CHAPTER 22

1.8K 71 10
                                        

CHAPTER 22

LUCKY'S POV

Pagod na pagod ang utak ko. Pakiramdam ko anytime hihiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko sa dami mga ganap na ayaw akong tantanan. Buti nalang palaging nandiyan ang mga kaibigan at pamilya ko para sakyan ang lahat ng trip ng buhay ko kaya kahit papaano nakakahinga ako ng maluwag.

Dala ng pagod at malalim na pag iisip maaga akong nakatulog.

Kinabukasan. Kahit tamad na tamad akong bumangon pinilit ko paring maligo ng maaga para pumasok. Ngayong araw kasi magpipilian ng grupo para sa Volleyball Intersection Competition sa PE subject namin. Mga pakulo ng kalbo naming instructor para mas maging masaya daw ang PE namin. Ang prize? Excempted sa Finals.

Yey!

Maaga ang usapan namin ni Andi at may usapan kaming sa gate kami magkikita para maiwasan nadin ang grupo ni Amber. Ang mga Pink Rangers. Sa gate pa lang natanaw ko na si Andi na nag aantay. Hindi ito mapakali sa kinatatayuan at panay ang lingon nito sa kaliwa't kanan. Mahihiya ang pugante sa kapraningan niya sa paligid. Kaya naisip kong sa kabila dumaan sa hindi niya ako makikita.

"BULAGA!" ginulat ko siya mula sa likuran. Hindi ko alam kung dinadaya ako ng mata ko pero para siyang namutla. Infairness..

"AY BAKLANG ULIKBA!" gulat na sigaw niya ng makita ako hinampas ako sa braso.

"Ang puti mo neng!" nakangiwing sagot ko sa kanya.

"Ano ba ginulat mo naman kasi ako sessshie!"

"Hiyang hiya naman ako sa kaputian mo Andres Bolivar. Yung totoo nag GU-GLUTA ka?"

"Ay grabe siya hindi na mabiro porket lima ang utong kaya pinag aagawan ng mga boylets!" ganting pambuburaot niya at napangiti ako.

"Para ka kasing adik. Ano dala mo ba yung mga droga?" mahinang bulog ko sa kanya habang palinga linga rin ako sa paligid. Ginaya ko ang kapraningan niya.

"Litsi kah! Anuvey kaya ako tarantula dahil baka kuyugin ako ng mga Pink Rangers." Kinakabahang tugon niya. (Tarantola – mean taranta in Gaylingo)

"Ikaw pa talaga natakot sa kanila? Dapat nga sila matakot sayo." Hinila ko siya at sabay kaming naglakad papasok ng gate.

"B-Bakit sa akin? E hindi nga ako makapalag sa kanila kahapon di ba?" Napakamot siya sa ilong at nagtataka.

"Sabihin na nating may itinatago kang alas na wala sila." Pabulong na sagot ko at kinindatan siya.

"Anong alas?"

"Yang mukha mo." Mahinang bulong ko sa kanya. "Isa yang makapangyarihang sandata! Ha ha ha!"

"PLUUUUUKKK!" binatukan niya ako.

"ARAY! Sakit nun ah!" sigaw ko sa kanya pagkalagpas namin sa Ermen Guard.

"Bruha ka akala ko ano na! Antayin mo ang pagputi ko kaibigan dahil kapag pumuti ako duduraan kita ng may kasamang gluta!" Malditang sigaw niya.

"Tss, tara na gutom naku hindi pa ako nagbi-breakfast sa dami ng text mo." At hinila siya papuntang canteen.

Di pa kami nakakalayo bigla na kaming hinarang ng tatlong schoolmates naming member ng pep squad.

'Sino na naman 'to? Aga aga gusto pang umeksena.'

"AT TALAGA NAMANG NAKIKITA KO PA RIN KAYONG DALAWA HANGGANG NGAYON!" bungad sa amin ng babaeng hindi na lalayo ang kulay kay Andi.

Lucky Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon