CHAPTER 53

1.8K 12 0
                                    

"Ang kapal mo, I never missed you since you left me."


Kesa maasar ako sa pag-iisip sa pesteng lalaki na 'yon. Lumabas ako ng subdivision, balak ko pa nga sanang maglakad palabas kaso may mga nakita akong sumusunod sa aking mga lalaki kaya nagbago ang isip ko. Nagtaxi na lang ako. Naiinis ako sa kanya! Ang kapal ng mukha magpunta sa bahay para lang ubusin ang bigay niyang pagkain. Isalaksak ko pa sa bibig niya 'yoneh. 

Dumiretso ako ng SM kung saan may boutique si Tita Kate, pupuntahan ko siya kasi kinausap na naman niya ako noong isang araw. Asking if I have time to do a photo shoot. I told her that I remember everything, aba parang nanghinayang pa siya na may naaalala na ko. Magkapatid talaga sila ni Mommy, may ugali. But I'm not saying that Tita Kate is bad, of course she's very very kind 'yonnga lang adik sa mga pictures ko.

"Liz!" Salubong sa akin ni Tita Kate nang mahigpit na yakap then kiniss pa ang pisngi ko. Gumanti naman ako.

"O, bakit ka nandito? Don't tell me nakapag-isip ka na? So is it yes?"

"No." Sumimangot si Tita Kate. Gusto ko na tuloy matawa sa kanya.

"Ang daya mo naman eh. Hay. Ano pa nga ba magagawa ko? Baka bigla kong ipakatay ng kapatid ko pag bigla kang lumayas dahil kinukulit kitang maging model ko."

Ngumiti ako sa kanya habang panay kwento niya at sagot ko naman. Nagpaalam na din ako dahil gagala pa ako. Hindi na rin naman siya nangulit pa sa akin kasi nakasimangot na ako. Alam niya na ugali ko, hindi ako nadadaan sa mga pagpapout niya. Pero bago niya ako paalisin, pose daw muna ako kahit isa lang, I just gave a little smile. Nagmamadali pa akong lumabas kasi may mga lalaki pa sa aking tumitingin.

Napadaan ako sa isang fastfood kasi naisipan kong bumili ng maiinom dahil napagod ako bigla. Saka hindi ko na rin nagugustuhan ang mga nakikita kong tingin sa akin ng mga tao dito. Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng nakasleeveless ng black? Arghhh! 

Sana kasama ko si Shane para naman wala sa aking tumitingin ng ganito. I really hate it. Kahit pala nagka-amnesia ako, hindi na talaga ako masasanay. Hindi pa rin pala nawawala 'yong mga pagpapadala sa bahay ng kung anu-anong mga pesteng mga chocolates, at mga flowers. Kulang na lang, susunugin ko na talaga eh. Aatakihin na naman ako ng allergy sa mga bwisit na 'yon.

Masyado na ba kong bitter? Si Shane kasi... ayaw sagutin ang cellphone niya. Tawag ako ng tawag eh. Ano iyon? Siya na ngayon ang chicks at nag-iinaso na siya sa akin?

Pag nakakita lang talaga ako ng pagkakataon, pagseselosin ko ang bwisit na 'yon nang makita niya. Baka mawindang siya at magmakaawa sa akin. Wahahaha. Ang sama ko...

Umupo ako sa bandang gilid para inumin na ang coke at kainin iyong burger na inorder ko nang may makita akong lalaki na nakatingin sa akin. Parang gusto kong mabilaukan sa nakikita ko. OMG! 

Am I not dreaming?! I saw Hero looking at me intently. Not so sure pero parang tama nga ako. May nakita akong batang lalaki na lumapit sa kanya kaya nawala ang pagkakatitig niya sa akin. He talked to the little boy then stood up. He was walking at my place!

"Lizzy? Is that really you?"

Parang namalikmata ako kasi kumabog bigla ang dibdib ko. Shet na malagket. Ang guwapo pa rin ni Hero. Oh lala... 

Lizzy pa rin ang tawag niya sa akin. Parang endearment na rin niya dati. 

Pero wala na ang pag-ibig kong tampurorot sa kanya 'no. Si Shane na ang tinatangi ng puso ko. Shet na malagket talaga. Parang gusto kong ihambalos ang pisngi ko dahil sa init na nararamdaman ko. Asar kasi naman.

"I missed you." Niyakap niya ko bigla kaya napatayo naman ako. Napayakap din ako ng bigla kasi sa gesture niya. Kaya naman ako nainlove sa lalaking ito dahil sobrang thoughtful at mahilig nga siya sa ganyan na sobrang lambing. Hay. Sinayang mo ang pagkakataon mo before.

"Ang kapal mo, I never missed you since you left me."

Tumingin siya sakin na parang nagtatampo saka niya ginulo ang buhok ko. 

"Ano ba 'yan."

"Sus. Kung makareact ka diyan... Naaalala mo pa pala ako?"

"Bakit naman hindi? I will never ever forget you in my entire life."

"Of course, I'm your first love am I right?" Ngumisi pa ang hayop na ito. 

Pasabugin ko kaya ang utak nito? At bakit ba ang morbid ko ngayon?! Grrr... Asar ka talaga Shane Melenes, kung puwede lang kitang itali sa tabi ko ginawa ko na para wala ka ng takas sa akin. 

"Hero..." Nakita ko ang girl na kinaiinisan ko dati, iyong pakiramdam kong umagaw sa akin sa puso ni Hero, si Darry.

"Darry, si Lizzy, naaalala mo pa ba? Lizzy si Darry naman, my wife."

Hindi nga obvious, may bata pang karga si Darry na kamukha ni Hero. Ano pa nga ba? Hindi ako nagseselos, naasar lang ako sa herodes na Shane na 'yon dahil nagiging bitter ako. Naku, pag nagkita kami no'n, patay siya sa akin dahil kanina pa ko naasar sa kanya. Ang daming arte sa katawan. Siguro kanina pa siya nabibilaukan dahil kanina ko pa siya binabanggit sa isip ko. Dapat lang! Dahil hanggang ngayon, nagngingitngit pa rin ang kalooban ko!

Nagpaalam si Darry na mauuna na daw sa kotse since kailangan daw na painumin ng gamot ang anak nila. Wala naman akong pake 'no. I'm not affected kung ano mang relasyon nila. Ang mas naiisip ko kung ano'ng mangyayari sa buhay namin ni Shane.

"So how's your life?"

"None of you business." Suplada kong sagot sabay irap. TUmawa lang ang hudyo.

"Aba... Masikreto ka na sa akin, pero dati walang araw na hindi ka lumalapit–"

"Waahh! Will you stop?! Wala akong pake sa 'yo pwede ba!" Ginulo niya ulit ang buhok ko at tumawa pa. 

Pinalis ko ang kamay niyang nasa ulo ko pa rin. Binitiwan naman din niya nang nakita niyang naiinis na ako. Napasimangot ako sa kanya. Ganyan siya kahit dati pa. Laging ginugulo ang buhok ko. 

Sinamahan ko na siyang pumunta ng parking since ihahatid daw niya ako. Madadaanan naman daw niya ang way ko pauwi. Hindi na lang ako umangal. 

Naku! Pasalamat talaga 'yang si Shane at wala siya dito kundi pagseselosin ko talaga siya kay Hero. Aware pa naman siya na first love ko itong lalaki. Naiilang na nga ko kasi tingin siya ng tingin sa akin.

"Will you stop looking at me?!"

"Oh I'm sorry, I just can't help it. Ang ganda mo na kasi." I rolled my eyes. Isa pa 'to. 

"So who's the lucky guy?"

"Lucky huh. Wala siya dito."

"'Buti naman, kasi akala ko boyfriend mo ang lalaking kanina pa nakasunod sa atin at kulang na lang eh paulanin ako ng baril sa sobrang sama ng tingin." Tumingin siya sa likod namin at ako eh diretso lang ng tingin sa daan.

"Hmpp. Hayaan mo kung sinong herodes 'yan. Kanina pa madaming lalaking nakatingin sa akin." 

Tumawa siya kaya napatingin ako sa kanya at napangiti na rin. I missed those times na kami ang laging magkasama since close talaga kami dati pa.

"Sayang, guwapo pa naman."

Gwapo?! Napilitan na akong lumingon sa likod para lang manlaki ang mga mata at mapahinto sa paghakbang. 

Shane was the guy that Hero was talking about!

Oh no!

I could see the hurt on his eyes. Tumalikod siya sa akin at naglakad pabalik. I looked up on Hero then he nodded at me. Tinawag ko si Shane habang nagmamadali akong naglalakad papunta sa kanya. Ang bilis-bilis niyang maglakad kaya napahinto ako dahil nag-iinit na naman ang ulo ko!

"Shane Melenes huminto ka! Kung hindi sisigaw ako dito na mahal na mahal kita!"

Oh too late for me. Lahat ng tao sa paligid namin huminto sa paglalakad, pag-uusap, o pag-iingay.

Shet na malagket naman oh! 

I'm so stupid!


I'm a Man-hater, right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon