"Why is he holding your hand?!"
"Elizabeth 'andito na 'yong sundo mo." Rinig kong sigaw ni Mom sa labas ng kwarto ko.
"Mom, I'm coming!"
I immediately get my bag at saka iyong paper bag. Nandon kasi 'yong gift ko kay Zone, iyong little brother ni Zach.
Bago ako bumaba ng hagdan, pumasok muna ko sa room nila Mom. Pagkapasok ko kakaiba na ang mga tingin ni Mom at ni Tito Jom sa akin. What's wrong?
"Tito Jom? Mom? Is it dreadful?" Nahihiya kong tanong. Siguro hindi maganda itong suot kong black tube dress.
Tito Jom and my mother smiled. "You look so fabulous darling." Now I get it. Masyado lang talaga silang nahumaling sa ganda ko kaya hindi kaagad nakapagsalita. Hahaha
"I agree with your Mom, you're so marvelous!" Tito Jom say delighted.
"Hay naku! Tito Jom ikaw talaga. Kung makadescribe ka sa akin. Maganda ba talaga?"
He nodded.
"Kaso epal itong salamin mo baby." I frowned. Nagsalita kagad si Tito para madivert ang usapan.
"Ang cute ng black tube dress na yan. Matching with your princess hairstyle. I bet ikaw ata 'yong may party do'n eh."
"Hay naku, I told you dear, accept the offer of your Tita. Meron kang one year supply ng mga dresses na gusto mo." Pamimilit ni Mom.
Here we go again. I already put down that offer. Mahirap kasi.
"Just try it. Since noong high school ka pa niya kinukulit about do'n sa pagmomodel. Ano ba kasing ayaw mo?" Humarap sa akin si Mom tapos saka ako winisikan sa katawan ng pabango. Nakalimutan ko pa lang maglagay.
"Mom, I just don't like to be dragged anywhere. At saka ayokong pinupuntahan ako ng kung sinu-sino dito." Sagot ko.
"Madaming gwapo do'n." Nakangisi niyang sabi sa akin.
Gwapo?!
"You're lying Mom." Sabi ko na lang. Pero... shocks! Gwapo talaga?!
"I'm not baby. Ask your Tito Jom." Sabi niya.
"She's right Liz. I saw it. Puros gwapo 'yong mga pinipili ng Tita mo. No attachment. I swear." Natatawa niyang pahayag. SIguro obvious na ang mukha kong malapit ng mapilit.
Isip. Isip.
"I'm sorry Mom, but I can't accept the offer again." Mariin kong sabi.
Pinaupo ako ng Mom saka naman inayos na ang buhok konng medyo nagugulo dahil sa pagkamot ko sa ulo ko. Nag-iisip kasi ako na 'wag na talaga.
"But why darling? Ayaw mo ba sa mga lalaking gwapo? Don't tell me, nawala na iyong taste mo." Umiiling iling si Mom sa naging pahayag ko.
Paano ko ba sasabihin sa kanila na mayboyfriend na ko? Baka kasi magulat si Mommy pag sinabi ko. Malamang magugulat iyon 'di ba.
"Nasaan na ba 'yong sundo ko?" Pag-iiba ko sa usapan. Tumayo na si Tito Jom para buksan iyong pinto. Siya na din sumagot sa tanong ko.
"Nasa may sala. Puntahan mo na." Aniya.
Sumabay sila sa akin papunta sa labas ng gate. Pero bago pa ako makalakad ulit, nagtanong na kaagad ang magaling kong ina.
"Liz? Is he your boyfriend?" Tanong ni Mom. "My dear! Boyfriend mo na 'yon?" Nakita ko ang itsura ni Mom na parang nanghihinayang.
I sheepishely smiled.
"Ayaw mo ba sa kanya Mommy?" Medyo nalulungkot kong tanong.
"Hindi naman sa gano'n. May iba kasi akong irereto sa 'yo."
"'Wag na Mom. Masaya ako sa kanya." Tanggi ko sa offer ni Mom. Mukhang may iba pa kasi siyang sasabihin sa akin.
"Ano pa bang magagawa ko? Okay na rin sa 'kin 'yon baby. Just make sure na 'di ka sasaktan nito."
Lumapit ako sa kanya para ihug siya. Kahit kailan talaga laging worried sa akin si Mommy.
"Siyempre Mom, sige na. Aalis na kami. Next time papakilala ko siya ah. Need to leave now. Nakakahiya naman sa birthday celebrant."
"Okay go now."
"Bye Mom at Tito Jom." Nagwave ako sa kanila habang naglalakad papunta sa sasakyan.
"Take care Liz." Sabi ni Tito.
Nagmamadali akong pumunta ng sasakyan at siya nakatingin sa akin. Parang ganoon din iyong reaction nila Mom at Tito Jom.
"Hey! May laway na tumutulo." Pang-aalaska ko.
Bigla siyang napangiti at mas lumapit sa akin. He gave me a smack on the lips.
He held my hand at ngumiti. Kaya gumanti din ako ng ngiti. I still couldn't believe this! Si Basti boyfriend ko na dati. Siguro kaya ganoon ang nararamdaman ko dati. Like ko na siya kasi may connection kami before.
Paandar na kami ng may humintong black car sa tapat at nagulat ako sa lalaking biglang lumabas doon. Lumapit siya sa bintana kung saan ako. Nagtataka ako kung bakit nandito siya.
Nakatitig siya sa mga kamay naming magkahawak. He frowned and I'm wondering why.
"Why is he holding your hand?!" Galit niyang sabi.
Nairita ako sa kinikilos niya kaya pabalang ko siyang sinagot.
"Bakit? Ano ba'ng pake mo? Eh boyfriend ko na si Basti."
BINABASA MO ANG
I'm a Man-hater, right?
Teen FictionLiz is a man-hater but Shane will come on the way and will change her mind and her heart too... Will she stop hating when she fall in love with this guy?