Napahinto ako bigla sa pagtawa ng may nakatingin sakin. Biglang bumilis tibok ng puso ko at kinakakabahan ako sa mga titig na nakikita ko sa kanya.
Naramdaman ko na lang ang tubig sa katawan ko. At napahawak ako bigla kay Basti, bigla ako nakaramdam ng takot.
"Oh bakit? 'Kaw huh, tsansing ka na sakin." Pang-aasar ni Basti... Gusto ko nang itago ang takot na bigla kong nararamdaman.
"Heh! Kahit patay na patay ako sa katawan mo 'di naman ako man-"
Okay, you're such a stupid Liz. Why the hell did you spill that? I saw the smile that written on Basti's face. Arrghh!
"So, matagal mo na palang gusto itong katawan ko?" Mas lumapit pa siya sa akin para maramdaman ko siya.
Ayoko ng magsalita. Imbyerna naman oh.
"Oh sige sige. Pagbibigyan kita. Pwede mong hawakan-"
"Basti may tawag sa 'yo, galing sa mama mo." Sambit ng kaibigan niya. Hmpp. Istorbo ang lalaking 'yon ah.
"Okay lang bang maiwan kita dito?"
"Oh sure, nanay mo 'yan. Makakapaghintay ako dito."
Umahon nga siya at inalalayan akong makaupo sa may gilid ng pool. Hindi ko alam pero natatakot akong maiwan dito.
Ito na talaga napapaamin na ko ni Basti, kung sagutin ko na kaya siya? Pero mahal ko na ba siya? I'm not sure but what I know is that I just like him.
"Can I sit with you?"
Napaangat ako ng tingin at nagulat ako ng nakangiti siya sa akin.
Kasi naman nung nakita ko siya sa may simbahan, gulat na gulat siya. Yung second time naman sa school, medyo masungit lang. pero ngayon, mukhang good mood siya.
"Oh sure." Ngayon lang siya sa a kin ngumiti eh.
"I'm Elizach Mo-simo. Zach for short na lang."
"I'm Elizabeth Molina, Liz for short."
Inilahad ko pa ang kamay ko at tinanggap naman niya. Nung una ko pa lang syang nakita ang cute cute na talaga nya, don't get me wrong ha. Bata pa siya, high school pa lang siya eh.
"Bakit nandito ka rin? Nakisama ka rin sa outreach program ni Alex?"
"Yes. I'm the President of the student council sa SCU Laboratory High School."
"Wow! Ang galing mo naman, nice to meet you, so kayo pala nagpropose nitong project na 'to?" nagnod ulit siya. Nakakatuwa talaga 'tong si Zach, gwapo na matalino pa.
He looked at his watch then stood up.
"Got to go, I need to do something, last night na natin maya at may sayawan dito. Sumama ka ah."
"Of course I love to. See you later."
Pumasok siya sa may retreat house at ako naman eh tumayo na. Nakita kong nakatingin ulit sa akin si Shane. Ano bang problema nun?
"Tabi! Tabi!" May mga nagtatakbuhang mga lalaki at pinapatabi ako.
Waahh! Nasa gilid na nga ko ng pool tatabi pa ko?!
Paghakbang ko patalikod, nalaglag na ko sa pool and the next thing I knew, I'm calling out for help.
"Tulong!"
BINABASA MO ANG
I'm a Man-hater, right?
Teen FictionLiz is a man-hater but Shane will come on the way and will change her mind and her heart too... Will she stop hating when she fall in love with this guy?