CHAPTER 54

1.5K 71 2
                                    

CHAPTER 54

LUCKY'S POV

Nakakapang hina ang umagang ito. I really feel empty malapit ng malow batt ang katawan ko. I've had enough of misfortune this morning. Tapos ng ipinatawag pa kami para sa isang emergency meeting slash judgement day. Parang sasabog na ang ulo ko sa bigat ng nararamdaman ko kanina.

Deja vu. Yung ma experience mo ulit ang isang bagay na experience mo noon. That same familliar feeling when i get inside the conference room. Like it was yesterday, all my nightmares are slowly coming back one by one. Fear, anger, my sanity is at stake.

Yung makaharap muli ang mga taong huhusgahan ka sa mga bagay na hindi mo naman ginawa. Sarado ang isip at walang handang makinig sa paliwanag mo. Muli na namang nangyari ang bagay na kinatatakutan ko noon. Hanggang kailan ba ako daranas ng ganitong kamalasan sa buhay? Pagod na pagod na ako.

Pero sa pagkakataong ito may dumating para pakinggan ako. Kasama ko rin si Ytchee para suportahan ako kaya kahit papaano hindi ako napanghinaan ng loob. Hindi ko alam kung papaano ko pasasalamatan ang mag asawang Gutierrez dahil sila ang naging savior ko.

'Kapag makarating kay Amber ang mga bagay na ito lalo niya lang akong isusumpa sigurado. Sigh.'

Papalapit pa lang kami ni Ytchee sa table sinalubong na kami ni Wesley.

"Lucky, where have you been?" nag aalalang tanong ni Wesley.

"Sa Supreme Court." Malamyang sagot ko. Hanggang ngayon nanlalata parin ako. Nagtataka namang lumapit si Kenneth sa umpukan naming tatlo.

"Umattend kami ng emergency meeting." Bulong ni Ytchee sa magpinsan habang nakatayo. Nagtatakang sulyap ang ipinukol nila sa akin at nagkibit balikat ako.

"About what?" sagot i Kenneth na nagpalipat lipat ng tingin sa amin ni Ytchee.

"Eh di sa issue ni Sir Adam at Lucky kanina." Mahinang bulong ulit niya sa dalawa.

"Tss, tinotoo pala ni Mj ang banta niya sa kanilang dalawa." Iling na sagot ni Kenneth.

"Nakakatakot sobra. Alam mo yun, nandun ang mga board at ilang faculty members at may special guests pa." Gusto kong kutusan si Ytchee sa ka oa-hang magkwento sa dalawa. Kung makapag kwento siya parang horror story dahil pa suspense.

"S-Sino?" salubong na kilay na tanong ni Kenneth.

"Si Sir Carlisle Gutierrez at Ma'am Samantha." Mahinang sambit niya.

"And what happen?" aligagang tanong ni Wesley na hinila pa si Ytchee papunta sa mesa at naupo silang tatlo. Napairap lang ako, iba na talaga ang mundo ngayon mga lalake na ang mga tsismosa. Dinaig pa ng mag pinsan si Andi at Marlon. Namiss ko tuloy ang mga baklang yun. Sigh.

"Tss, ang aga aga tsimisan na kaagad." Parinig ko sa kanila pero walang pumansin sa sinabi ko dahil tutok sila kay Ytchee. Hinayaan ko lang sila sa ganoong ganap. Umupo ako sa tabi ni Kenneth, katabi kasi ni Ytchee si Wesley. Kinuwento ni Ytchee ang buong nangyari sa hearing, ngunit nung nasa part na siya na umamin si Sir Adam sa mag asawang Gutierrez tinitigan ko siya ng makahulugan.

'I-edit mo yung kwento mo kakaltukan kita. Malakas na sigaw ko sa kanya sa isip ko, sana gumana ang telephaty niya.'

Matapos ang mahabang tsismisan nila nabaling naman sa akin ang atensiyon ng mag pinsan. Blangko at nakakainis silang tignang magpinsan dahil nanunukat ng tingin nilang dalawa.

"Bakit ba hindi ka tinatantanan ng malas?" singhal ni Kenneth sa tabi ko.

"Bakit hindi yung "malas" yung tanungin mo kung bakit ayaw niya akong tantanan?"

Lucky Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon