CHAPTER 57
YTCHEE'S POV
Pagbalik ni Lucky kung saang lupalop man siya galing kanina napansin ko agad ang biglang pananahimik niya. Panay lang ang buntong hininga at hindi mapag hiwalay ang naguuntugan kilay niya. May pinagdadaanan na naman to malamang. Ano na naman kaya ang ganap ng baklang 'to? Nakaapak na naman siguro 'to ng tae este kamalasan sa labas.
Siniko ko siya sa tagiliran. "Pengeng yosi." Inabot niya pero kumuha muna siya ng isang stick at nag sindi.
"May problema ka ba Lucky?" nag aalangang tanong ko habang bumubuga siya ng usok.
"Sa tingin mo ba malandi ako?" wala sa hulog na tugon niya. Liningon niya ako at parang wala siya sa sarili niya. Kinakabahan tuloy ako. Bakit ba hindi ako masanay sanay sa kanya? Sigh.
"H-Ha? Depende."
"So parang sinasabi mo ngang malandi ako." Para siyang robot na dahan dahang lumilingon habang umuusok ang bibig.
"Oo at Hindi. Basta! Makinig ka muna." Natatarantang paliwanag ko.
"Ayusin mo at patong patong na kasalanan mo sa akin!" banta niya.
'Patong patong? Yung tungkol parin ba to sa sinabi ni Kenneth sa kanya? Silang dalawa kaya pagpatungin ko ng magkaalaman sila?'
'Humanda talaga sa akin yang payatot na yan at idi-drain ko ang bone marrow niya at gagawin kong pataba sa lupa!'
"Ipapaliwanag ko sayo at makinig kang mabuti. Simulan natin sa ano ba ang kahulugan ng malandi." hindi siya sumagot at sumimangot ulet siya.
"Noong araw ang mga babaeng nagsusuot ng maiksing shorts, tight fitting na damit, spaghetti strap o magkaroon ng boyfriend sa maagang edad ay tinatawag nang malandi."
"Nag shorts lang malandi na? Di ba pwedeng comportable lang sila kapag ganun ang suot?" naka simangot na tanong niya.
"Eh wala kang magagawa ganun manghusga ang society naten noon."
"Sabagay meron parin mangilan ngilang taong ganyan parin magpahanggang ngayon." Walang ganang sagot niya.
"Sa henerasiyon natin ngayon nag evolve na yung meaning ng salitang malandi. Sila na yung mga tipong FLIRTY and SLUTTY na type. Hindi lang mga babae ang pwedeng tawaging malandi ngayon. Kundi lahat ng kasariang alam mo pwede ng tawaging malandi, talipandas, kiri, kirengkeng, hitad, pandot, mahindot, balitanda, talandi, alembong, garutay, harot, maharot, magatod, malantod, haliparot, handak, limbang, palikero, palikera kirimpot, kikay, at makati."
"Andami naman nun!" reklamo niya at binugahan ako ng usok sa mukha at napahilamos ang kamay ko sa mukha.
"Kahit ang mga hayop na kagaya ni MJ BELMONTE ay may tinatawag ding paglalandi o ang estrous cycle o oestrous cycle sa Ingles. Estrus refers to the phase when the female is sexually receptive (IN HEAT) Ito ay binubuo ng mga pagbabagong pampisyolohiya na dulot ng mga hormonang pangreproduksiyon sa karamihan ng mga mamalyang kababaihan na may bahay-bata."
"Nandamay kapa. Ibang level kalandian nun walang katulad." Sabay irap niya.
"Para maintindihan mo ang tunay na kahulugan ng "Malandi" hindi yung puro ka diyan emote."
"Lahat naman tayo may itinatagong landi. Hindi ko lang maintindihan yung ibang taong huhusgahan ka o tatawagin kang malandi ng ganun kadali." Malungkot na tugon niya sabay bumuntonghininga.
![](https://img.wattpad.com/cover/112966192-288-k969147.jpg)
BINABASA MO ANG
Lucky Me (COMPLETED)
Teen FictionLucky sa looks. Lucky sa talent. Lucky sa friends. Lucky sa family. Lucky sa layaw jeproks! Yan si Lucky Gonzaga. Ang pambansang bading. Ang ka look a like ni Cara Delevingne. Bakla pero hindi kilos bading. Mukhang babae pero kilos lalake. K...