CHAPTER 26

1.9K 89 11
                                    

CHAPTER 26

LUCKY'S POV

"G-GOOD MOOORRRRNNNIIIING GONZAGA'S!" puno ng siglang bati ko sa kanila pagpasok ko ng dining area. Muntik ng matapon ang iniinum na kape ni Tita Jack sa gulat.

"Abah, mukhang maganda ang gising ni bunso ah." nakangiting bati ni Kuya paglapit ko sa mesa.

"FYI, Tatlo lang kayong Gonzaga dito, Torres ako TORRES!" Mayabang na sagot ni Tita Jack habang nilalapag ang friedrice, hotdog at bacon sa mesa.

"Ikaw na Tita Jack! Ikaw lang ang nag iisang Torres sa pamilyang ito!"

'Katol pah!'

Natawa naman si Nanay at Kuya Jiggs.

"Linawin mo kasi bubungad lang di pa ako sinama sa greetings niya!"

"Drama mo Tita Jack." Sagot ko at sinenyasan niya akong umupo.

"Maganda ata ang gising mo anak?" Nakangiting tanong ni Nanay.

'Maganda ba?'

At nag flashback lahat ng nangyari kagabe. Yung rehearsal namin ni Wesley, yung tawanan namin sa pag LBM ni Andi at yung maiksing kwentuhan namin ni Kenneth. At hindi maalis sa utak ko ang madalas niyang pagtawa at pagbibiro kagabi.

'Kinikilig ako!'

'Kinikilig ka? Pakyu ka gusto mo ng ikatlong digmaang ng makakating babae sa Carlisle?'

'ERASE! Umayos ka Lucky Shane Torres Gonzaga!'

"Lucky anak, bakit natulala ka na?" muling tanong ni Nanay at malisyosong nakatingin naman sila Kuya Jiggs at Tita Jack sa akin.

"H-Huh? Ngayon kasi ang Finals ng Volleyball Intersection Competition ng mga 4th Year 'Nay, kami yung lalaban mamaya. Ha ha ha!" pagak natawa ko sa harap nila.

'Sana 'di ako nahalata.'

"Psh! Ganyan ganyan ka Lu bago mo amining mag ON na kayo ni Jasper Teng." Tatawa tawang singit ni Kuya.

'Yan tayo eh!'

"Si schoolmate mo bang chinito.. na gwapo, matangkad ang dahilan ng mga ngiting yan Lucky?" panunukso ni Tita Jack.

"Tita Jack!?! Wala siyang kinalaman dito okay." Umirap ako at umayos ako ng upo.

"Okay fine 'e di hindi. Nagtatanong lang naman." Nakangiting sagot niya. Makahulugang tumingin si Nanay sa akin at napayuko lang ako.

"Tigilan niyo na yung bunso ko. Mag almusal kana Lucky baka ma late ka na naman sa pagpasok." Si nanay habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko.

"Lu, hindi kita mahahatid ngayon maaga ang meeting ko sa mga clients ko." Si kuya habang hawak ang coffee mug niya.

"Okidokie, sanay naman akong mag commute."

"Galingan mo sa game mo mamaya, alam ko namang mamaniin mo na naman ang mga kalaban mo eh." Si Tita Jack

"Naku magagaling din ang makakalaban namin Tita Jack, tatlo silang spiker samantalang dalawa lang kami sa team namin."

"Mananalo kayo malakas ang kutob ko." Very cool na sagot ni Tita Jack.

'Oo Tita Jack manalo matalo may kakain ng bola mamaya.'

Quarter to seven pa lang umalis na ako ng bahay baka matraffic kasi ako. Alam niyo na Friday at rush hour pa. Masuwerte ako dahil mabilis akong nakasakay ng FX kaya nakahinga na ako ng maluwag. Dahil maaga pa umidlip muna ako sa loob ng FX dahil malamig ng aircon.

Lucky Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon