CHAPTER 24

1.6K 75 8
                                        


CHAPTER 24


KENNETH'S POV


Wesley O.

+639162345678

04:48pm

Bro. Saan ka? Manunuod ako ng laban nila Lucky ng volleyball. Sunod ka. :D


'Psh, siyempre papahuli ka pa ba eh halos awayin mo na nga ako kagabi sa phone dahil sa ayaw silang tantanan ng grupo ni Amber malamang bantay sarado mo ang mga yan ngayon.'

Sa totoo lang naiinis narin ako sa mga ginagawa ni Amber. Marami ng taong nadadamay dahil sa mga walang kwentang dahilan niya at ayaw niya akong malapitan ng iba. Bakit kami ba? Marami namang nagkakagusto sa kanya sa campus bakit hindi nalang yun ang patulan niya.

Pinagsisisihan ko tuloy kung bakit in-entertain ko pa siya noon.


* * * F L A S H B A C K * * *

2 Years Ago...

"Hi! I'm Amber." Masiglang bungad ng isang babae sa harap ko pagkasara ko ng pinto ng locker. Hindi ako sumagot at lalong hindi ako ngumiti. Lalampasan ko na sana siya pero nahawakan niya ako sa braso. Sarkastiko akong napangiti habang nakatingin sa kamay niyang nakahawak sa braso. "I said my name is Amber Gutierrez."

"Hi Amber." Walang ganang sagot ko at saka ako naglakad dahil male-late na talaga ako sa unang klase ko.

"I'm a new student here." mabilis na habol niya at hinawakan ang bag ko kaya ako napahinto. So? Hindi naman ako interesado. "Hindi ko pa kasi kabisado yung school pwede mo ba akong i-guide?" hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa. Obvious kasi na n agpapa cute siya dahil ilang ulet siyang pakurap kurap ng mga mata.

"I'm sorry may klase pa kasi ako kaya ako nagmamadali." Maikling paliwanag ko. "If i were you Miss punta ka nalang sa office of student affairs.. i'm sure may mag a-assist sayo doon." Sinipat ko ang relo ko. "Sorry i really have to go." nag mamadaling pa alam ko sa kanya dahil mali-late na talaga ako.

"WAIT!!" Biglang sigaw niya kaya wala akong nagawa kundi ang huminto at lingunin siya ulet. Hindi ito ang unang beses na may lumapit na babae sa akin sa parehong istilo.

"Miss, I'm sorry may klase pa ako at ayoko sanang ma late." Pormal na sagot ko.

"I know and i understand." Nakangiting sagot niya at napilitan akong ngitian siya bago tumalikod. "Nakita pala kita sa parking lot kanina magkatabi kasi yung mga kotse naten.." bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. FUCK! Nakita rin kaya niya ang nangyare ng mag park ako ng kotse kanina?

"The truth is.. i saw what happened earlier when you parked your car..." kwento niya binitin yung iba pang sasabihin at tumitig sa akin. Nice. Siguro naman hindi ko na kailangang hulaan kung anong susunod niyang sasabihin.

"So?" walang emosiyong sagot ko at umayos ako ng tayo.

"Nothing actually.." maarteng sagot niya. "Nakita ko kasi yung may ari ng sasakyan kanina but don't worry hindi kita ire-report or anything..but in one condition.." Nakangiting sabi niya at naglakad papalapit sa harap ko.

Lucky Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon