CHAPTER 48

1.8K 11 1
                                    

"Pasensiya na kayo Shane ah, naistorbo ko 'yong paglolove make niyo."



"Lizbeth sigurado ka bang ayos ka lang?" Nagtaas ako ng kilay sa kanya at ngumiti din.

"Of course, bakit ba ang kulit mo?"

Tiningnan pa ulit niya ako ng mga ilang segundo bago ngumiting muli. Napangiti naman din ako. Kahit kailan itong lalaki na ito puros na lang kalandian ang alam gawin. Ang puso ko naman wala ng magawa kundi ngumiti na lang at magdiwang.

Hindi na naman siya pumasok sa klase niya kasi bigla daw niya akong namiss. Hindi raw niya maatim na hindi ako makita. I know, he's too sweet for me. He always does everything just to make me happy. Parang pakiramdam ko anytime, mawawala na rin lahat. Hindi ba nga sabi nila, 'wag kang masyadong masaya kasi ang kapalit no'n, sobrang kalungkutan. Pero pagdating kay Shane wala na kong pake. Sobrang mahal ko siya eh.

"'Lika nga dito." Aya niya saka ako biglang hinila palapit sa kanya. 

Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa may pisngi ko. Hinawakan pa niya ang buhok ko habang naghuhum ng kung anong kanta.

"I miss you."

Napangiti ulit ako. Namiss daw niya ako sa lagay na yan eh halos lagi nga kaming nagkikita. Sa bahay na siya nakatira, sa may kabilang side ng room ko.Ewan ko nga ba kay Mommy, siguro masyado talaga siyang paranoid. Gusto niya daw na maging ina kaagad ako.

Hindi ko alam kung gaano na kami katagal nakahiga. Hindi naman ako gumagalaw sa pwesto namin kasi ayokong magising siya. Masarap sa pakiramdam na nandiyan lang siya sa tabi ko eh. Nakakatuwa lang talaga.

Mga 30 mins siguro ang pinalipas ko bago ako tumayo at binuksan iyong laptop ko. Nagtype ako tungkol sa nararamdaman ko sa mga oras na ito. Nang nakita kong gumalaw si Shane, pinatay ko na ulit at tumabi na sa may couch.

"Gusto mong kumain?" Tanong ko. Hindi pa naman ako gutom pero baka 'yon na ang nararamdaman niya.

"Uh-huh. Pero gusto ko luto mo. 'Wag pala muna, kiss ko muna?"

Nagpout ako kaya tumayo siya bigla at hinila ako papunta sa couch. Nasa ibabaw niya ako. Hinila niya iyong batok ko kaya hinalikan ko na siya.

"Darling may-"

Napalingon kami sa pinto pero nanlaki ang mga mata ko nang makita si Mommy na nakatingin sa amin. Shet na malagket! Tumayo ako bigla pati rin si Shane. Hindi ko na napansin kung ano ba ang naging expression niya. Basta ako hiyang-hiya ako. I could still feel my cheeks burning.

"Pasensya na kayo Shane ah, naistorbo ko 'yong paglolove make niyo." Nakangisi niya pang sabi, mukhang hindi nababahala sa nakitang eksena kanina.

"Mom! Will you stop that?!"

Si Shane nagkamot ng batok.Tumawa lang si Mommy pero parang ngiting tagumpay din ata ang ginawa niya. Hinila niya ko kaya iniwan ko muna si Shane sa loob ng kwarto ko.

"What now?" I hissed.

"Grabe baby, dalaga ka na talaga!" Hinaplos pa ni Mom 'yong buhok ko kaya lumayo ako ng konti. Kumunot lang noo ni Mom then ngumiti.

"Ano ka ba darling, sorry na talaga kasi naistorbo ko kayo. Kasi naman eh, kung maglalampungan kayo, lock the door. Kaya ka nga ginawan ng lock doon para 'di ka maistorbo tapos hindi mo man lang ginagamit."

Kita mo na 'tong si Mommy, siya na nga nang-istorbo siya pa nanermon. At nagtataka lang talaga ako kasi dapat 'di ba maghurementado siya? Ganoon ang mga magulang ngayon tama? Pero parang ipinupush pa ko ni Mom na may mangyari sa amin.

Oh God help me.

"Naku Liz anak, kung magpapakasal ka man ngayon as in now na, go lang. Susuportahan kita don't worry. Hindi ako magagalit promise."

"Mommy ano ka ba? Gusto mo ba kong mabuntis ng maaga?" Namamangha kong tanong sa kanya. Ano ba 'tong pinagsasabi sa akin ng nanay ko.

"Why not?"

Parang nalaglag ang panga ko doon. Ano ba 'tong si Mommy? Is she really my mother?!

"You know what baby, okay lang talaga sa akin kung magpakasal ka na or magkababy ka no problem. Alam mo kung bakit?"

Umiling ako. Hinawakan ni Mommy ang mga balikat ko kaya tumingin ulit ako sa kanya. Ngumiti siya, 'yong parang ipinararating niya sa iyo na ayos lang lahat.

"Kaya okay lang sa akin baby kasi alam kong mahal mo s iya. At si Shane? Sobrang mahal na mahal ka niya. He will do anything for you. He'll die just for you. It's really hard to find a guy like him. Maybe may mga lalaking mahal ka, nandiyan lang' yan sa tabi-tabi. Naghihintay ng chance na magbreak kayo ni Shane." Sumimangot ako kaya tumawa si Mom. 

"Just kidding honey. O, sige tutuloy ko na. Siguro may mga lalaking gusto ka, and for sure madami sila. Pero wala ka ng makikitang lalaki na katulad niya. Iyong alam mong mamahalin mo din ng buong buhay mo." Nangingiti si Mom sa madamdamin niyang explanation. 

Tama. Wala na talaga kasi isinuko ko na lahat eh. Binigay ko ang puso ko sa kanya kahit wala akong naaalala. Siya pa rin 'yong mahal ko.

"Sige na magbihis ka na. Ang alam ko magdedate kayo. Nagpaalam na siya sa akin."

"Nagpaalam?" Tanong ko.

"Oo. Nagpapaalam naman siya 'no. Anong akala mo? Tuwing lalabas kayo ay dahil sa gusto niyo lang? Of course not! Nagpapaalam siya sa 'kin tuwing may lakad kayo at tuwing nagkikita kayo, well informed ako." Sabay halakhak na akala mo kontra bida sa mga soap opera.

I just rolled my eyes. I don't know what you gonna call on my Mom. Hindi mo malaman kung sensitive or aggressive, papayagan kayong dalawa lang sa kwarto pero pag magdedate magpapaalam pa. Anong tawag mo doon?

God, ano bang nanay ang binigay mo sa akin?





I'm a Man-hater, right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon