"W-what a-are you doing here?"
"Liz? Hindi ka ba lalabas diyan? Anong oras na, may pasok ka pa 'di ba?" Sigaw ni Mommy sa labas ng kwarto sabay katok.
"Masama ang pakiramdam ko Mom. I still wanna sleep!" Sigaw ko pabalik.
Pumikit ulit ako, baka sakaling makatulog pero wala na talaga. Lalong sumasakit ulo ko sa pag-iisip. Tumayo ako at humarap sa salamin. Maga pa din ang mga mata ko. Crap! Magang-maga!
Ayokong makita ako ni Mommy na ganito. Baka magworry na naman 'yon. Alam kong sobra siyang nahirapan lalo na no'ng nagcocope up pa rin ako sa pagkakaroon ng amnesia. Tapos ito na naman?
Lumabas muna ko ng kwarto at pupunta sana ko ng study table kaso napatigil ako nang makita ko iyong doctor ko na kausap ni Mom at ni Tito Jom. Nakiusyoso ako dahil wala naman kaming appointment sa kanya.
"So ano ba talagang condition niya doc?" Tanong ni Mom.
Huminga ng malalim iyong doctor ko at parang pinagpapawisan ako ng malamig. Dapat ba akong kabahan or what?
"Babalik pa ba ang alaala niya?"
"Ayokong umasa kayo pero... sa condition niya. Lagi siyang stress. At sa mga observations na din, madalas na 'yong pananakit ng ulo niya."
"Sabihin mo na lang doc kung ano na nga ba ang mangyayari!" Nag-aalala nang sabi ni Mom. Nasa likod niya si Tito Jom saka hinaplos ang likod niya.
Sobra ang kaba ng dibdib ko. Ano na ba talaga ang condition ko? Amnesia lang naman ang sakit ko 'di ba?
"Please Ma'am, kumalma lang kayo. Kailangan niya kayo sa ngayon. Nasabi ko na po ito before pero mas malaki 'yong chance sa ngayon. So, base sa mga nakalap ko at sa mga results niya there's a big possibility na maging permanent na ang memory loss niya." Sabi ng doktor.
I heard Mom cried. And my tears began flowing now, heavily.
Permanent na? Pero ayoko. Ayoko! Hindi dapat maging ganoon ang pangyayari. Palagi kong iniinom ang mga gamot na nireseta niya. Nagpapacheck up kami palagi lalo na noong bago pa lamang ang aksidente ko.
Umakyat ulit ako sa kwarto ko at nagkulong. Tiningnan ko ang mga gamit ko at wala pa rin akong maalala. Iyon ang masaklap doon. Wala na kong maalala.
Nakatulog ako na madaming iniisip at pag-aalala ang purong nararamdaman.
Nagising ako nang maramdaman kong may humahawak nang marahan sa mukha ko. Ang bango niya. Ang lambot ng kamay niya. And this kind of feeling is extremely familiar.
"Lizbeth..."
Napadilat ako bigla at nagulat. Ano na naman ang ginagawa niya dito?!
Kahit lampshade lang ang nakaopen nakikita ko pa rin 'yong mukha niya. Tinitingan ko ang mukha niya na puros sugat at may pasa pa siya. Iyon siguro 'yong mga panununtok na ginawa ni Basti sa kanya.
Ayan na naman.
Si Basti na naman ang may kasalanan. Sobrang sama niya. I hate him! I hate them. But this guy in front of me? Kahit anong hate ko walang kwenta. Siya pa rin talaga mahal ko.
"Lizbeth." Tawag ulit ni Shane.
"Oh?" Tumingin ako sa kanya. Nakakunot ang noo niya at panay pa din ang haplos sa buhok ko. Nakakaantok ang ginagawa niya o baka sadyang tulog lang ako at panaginip ito.
"Bakit namamaga mata mo?" Ngumisi lang ako. Sana nga totoo ang pag-aalala ng taong 'to.
"Wala kang pakialam. Ba't ka ba nandito?"
Niyakap niya ko at naramdaman ko 'yong tibok ng puso niya. Sobrang bilis.
"I miss you Lizbeth. So much. I miss you. I love you. I love you."
I love you?!
Did I hear it right?? Mahal niya ba talaga ako?
He held my face and looked intently on me. Tapos parang umiiyak siya. Medyo basa ang mga mata niya.
"Mahal mo ba-"
Hinalikan na niya ko bigla. Oh crap! Hinahalikan niya ko! Matapos ang ilang segundo, I kissed him back. Parang totoo talaga na namiss niya ko.
Ramdam ko ang init ng halik niya pati ang bigat ng haplos niya sa batok ko para lang mas lalo pang magkalapit ang mga mukha namin. Sana hindi ito panaginip. Sana totoo lahat.
Napabalikwas ako ng bangon kasi naalala ko ang panaginip ko. Luminga linga ako sa paligid para hanapin ang kahalikan ko kagabi. No Shane.
"My dear Liz, bumaba ka na! Kakain na." Sigaw ni Mom sabay katok ng ilang beses sa pinto.
I didn't answer. I miss that guy. Kung bakit naman kasi nananaginip pa ako na pumunta siya dito and then kissed me! God! I felt that I'm blushing.
Umupo ako at hinitay iyong pagkain na ilalapag.
"Good morning Lizbeth!" Maligayang bati ng lalaki na sa panaginip ko lang nakikita.
Napatayo pa ako bigla at napahawak sa bibig ko. Tama ba'ng nakikita ko?! Si Shane?
"W-what a-are you doing here?" I stammered while looking at his face and body just to confirm that he is indeed true.
Nilapag niya 'yong mga plato na hawak niya. Tinitingnan ko pa rin siya kasi nga nagtataka ako ano'ng ginagawa niya dito?
"Umupo ka nga muna." He smiled at sobrang kilig ang nararamdaman ko nang nakita ko 'yon. Shet na malagket. Ang gwapo niya pa din.
Umupo ako at napangiti na rin sa hindi ko malamang kadahilanan.
Siya pa ang kumuha ng mga pagkain at nilagyan ang plato ko. Ako naman nabibigla sa mga pangyayari. Nasaan na nga pala si Mommy? Siya ang tumawag sa akin kanina.
"Oh what's the problem? You didn't like the food?" He cocked his eyebrow, waiting for me to answer.
Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman sa mga sandaling ito. Nabibigla pa din ako. Kinakabahan. Nininerbyos. Natutuwa. God! Halo-halo na.
"Lizbeth?" Hinawakan niya ang mukha ko kaya napapitlag ako.
"Uh... why are you here?" He smiled again.
Wala na talaga. Magkalimutan na. Makita ko pa lang ang ngiti niya pakiramdam ko lumulutang ako. Nalulula na ang mga mata ko at puso ko sa sobrang kilig.
"Siyempre nandito ka kasi. Ano ka ba, kain na tayo."
"H-hindi. W-what I mean... ba't ginagawa mo 'to? Anong ibig sabihin nito?"
Humarap siya sakin at tinitigan ako na parang ako lang talaga ang mahal niya. As in ako lang. Joke! Hindi ko siyemprealam ang ibig sabihin ng mga tingin niya.
"Hindi mo ba naaalala na nandito ako kagabi? And I said I miss you. I said I love you. And you know..." He grinned. "We kissed."
OMG.
"Don't tell me? Totoo talaga lahat ng nangyari kagabi?! I'm not dreaming?!" Gullantang na tanong ko. Crap!
"Of course gusto mo ulitin ulit natin?"
Magsasalita pa sana ko kaso nailapat na niya ang labi niya sa labi ko. God! I so love his lips. Hmmm. So sweet. Puwede na siyang agahan ko. Busog na ko. Busog na busog na.
**BURF**
BINABASA MO ANG
I'm a Man-hater, right?
Teen FictionLiz is a man-hater but Shane will come on the way and will change her mind and her heart too... Will she stop hating when she fall in love with this guy?