CHAPTER 30

2K 21 1
                                    

"Ano pa ba ang gusto mo?! I told you, ipaglaban mo siya at ngayon anong ginagawa mo?!"


Dumating nga ang Saturday at kasama ko na sina Alex, Lex, at Basti. Umakyat kami sa room namin. May out reach program 'tong ginawa si Alex at sinama lang kami. Pumayag na din ako.

"So what really the score between you and Lex now?" She smiled at alam ko na 'to.

"Kami na ulit and I think were doing good than before." Alex said.

"Good to hear that. At least masaya ka na nakikita siya, not like before na lagi kang iritado."

"Sira!" Binato pa iyong unan na hawak niya.

"Eh kayo ni Basti? Mukhang close na talaga, still courting you?" Pang-aalaska niya.

"How did you know? Wala naman akong sinasabi ah."

"Hmpp! Hindi naman ako slow tulad mo noh. At naturingan mo pa kong best friend pero wala kang kinukwento sakin. You're doing it again."

"What doing it again?" Napakunot pa ako ng noo pero hindi na siya nakasagot dahil naririnig na namin ang sigaw sa labas.

"Nothing, halika na bumaba na tayo, it's dinner time."

Bumaba kami kasama ang mga ka-org ni Alex at masaya kaming natapos sa pagkain. After that, lumabas kami ni Basti para magbaba ng kinain. Pati rin sina Lex and Alex, lumabas din at nakiupo dun sa may tabi ng puno, magkaholding hands.

Natutuwa ako everytime na nakikita ko sila, ang saya nila.

"Naiinggit ka?"

"H-huh?"

"Tss. Halika holding hands din tayo." Hinawakan niya ang kamay ko, and I felt awkward. Hindi ko din alam eh. 

"Aray!" Sigaw niya.

"Bakit?!" Tanong ko kaagad, nakahawak siya sa ulo niya at hinihimas ito.

"Shet! Sinong gumawa nun?!" May nagbato kasi kay Basti nang bola. 

"What's the problem?" Tanong ni Alex pagkalapit niya.

"May nagbato kasi kay Basti ng bola, eto oh." Tumingin sa likod ko si Alex kaya napatingin ako, wala namang tao. 

"What are you doing two before ka batuhin ng bola Basti?"

"Ahmm... a-ano..."

"We were holding hands." Ano ba yan. Sabihin daw ba talaga ang totoo. 

"Kaya pala." Pumasok sa loob ng retreat house si Alex at parang galit. Sinundan siya ni Lex at ako naman eh susunod na sana kaya lang pinigilan ako ni Basti.

"Bakit?"

"I want to know kung saan siya pupunta, I could feel something's gonna happen." Binitiwan niya ang kamay ko.

"Okay, pero sasama ako." I smiled at ako na ang humawak sa kamay niya.

Sinundan namin si Alex at kumatok siya sa pinto, binabalibag na nga niya eh. Ano ba ang problema mo Alex? I can't understand you.

"Alex, stop that. Ano ba-"

"You shut up okay? Hey! Open this door!"

Binuksan nga nung tao sa loob iyong pinto pero biglaa kong nagulat nang makita si Shane. What the ... anong ginagawa niya dito?! Oh c'mon Liz, you're not the only one who's allowed to help Alex. Yeah right.

"Alex, anong problema mo?" Mahinanong tanong ni Shane saka kami tiningnan isa-isa.

"So ako pa ang may problema huh? 'Di ba nag-usap na tayo na lumaban ka ng patas?"

Ano ang nangyayari kay Alex? Bigla humigpit ang hawak sa akin ni Basti kaya napatingin ako sa kanya.

"Tss. Ako pa ang sinasabihan mo Alex? But I'm not doing anything yet." He looked deadly serious.

"Kaya pala. Alam mong ayoko ng lumalaban ng hindi patas eh. Naturingan pa kong Vice President of Student Council kung ultimo sa teritoryo ko eh may mga baluktot na gawain." 

Ito na naman tayo, akala mo nangangampanya lang eh. 

"Kung gusto mo talaga siya, gumawa ka ng mas maayos na plano. You're fighting him behind his back." Saka dinutdot ni Alex ang dibdib ni Shane. Mabuti na lang at hindi pinapatulan ni Shane ang pinagsasabi ni Alex.

"Alex, what are you doing?" I hissed.

She looked on me and especially on our hands which were still clasping at this moment. And I'm sure, I saw the expression written on Shane's face when he took a glimpse on us. He's mad. But why?

God. I'm so confused. Pwede bang maalala ko na lang lahat kaagad? Hindi ko kasi alam na nandito si Shane eh. Hindi na kami nagkita simula nung araw na nagpalipat siya ng schedule tapos magugulat pa ko na magkakilala pa sila ni Alex. Ang sama pa nitong si Alex, hindi ako pinakilala kay Shane. Joke! May Basti na po ko.

Nagulat kami nung biglang sinuntok ni Alex si Shane kaya napaupo sa sahig si Shane. God! Why are they fighting? Oh let me correct that, why did Alex punched Shane. Sayang ang mukha niyang gwapo.

Hindi na talaga 'to tama. Sinusuntok ni Alex si Shane. Hindi naman lumalaban si Shane. At ang mga walang hiyang mga lalaki, just grinning. What the hell. May nagsasabi sa akin na 'di siya dapat masaktan. Its like I can't bear to see him hurt. 

Kaya lumapit na ko kay Alex para pigilan siya kaso bigla kong tinaboy, tinawanan lang ako nung dalawang asungot, nagkibit balikat pa. Imbyerna naman oh. Naiirita na ko kay Alex, naturingang Vice President pero siya pa pala 'tong malupit, nananakit ba naman.

"Ano pa ba ang gusto mo?! I told you, ipaglaban mo siya at ngayon anong ginagawa mo?!"

"Alex ano ba itigil mo na 'yan!" Pigil ko sa kanya.

"Shut the fuc* up!" 

Nagpanting na talaga ang tenga ko, nang susuntukin ulit niya si Shane, hinawakan ko siya sa braso niya at sinalya sa may dingding. When she tried to escape, I used my foot to hold her neck. Naiinis na talaga ko.

Nagpalakpakan ang dalawang asungot sa nakikitang eksena. Ang bubwisit naman oh.

"Alex, I'm telling you, patutulugin talaga kita pag 'di ka pa tumigil sa pananakit mo." Pagbabanta ko sa kanya, na hindi ko alam kung kaya ko ba talagang gawin.

"Okay! Get off your foot. God! I'm gonna fainted here anytime."

Aba! Mabaho ba ang paa ko? Sira ulo talaga 'to ah. Tumatawa pa siya at parang may na-accomplished na kakaiba.

Pinuntahan ko si Shane at chineck kong okay lang siya, may pasa siya sa mukha at nakatitig lang sa akin nang mataman.

"Sige. Tama 'yang ginagawa mo Shane, may mararating ka talaga sa lagay na 'yan. Matigas na rin ulo mo ngayon, nagpalitan ba kayo ng ugali?" Hindi sumasagot si Shane kaya ako eh nakatingin lang.

"Ang masasabi ko lang fight okay?" Tumingin siya kay Basti, at alam ko iba ang tingin na binibigay niya. 

Jealousy. 

Lumabas ng kwarto si Alex at kami naiwan doon. Hindi niya man lang ako tinawag or what. 

I stood immediately but he held my hand, biglang lumakas ang tibok ng puso ko at may mga pumapasok sa isip ko na 'di ko maintindihan. May mga nakikita akong couple na magkahawak ng kamay. Masaya but their faces where vague.

Biglang sumakit ulo ko at napahawak doon. Parang pinipiga na naman. Binitiwan niya ang kamay ko at may binigay na gamot at tubig sa akin. I knotted my forehead.

"Just take that." 

Sinunod ko naman at nawala kaagad ang sakit ng ulo ko. He held my arm then lead to my room where Basti is waiting there. He looked mad. 

Walang salitang namumutawi sa kanila. The atmosphere is really awkward. But before I went to my room I heard Shane say something...


"I'll fight for her, and let's see kung sino talaga ang maaalala niya."



I'm a Man-hater, right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon