CHAPTER 23

1.9K 80 17
                                        

CHAPTER 23

LUCKY'S POV

Hindi ko inaasahang bubuhusan kami ni Amber ng tig isang cup ng softdrinks sa mukha ni Andi. Hindi talaga alam kung papaano pa mag adjust sa taong kagaya niya. Bakas sa mukha ni Andi ang galit at pagkagulat sa bagong eksena ni Amber. Kahit naman ako hindi ko inaasahang gagawin niya na yun. Umasa ako sa sinabi ni Wesley na nakausap na ng pinsan niya ang lukaret na 'to.

'Tsk tsk tsk. Ngayon mo malalaman ang bagsik ng mga baklang mahilig sa balls!'

"Tara na may madidighay dahil sa bola mamaya." Hinila ko sa kamay si Andi at naramdaman ko ang pa nanginginig ng kamay niya ng huminto siya at nakatitig ng masama sa mga Pink Rangers. "Chill may tamang oras at timing para diyan mamaya." Bulong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa mga team mates namin.

"Grabe talaga yang grupo ni Amber kahit kailan walang pinipiling lugar para magpasikat." naiinis na wika ni Marlon habang inaaalalayan si Andi'ng umpo sa bench.

"Gantihan natin sila sa laban mamaya. Sila yung nanalo sa game kanina kaya kung mananalo tayo may chance na sila ang makakaharap naten mamaya." Sabat ng classmate namin na si Wheng na kilos tomboy pero babae naman daw aniya.

"Use this Andi." Inabutan ni Wesley ng puting towel si Andi. "I'm so sorry, wala ako kanina para maawat ang grupo nila Amber may pinag uusapan kasi kami ni Kenneth kaya hindi ko napansin." Paumanahin niya ng paulit ulit simula kaninang naglalakad kami pabalik.

"Its okay Wesley. I was actually expecting that to happened." At nanlaki ang mata ni Wesley.

"Gumaganti kasi sila sa ginawa ni Lucky sa dalawang Gasul Girls nung isang araw." Seryosong sagot ni Andi. "Ang ganda niya pero wala siyang originality." Mapaklang dugtong niya. Nakunsensiya tuloy ako bigla dahil kung hindi ko sana yun ginawa hindi sana madadamay si Andi ngayon.

"Chillax sesshhie, gamitin mo yang nararamdaman mo sa game natin mamaya. Busugin mo sila ng bola yung madidighay sila kasabay ang ubo na may kasamang plema." Habang minamasahe siya sa magkabilang balikat at unti unting lumabas ang ngiti sa labi niya.

'Ganyan nga Andres, daanin natin sila sa dahas kung ayaw nila ng madaan sa santong dasalan.'

"Ngayon matitikman nila ang bagsik ng baklang mahilig sa iba't ibang klase ng bola. Papa Wesley?" Biglang tawag ni Andi at tumayo. Agad namang napatayong tuwid si Ongapuco.

"HUUKKK!!" biglang napasinghap si Wesley dahil sa biglaang siyang niyakap ni Andi ng mahigpit.

"Kailangan ko ng inspirasyon na may halong maduming imahinasiyon!" Malanding sabi ni Andi at nag hiyawan ang mga ka team namin at ibang mga kaklase.

"Daming kuda tsa-tsansing lang naman!" Parinig ko kay Andi dumila lang siya sa akin at tumawa.

"Galingan niyo Lucky!" Pahabol ni Wesley sa team namin habang naglalakad na kaming anim papasok ng court.

Ang section namin ang huling tinawag para sa 2nd Game ng preliminary round.

*DOVE VS MOCKINGJAY*

Nag toss coin ang mga team captains at kami ang nanalo kaya kami ang unang hahawak ng bola.

Ako ang unang server ng bola.

'Malas niyo!'

***PRRRRIIIIIIIIIIIIITTTTTTTT!"***

Hudyat na pwede na akong mag serve ng bola. Dahan dahan kong ihinagis ang bola sa ere at patakbong tumalon at umatake ng malakas na service spike sa ere.

Lucky Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon