CHAPTER 46
KENNETH' POV
"Oh anyareh diyan kay Inday at saan na naman kayo galing?" Salubong sa amin ni Ytchee at tumabi kaming dalawa sa pwesto niya.
Nakita kong salubong parin ang kilay ni Lucky. Mukhang napikon na naman sa asaran namin kanina.
'Tss, diba dapat masaya siya dahil isang Kenneth Ang ang minanyak niya kanina?'
"Diyan lang sa tabi nagpahangin." Mahinang sagot ko.
"Eh bakit mukhang nakakita o natuklaw ng ahas 'tong isa?" Turo niya sa katabi ko. Hindi pa rin siya nagsasalita at nagsisimula na akong mag alala.
"Ahh, Ha ha ha!O-Oo naka kita nga siya ng ahas kanina, yun ang sabi niya sa akin kaya siya tulala. He he he." Alibi ko na lang dahil hindi parin nagbabago ang itsura ni Lucky.
"Inday?" pumitik pitik pa si Ytchee sa harap ni Lucky.
"Lucky Gonzaga!" Hindi pa rin siya iniimik nito.
'Ito na naman tayo, na sobrahan ata yung biro ko kanina. Nabastos ko ba siya? Eh parang pareho naman naming gusto yung ginawa namin kanina ah..'
"EARTH TO LUCKY!!" at dun lang siya napalingon kay Ytchee.
"H-Huh?"
"Ano nakakita ba talaga ng ahas kanina?" takot ang namutawi sa mukha ni Ytchee habang kinakausap niya si Lucky.
"Oo, ahas nahawakan ko pa nga eh." Mahinang sagot niya at saka tumingin sa direksiyon ko.
'Hanep hinawakan talaga eh dinakma niya nga kanina. Kinilabutan ulit ako sa naalala ko.'
"Maygad, Inday alam mo bang takot ako sa ahas? Anong ginawa mo? Buti hindi ka kinagat?" At dumikit siya kay Lucky at tumingin sa paligid namin na parang naaaning.
"Yun piniga ko yung katawan, sana nga kinagat ko sa ulo para matutong huwag magpakalat kalat kung saan saan." lumingon sa akin at biglang umikot ang mata paitaas.
Nanlaki bigla ang mga mata ko sa sinabi niya. Pinagpawisan ako ng malagkit at bigla kong na namang naalala yung paraan ng pagkakahawak niya. Siguradong mahihirapan na naman akong makakatulog nito mamaya. Hanggang ngayon nararamdaman ko parin ang palad niya na nakahawak sa hinaharap ko. Parang sinukat sa kamay niya dahil saktong sakto lang ito sa palad niya.
'Ugh, kailangan ko ng matinding distraction. Mababaliw na ako kakaisip!'
"Tokshit ka, ahas hinawakan mo tas planong mo pang kagatin sa ulo? Amazing stories Inday! AMAZING!!" Sigaw nito at hinampas siya ni Lucky sa balikat.
"SIGE ISIGAW MO DUN SA FIELD! GUSTO MO HIRAMIN KO YUNG MEGAPHONE NI SIR ROLL ON PARA MUKHANG MAY ILALAKAS PAYANG BUNGANGA MO EH!" singhal ni Lucky. Napangiti ako dahil sa kakulitan nilang dalawa magtalo. Grabe sila mag usapa parang laging nag aaway. Sigh.
"Tokshit ka kasi kausap! Nagtatanong ako ng maayos puro ka kalokohan."
"Tatanong tanong ka tas hindi ka maniniwala ihagis kaya kita sa field?" sinamaan lang siya nito ng tingin.
"Eh ano nga? Nakakita kaba talaga ng ahas?" pangungulit niya dito habang inuuga pa ang braso ni Lucky.
'Kung alam mo lang Ytchee. Kung alam mo lang..'
"Oo nga! Kulit mo ah. Nahawakan ko kaso nabitawan ko rin agad, maliit kasi kawawa naman kung kakagatin ko pa, diba Kenneth?" Nang aasar na sagot niya. Yan nagsisimula na naman siyang makipag asaran tapos unang mapipikon. Amazing ka nga talaga Lucky Gonzaga.
BINABASA MO ANG
Lucky Me (COMPLETED)
Teen FictionLucky sa looks. Lucky sa talent. Lucky sa friends. Lucky sa family. Lucky sa layaw jeproks! Yan si Lucky Gonzaga. Ang pambansang bading. Ang ka look a like ni Cara Delevingne. Bakla pero hindi kilos bading. Mukhang babae pero kilos lalake. K...