CHAPTER 13
LUCKY' POV
Pagbaba ko ng jeep dinaig ko pa ang tulisan sa pagiging praning ko. Tumingin muna ako sa kaliwa't kanan ko bago tumawid. Mahirap na may history na kami ng pedestrian crossing na 'to nung first day ko. Patawid na ako ng mamataan ko si Wesley na nakatayo sa gilid ng waiting shed. Pangiti ngiti at panay ang paglinga ng ulo kung saan na tila may hinahanap o may inaantay.
'Ano na namang trip yan? Sino naman kaya inaantay niya ng ganito kaaga?'
Nang makita niyang tumatawid ako 'sing lapad ng hilaw na piyaya ang ngiti niya. Umayos siya ng tayo todo kaway na parang sinasalubong ako sa airport.
'Yan na naman yung ngiti niyang nakakaloko. Ngiting parang nakita niya yung pinaka paborito niyang ulam sa mesa.'
"Good Morning Lucky!" masiglang bati niya ng salubungin ako. Mabilis akong lumingon sa kaliwa't kanan at sa bandang likuran niya.
"Sinong hinahanap mo? Si Andi?" inosenteng tanong niya nung napansing may hinahanap ako likuran niya.
'KAMALASAN! HINAHANAP KO YUNG KAMALASANG DALA MO!'
"Ikaw sinong inaantay mo dito?"
"I-Ikaw.." mahina at nahihiyang sagot niya.
"A-Ako? Bakit na sa akin ba ang baon mo?" biro ko pero ang totoo nawiwirduhan na ako sa kanya.
"Hahahahahaha!" humawak pa siya sa tiyan habang tumatawa. "Hindi.. inaantay talaga kita para sabay tayong pumasok ngayon." Na blangko ako ng ilang segundo sa paliwanag niya. Bakit? Wala naman kaming usapang magkikita ah? Nginitian ko lang siya at sinenyasang mauna siyang pumasok sa loob.
Mabilis naman siyang sumunod at na unang nag tap ng ID sa ticket gate. Nginitian lang ako ni Manong guard ng makita ako sa likuran ni Wesley. Kahit 'di ako lumingon alam kung sinusundan kami ng tanaw ng mga estudyanteng nadadaanan at makakakita sa amin. Kapag ako kinuyog ng mga retarded mong fans may konyat ka sa aken mamaya.
"Sino nga yung hinahanap mo kanina?" pangungulet niya habang sinisiko siko ako sa tagiliran.
Umikwas ang kilay ko. "Hinahanap?"
"Oo diba kanina may hinahanap ka paglapit ko sayo."
"Wala." labas sa ilong na sagot ko sa kanya.
"Eh ba't parang meron?" nakangusong ungot niya.
'Ang kulet naman ng batang 'to!'
"Wala nga huwag kang makulet. Gutom ako kakainin kita!" pananakot ko. Huminto siya sa paglalakad at mukhang natakot nga sa sinabi ko.
'Tss, patola naman! Ano naman ang makakaen sayo bukod sa... Roar!'
Malamang late na naman si Andres kaya wala akong choice kundi mag almusal ngayon mag isa.
"Tara sa canteen papakainin kita." bawi niya at parang nabasa ang nasa isip ko. Napangiti lang ako. Parang pamilyar ang galawan niya. Namiss ko tuloy siya bigla. Sigh.
"T-Talaga? Sige kahit kape lang masaya na ako." Hindi ako diyosa para tanggihan ang imbitasiyon niya. Kung totoo nga ang sinasabi niyang inantay niya ako kanina malamang kanina pa siya dun. Wala naman sigurong ibang ibig sabihin ang paanyaya niya o talagang assumera lang talaga ako?
"Coffee it is.." mababakas ang excitement sa tono niya.
"Ikaw, sinong inaantay mo dun sa waiting shed ang aga aga?" pag iiba ko ng usapan habang tinatahak namin ang daan papuntang canteen.
BINABASA MO ANG
Lucky Me (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsLucky sa looks. Lucky sa talent. Lucky sa friends. Lucky sa family. Lucky sa layaw jeproks! Yan si Lucky Gonzaga. Ang pambansang bading. Ang ka look a like ni Cara Delevingne. Bakla pero hindi kilos bading. Mukhang babae pero kilos lalake. K...
