CHAPTER 55

1.8K 78 6
                                        


CHAPTER 55

YTCHEE'S POV

Nagsimulang tumugtog ang musika. Si Olive sa drums, si Andi sa piano at si Marlon naman ang may hawak ng gitara. Ang cool nilang apat tingan sa stage pero pinaka cool si Lucky dahil tutok ang atensiyon ng lahat sa kanya pagsampa pa lang niya sa stage. Aminin man nila o hindi halatang halata sila, parang itong katabi ko hindi pa man nagsisimula tulala na kay Inday. Ha ha ha

"What has life to offer me when I grow old?

What's there to look forward to beyond the biting cold

They say it's difficult, yes, stereotypical."

Tahimik lang ang buong hall ng magsimulang kumanta si Lucky. Nangingibabaw ang boses ni Inday na sinasabayan ng magandang tunog ng piano. Kahit ilang beses ko ng narinig ito habang nire-rehearse niya kanina ng acapella pakiramdamko ito ang unang pagkakataon narinig ko yung kanta. Ngayon mas lalong ko ng na appreciate yung kanta dahil sa banda.

What's there beyond sleep, eat, work in this cruel life

Ain't there nothin' else 'round here but human strife

'Cause they say it's difficult, yes, stereotypical

Gotta be conventional, you can't be so radical."

Bilib ako sa paraan ni Lucky sa pag interpret ng kanta, para lang siyang nakikipag usap sa audience ng habang kumakanta. Kakaiba at kahanga hanga ang control niya sa boses niya dahil kung tutuusin lalake siya pero mas babae pa siya kesa sa akin kung kumanta. Bilib ako sa power at pag control niya sa boses niya. Yung bawat paghina tapos lalakas, lalakas tapos hihina ang sarap sa pandinig.

"So I sing this song to all of my age

For these are the questions we've got to face

For in this cycle that we call life

We are the ones who are next in line

We are next in line."

Hindi ko namalayan na sinasabayan ko na pala siya sa pagkanta. Kung hindi pa ako siniko ni Kenneth hindi pa ako titigil. Sinimangutan ko lang siya pagkatapos niyang sumenyas na huwag akong magingay. Para kaming mga batang nakikinig sa isang mahusay na story teller, isa sa pinaka hinahangaan ko kapag kumakanta siya ay yung kung papaano niya nabibigyan ng tamang emosiyon ang isang kanta.

"We are next in line..

Oh-hoh, we are next in line."

Napalingon siya sa gawi namin ni Kenneth sa gilid ng stage habang tinatanggal ang microphone sa mic stand. Parang wala lang kung ibirit niya ng mataas ang linyang yun at kinilabutan ako ng sobra. Naramdaman kong parang nanigas si Kenneth ng magtama ang paningin nila ni Lucky. Natawa ako bigla dahil sa wirdong ikinikilos niya.

"And we gotta work, we gotta feel (we gotta feel)

Let's open our eyes and do whatever it takes

We gotta work, we gotta feel (we gotta feel)"

May gigil at diin ang bawat salitang binibitawan niya, maganda ang diction at malinaw ang ang pagbigkas sa lyrics kaya mapi-feel mo talaga yung kanta. Connected ang audience kay Lucky dahil nakakatuwang panuorin ang sabay sabay at dahan dahan nilang iwinawagayway ang mga kamay nila sa ere kasabay ng kanta.

Lucky Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon