CHAPTER 15

2.2K 23 1
                                    

"Walang kami okay? WALA! WALA!"

"Lizbeth? Gumising ka na. Sige na naman. Pauwi na si Ninang. Magwoworry yun."

"Honey? Wake up! Mommy's here now. Nagwoworry na ko."

I heard them calling me pero hindi ko maimulat yung mga mata ko. Hindi ko kaya.

"Liz! Gising ka na. Madami pa tayong gagawing assignments."

Nagmulat ako ng mata. Ang labo ng paningin ko. Where's my eyeglasses?

"Mommy? Mommy?" Tawag ko habang lumilinga sa paligid na malabo.

Biglang may humawak ng kamay ko, at lumakas yung tibok ng puso ko.

Iisang tao lang naman ang nakakagawa ng ganito sakin. Siya lang.

"Lizbeth? How are you? Wait! Tawagin ko lang yung doctor."

Narinig kong sumara yung door, and I waited. I closed my eyes, kasi kahit imulat ko pa siya, wala pa rin akong makikita.

"Anak! Okay ka lang ba? Ayos na ba pakiramdam mo?" hinaplos ni Mom ng marahan ang buhok ko.

"Yes Mommy, don't worry."

"Ninang ayos lang ba talaga siya? She's not opening her eyes." Ang ingay-ingay naman niya.

"Ayy. Shane puwede bang paki-bili muna si Elizabeth ng food?" Aish! Puwede namang Liz...

"Okay po. Ano pong food?"

"Hmm. Pancake yung favorite niya. Okay lang ba?"

"Opo Ninang. Babalik din ako kaagad Lizbeth." Then I felt that he kissed my forehead.

Siyempre nagulat ako, at parang lumundag yung puso ko doon. Potek. Paano ba yun pupulutin? 

"Mom, ano yang dala mo?"

"Yung isa, nawala yung suot mo."

"Aish. Okay sige."

Nung nalagay ko na yung contact lens ko, sinuot naman niya sakin yung eyeglasses ko.

Niyakap ko kaagad si Mommy, I missed her so much.

"Ilang araw na po ko dito?"

"Hmm three days."

"WHAT?!" Gulat kong sabi. Ganoon ako katagal nakahiga dito? Ano ba yan.

"Anong what? You know very well na hindi ka puwedeng mabasa ng ulan kasi madali kang tamaan ng sakit kahit ambon, but what? You still risk your life! Did you know that I'm so worried when Shane called me that you have a high fever! Umuwi kaagad ako." Mahabang litanya niya na kasama pang sama ng tingin. Tsk.

"I'm so sorry Mommy. But thanks for taking care of me."

"Hay naku si Shane dapat pasalamatan mo. Siya ang nag-alaga sa'yo for three days."

"Siya? Akala ko ba umuwi ka kaagad?" Ano ba naman itong si Mommy, akala ko naman siya ang nag-alaga sa akin.

"No darling. Na-stranded ako, may bagyo kasi since nung nagkasakit ka."

Ayun. He took care of me. 1 point Mr. Shane Melenes.

Crap! I just called him...

"So dapat pasalamatan mo sya okay?"

"All right! Stop nagging at me Mom!"

"Lizbeth ayos ka na ba?" Bakit ang bilis naman niya?

Napatingin ako sa hitsura niya, ang laki-laki ng eye bags niya. Talagang nag-tiyaga siya sa akin.

I'm a Man-hater, right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon