CHAPTER 49

1.9K 10 2
                                    

"Oh thank you Lizbeth kasi tinanggap mo ako kahit isa akong gago. 'Yan ba ang gusto mong marinig sa akin? Fine!"


"O, saan tayo ngayon?"
 
Lumingon ako sa kanya at parang gusto ko ng magduda sa ngiting binibigay nya sa akin. Parang may gagawing hindi maganda. Shet. Gagahasain na ata ako ni Shane. Wahaha. Stupid.
 
"It's a surprise Lizbeth so stay quiet okay?"
 
"Okay."
 
Ano pa nga bang magagawa ko 'di ba? Isa lang naman akong hamak na nagmamahal. Shet na malagket. Ito na nga ba ang ayokong mangyari nang na-inlove ako sa kanya. Iyong kahit may pagdududa aalisin mo siya sa isip mo dahil alam mong mahal mo siya at  mahal ka niya. Kahit may iba kang bagay na napapansin, you will ignore that. Ganoon katindi pag nagmahal ang isang tao, I belong with them.
 
Dinala niya ako sa isang Five star hotel. Sabi ko na sa inyo eh, gagahasain na talaga niya ako. Wahahaha. Hay. Ang tanga-tanga ko kasi at na-inlove pa ako. Ito tuloy napala ko. Nag-iimagine ng mga kagaguhan eh.
 
"Lizbeth sandali lang ah. Wait ka muna dito sa lobby."
 
"O, siya, 'wag mo lang tagalan." He smiled at me. 

Para talaga siyang may tinatago sa akin. Ano na naman kaya 'yon? Sira ulo siya, 'wag lang siyang magsisinungaling sa akin kung hindi iiwan ko siya.

Pero siyempre hindi rin ako nakapagtimpi sa upuan ko at sinundan siya. May sasabihin kasi ako sa kanya. Nakita ko na lang siyang may kausap sa lobby then lumabas ng hotel. Aba't...
 
You should trust him! Sabi ng isip ko. 

Tama naman 'di ba? Ano 'yon, dinala niya lang ako dito sa hotel na ito para lang makita ko na may kasama siyang ibang babae? Silly of me. I'm just paranoid 'di ba? Kung ikaw ba naman pagsinungalingan ng mahal mo dati hindi ka rin ba maghihinala ulit? Siyempre matatakot ka ng magmahal o magtrust do'n sa taong mahal mo.
 
Sundan ko kaya?
 
Tumayo ako para pumunta pabalik ulit sa upuan ko nang may mahagip ako ng tingin. Iyong lalaki na lagi akong sinusundan dati. Iyong lagi akong pinupuntahan sa room ko para magbigay ng kung anu-ano. Iyong lagi kong inaaway. Iyong lalaki na laging kumakaway sa akin. No other than Mr. Romero or the epangers na si Johny.
 
Lumapit siya sa akin at tinaasan ko lang siya ng kilay. Ngumiti siya at huminto sa tapat ko.
 
"Hi Liz. How are you?"
 
"Not fine when I saw you." He just laughed at me. Aba. Nakakatuwa na pa lang magtaray ngayon? Ganoon? Lagi ko ngang gagawin 'yon at ng wala na ulit lalapit sa aking lalaki. Except of course for Shane.  Kahit siya na lang. No problem.
 
"Kailan ka pa ulit naging mataray?"
 
"Huh?" Oh shet na malagket.
 
Lumayo ako bigla sa kanya. I could feel his stare at me. Oh I can't blame him. I just became a snobbish a few days ago. Naging masama na rin ang tingin ko sa iba just a few days ago again.
 
Palabas pa lang ako ng pinto nang makita ko si Shane na may nilapitang tatlong lalaki. What the... I saw him punched the guy, and then kicked his stomach. OMG! When the hell did my boyfriend know how to fight like that? How lame of me. Before I got into having amnesia, we were fighting some damn gangsters. How could I forget that?
 
Lumabas na ko ng tuluyan. I'm gonna help him kaso hindi pa man ako nakakalapit, may lalaki ng bumalandra sa tapat ko. Duguan ang mukha niya at nakapikit na. He looked familiar.
 
"Shane! Stop that!"
 
Hindi niya siguro ako naririnig kasi patuloy pa rin siyang nakikipagsuntukan. Parang sobrang galit niya eh binubuhos na lang niya doon.
 
Lumapit na ko ng tuluyan sa kanya at hinila yung kwelyo nya ng sobrang higpit. Parang gusto ko ako ang sumuntok sa kanya. Ano bang problema niya? Akala ko ba may surprise siya. Damn. Malamang sa malamang ito ang surprise na sinasabi sa akin ni Shane. How good of it. Sobrang nakakatuwa. Gusto ko itong ipagdiwang!
 
"I said stop! Didn't you hear me a while ago?! Ano bang problema mong ugok ka ah? Ano ang mahirap intindihin sa sinabi ko? At may gana ka pang makipagbasag ulo sa mga taong ito?! Hindi ka man lang naawa sa kanila. Duguan na nga mukha nila, you keep fighting them! Nakakapeste ka na ah! Sabi mo may surprise ka, ito ba 'yon, niloloko mo na naman ba ako?!"
 
He smiled, but not the usual smile na binibigay niya sakin. It's kinda sarcastic.
 
"So may naaalala ka na pala?"
 
Para akong nanlamig sa sinabi niya. It's like ako pa ang may ginawang kasalanan na nahuli niya ako.
 
"Kailan pa bumalik 'yan Lizbeth? No'ng nando'n ba tayo kila Zach?"
 
Nagmamadali akong tumalikod. Shet na malagket. Bakit ba ako pa ang natatakot. 'Di ba nga dapat matuwa pa siya kasi open arms ko siyang tinanggap kahit alam kong inaayawan siya ng isip ko dati? Bakit isip lang? Iyong tanga ko kasing puso nagpaudyok sa tinatawag na – love.
 
After the incident na muntik masagasaan si Zone, bumalik lahat sa akin. Hindi ko alam kung bakit gano'n. Ang iba namang alam ko na nagka-amnesia, nabagok ang ulo o naaksidente. Masuwerte pa rin ako.
 
"Lizbeth!" Hinawakan niya ang mga braso ko ng sobrang higpit.
 
"Alam mo Shane dapat nga magpasalamat ka pa kasi kahit bumalik na ang alaala ko tinanggap kita ng walang pag-aalinlangan. Kahit nga-"
 
"Oh thank you Lizbeth kasi tinanggap mo ako kahit isa akong gago. 'Yan ba ang gusto mong marinig sa akin? Fine!"  
 
Parang gusto kong umiyak sa nangyayari sa amin. Will this be the end? I can't take it. I will not.
 
"Shane bakit kasi hindi mo rin sa kanya sabihin ang sekreto mo."
 
Napalingon kaming dalawa sa nagsalita. Damn! Bakit ba ang daming mga lalaking bumabalik sa buhay ko, sa buhay namin? Ano pa ba ang kailangan nitong herodes na si Basti sa buhay namin? Akala ko ba masaya na siya kay Cielo?
 
"'Wag kang mangialam dito!"
 
Tumawa pa ang walang hiyang ugok. Minsan talaga iisipin ko nang si Basti ang kontrabida sa love life namin.
 
"Hindi mo ba alam Liz? Na 'yang si Shane–"
 
"Shut up!"
 
"Nakapatay na dati." Shet na malagket! As in?
 
"So?" 

Tanging nasabi ko na lang pagkatapos tuluyang sapakin ni Shane si Basti.



I'm a Man-hater, right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon