"Mangarap ka mag-isa mo! Kapal ng mukha mo!"
"Liz? Liz..."
"Hmm... Is that you... Mom? Later na 'ko bababa... I'm so sleepy you know."
May narinig akong bumuntong hininga. Huh? Shane? Bigla akong napabangon at ayun nga, nakatabi sa gilid ng kama ko. What the hell is he doing here?
"What are you doing here? Paano ka nakapasok dito?" Nakakainis na 'tong lalaki na 'to ha.
"Bukas 'yong pinto kaya pumasok na ako at saka anong oras na, kumain ka na daw sabi ni Ninang."
Nakiramdam ako. Iba ang aura ng ugok na 'to. Ba't kaya? He's so serious. Parang hindi niya ito personality. Para bang natatakot tuloy ako na ewan eh.
"Ahmm. Okay. Bababa na ko."
Palabas na siya ng kwarto nang magsalita siya. Napatingin ako sa kanya habang siya nakatalikod sa akin.
"And one thing, next time... 'wag kang uuwi hangga't 'di mo sa akin sinasabi. Hindi ko sinabi kay Ninang 'to kasi ayokong mag-away kayo. But please Lizbeth, don't do this again." Seryoso niyang sabi.
Bigla akong natakot sa kanya habang sinasabi niya iyon. Pero meron ba kong dapat ikatakot? Sino ba siya?
But I know that, may mali ako. Napag-usapan na namin ito ni Mom and yet, iniwan ko siya. Hindi ko maatim na tawagin ang name niya. I never did that ever since.
Tsk. Tsk. Tsk. I'm really wrong.
Crap. What if magsumbong siya kay Mom? Another quarrel na naman ba kami? Pero sabi nga niya, he wouldn't dare it. Does it mean na may atraso akong dapat bayaran sa kanya?
Pero nagpapabayad nga ba siya?
But why the hell I'm still thinking? I'm really crazy. Malapit na kong matulad kay Alex. Nagiging krung-krung na rin.
"Kung wala ka ng ibang sasabihin, makakalabas ka na ng kwarto ko."
Tumingin siya sa akin ng kakaiba, bigla tuloy akong nailang. Ewan ko ba. Tapos ngumiti bigla. Wow! Ano bang nakakatawa at napangiti siya?
Lumabas siya ng kwarto na umiiling-iling na lang. May tama rin siguro ang ugok na iyon.
Bumaba ako ng kwarto at dumiretso sa kainan namin. Nandoon si kupal, ngumingiti-ngiti na.
"Liz, iyong Mommy ni Shane is my best friend, but she's in Hongkong right now. Managing their business. Kaya ako na nag-suggest sa mommy niya na dito na lang muna siya tumira. At saka para may makasama ka naman dito. Baka magkakulay ang love life mo."
Tumingin ako ng masama kay Mom. Kahit kailan ka talaga. She smiled at me at tumingin sa kupal na 'yon.
"Okay. Okay honey, wala na akong sasabihin pang iba." Bigla nanahimik si Mommy at tumingin sa ugok.
"Ano nagbago ka na ba ng decision Liz? I want Shane to stay here."
"Yeah. Yeah. As if may magagawa pa ko." Matamlay kong sagot.
"Wow! That's good to hear sweetie." Nakangisi na siya sa inaanak niya at nagtumbs up pa.
"Mom, my name ako so please stop calling me honey, darling, sweetie, or any endearments. It's annoying." Nakataas pa ang kilay kong sabi.
Mom chuckled. She knows that I'm shy on that kind of treatment.
"Liz, my bisita tayo. Your manners. Baka sabihin ni Shane, 'di kita tinuturuan. Shane ako na humihingi ng sorry sa ugali niyang anak ko."
"It's okay Ninang, at least alam kong hindi niya kailangang magkunwari na gusto nga niya ko."
"Ang ko-corny niyo. Tse. Akyat na ko Mom."
"Hay naku, 'yaan mo na lang 'yan, hindi pa kasi nagkakaboyfriend 'yan." Parang biglang nagpanting ang tenga ko. Bakit ba napakadaldal mo Mom?!
"Mom! As if gusto kong magkaboyfriend. Tama na iyang topic about me."
"Baka ako 'yong hinihintay mo?" At nakangisi pa sa akin ang bruho! As if!
"Mangarap ka mag-isa mo! Kapal ng mukha mo!"
"Darling, your words."
Umakyat na kaagad ako. Hay. Grabe ka na talaga Mom, idaldal daw ba iyong kwento ng buhay ko? And the hell I care with that guy. Isa pang epangers. But what if nga kaya, magka-boyfriend ako will I change?
Nah. I don't care about guys. And I don't wanna risk my heart... again.
BINABASA MO ANG
I'm a Man-hater, right?
Teen FictionLiz is a man-hater but Shane will come on the way and will change her mind and her heart too... Will she stop hating when she fall in love with this guy?