CHAPTER 52

1.6K 74 5
                                        

CHAPTER 52 – SINGING CONTEST

KENNETH'S POV

Pagkagaling ko sa lobby wala akong choice kundi ang bumalik sa suite namin ni Wesley. Habang naglalakad hindi ko mapigilang mapangiti kapag naalala ko ang napag usapan nila kanina sa lobby. Hindi man niya direktang sinabing may gusto siya sa akin pero para sa akin ganun narin ang dating nun.

Pero sa kabila ng sayang nararamdaman ko ngayon, may isang parte naman sa utak ko ang pilit nakikipagtalo sa katinuan ko.

'Ano naman ngayon kong nalaman mong may gusto siya sayo? Expected na yun dahil halos naman ng students sa Carlisle nagkakandarapa sayo. Si Lucky Gonzaga lang yan anong big deal dun? Babae ba siya para maging masaya ka ng ganiyan? Hindi ka ba nahihiya sa pinsan mong si Wesley kapag malaman niya ang bagay na ito?'

Kaya imbes maging payapa ang isip ko lalo lang tuloy akong nanlumo. Sigh.

Pagpasok ko ng room nakita ko si Wesley sa harap ng salamin habang naglalagay ng wax sa buhok niya.

"Maligo ka na may isang oras pa tayo bago magsimula ang competition." Naroon parin ang panlalamig sa tono ng boses niya. Salubong parin ang kilay at nakakunot ang noo niya.

"Thanks. Are you alright bro?" mahinang tanong ko.

'Stupid me, kailangan ko pa bang itanong kung okay siya sa mga nangyayari ngayon?'

"Not exactly but i have to. Lucky needs me right now." At nagbitaw siya ng malalim na buntong hininga. Hindi ko alam kong paano siya i-comfort o kung anong dapat kong sabihin sa pagkakataong ito to make his feeling better. Tapos dinagdagan ko pa ng pakikipagtalo kanina.

"I know. I'm really sorry bro." Matipid na sagot ko.

"S-Sorry for what?" umayos siya ng tayo at dumerechong tumingin sa akin.

"Me being an ass?" nag aalangang sagot ko sa kanya. "Mean and judgemental." I really feel bad sa naging sagutan namin kanina.

"Forget it, we don't know what really happened."

"But what if--what if something really happened to them, how are you gonna react?"

"How i'm gonna react? Of course i would be mad." Huminto siya sa ginagawa niya. "But what else could i do? Who am i to judge them?" napaupo siya sa kama at yumuko. Lumapit ako dahil hindi ko lubusang maunawaan ang sinasabi niya.

'Who am i to judge them? Anong bang pinagsasasabi niya? Nababaliw na ba siya? Akala ko ba nagkakamabutihan na sila ni Lucky?'

"I'm sorry bro, I don't quite follow what you're saying." Napaangat siya ng tingin sa sinabi ko.

"Them. Wala naman ako sa posisyon para magalit o magwala dahil lang sa may nangyari sa kanila." Pormal na sagot niya. Hinila ko ang upuan papaunta sa tapat niya.

"W-What? I don't get it. Diba kayo na ni Lucky?" hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at inalog alog siya baka sakaling maalog din ang utak niya.

"Are you trying to make me laugh cousin?" tumawa siya ng mahina tapos biglang malulungkot ang mukha.

'Jesus! Bigla akong kinabahan sa ikinikilos niya.'

"Wesley, for christ sake be serious bro. What is really happening to you?!" nag aalalang tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kong dala lang ba to ng pagod, hang over kagabe o matinding drama namin kanina.

Lucky Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon