CHAPTER 15

2K 74 11
                                    

CHAPTER 15

WESLEY'S POV

Today was a rollercoaster of emotion. I was distracted the whole day by my own drama. Mula ng umaga hindi na maganda yung mood ko dahil sa pagtatampo ko kay Lucky. 'Masama na bang humingi ng sorry? Ganun ba kahirap sa kanyang tangapin yun at mapatawad ako? Wala siyang puso!'

Wala ako sa mood kaya the whole day ng klase ko wala akong iniimik. Naging mahirap para sa akin ang kumilos at mag participate sa klase. Kahit si Kenneth na wiwirduhan sa mga ikinikilos ko. Ilang beses niya din akong sinubukang utuin pero wala talaga akong gana.

'Ano bang ginagawa mo Lucky bakit ginugulo mo ng ganito ang utak ko.'

Gusto ko ng umuwe at matulog nalang sa kwarto ko. This past few days naninibago ako sarili ko. Madalas akong inaaway ni Kenneth dahil napapansin niyang palagi daw akong tulala kapag kinakausap niya ako. Palagi daw akong wala sa sarili. And lately.. Ako ang sinisisi ni Kenneth sa pagkatalo namin ng malaki sa pustahan namin ng mga pinsan ko sa DOTA.

And lately.. Napapansin ko ring nagiging mainitin ang ulo ko lalo na kapag inaasar ako ni Kenneth about Lucky. Sinong hindi maiinis paulit ulit siya? Kilala ko ang sarili ko wala lang ako kundisyon but i'm still the same energetic, hyperactive, sporty at mahilig mang asar na si John Wesley Onpauco.

But thinking how i behave this morning in front of them was unforgivable. I felt really bad.

Tama nga siguro si Kenneth minsan maypagka isip bata talaga ako. I'm not shy about it nor i denied it. For them its somewhat attractive. I'm only child and i always get what i want. Ito siguro yung unang beses na hindi ko nakuha yung gusto ko. Maybe that's the reason why i misbehave a while ago.

At kahit nagkaayos na kami ni Lucky ngayon hindi parin mawala sa isip ko ang mga nangyari kaninang umaga. Muli akong naupo sa harap ng grand piano dahil sa request ni Lucky. Ang totoo parang na recharge ako dun sa mga sinabi niya kanina. It felt so good, really really good.

Paulit ulit kong naririnig sa isip ko ang bawat salitang binitawan niya at natatawa ako kapag naaalala ko yun isa isa. Nakaka bading mang pakinggan pero kinikilig ako sa kanina. Hindi ko maiwasang mapangiti kapag naiisip ko yun.

'Nababaliw kana talaga Wesley.'

Habang nalilibang ako sa ginagawa kong pagtugtog at nakikita ko namang nag e-enjoy sila bigla nalang nag black out ang buong hall...

-===KATAHIMIKAN===-

"KKKKKYYYYYYYYYYAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH" Biglang tili ni Andi at Lucky.

Dali daling akong tumayo sa kinauupuan ko at kinapa ko ang bag ko sa ibabaw ng piano.

'Damn it! Kakamadali ko nasagi ko tuloy yung bag at nalaglag sa ibabaw ng piano. Kinapa ko agad sa sahig ang bag ko at dali dali kong dinukot sa bulsa ang cellphone ko. Sa dilim ng buong hall para akong nakapikit kaya pagbukas ng flashlight ng phone ko nag adjust yung mata ko sa liwanag. Hinanap ko agad si Lucky. Sa pagkakatanda ko nasa bandang gilid ko lang sila kanina kaya humarap lang ako patagilid at itinutok ang phone ko sa direksion nila.

Nanlaki bigla ang mata ko at mabilis nagsalubong ang mga kilay ko sa nakita.

'Si Lucky nakayakap kay Kenneth? Pero himala hindi man lang pumapalag ang pinsan ko. I thought he hates Lucky?'

Magkaharap sila at mukhang naksubsub ang mukha Lucky sa dibdib ni Kenneth. Marahan namang naka patong ang baba ng pinsan ko sa ulo ni Lucky. Nakapikit si Kenneth at sa nakikita ko mukhang okay lang sa kanya ang set up nila. Sa pagkaka kilala ko sa pinsan ko ayaw niyang may dumidikit o humahawak sa kanya lalo't hindi niya kakilala. Pero ano tong nakikita ko sa kanya ngayon? Bakit parang nag e-enjoy pa siya?

Lucky Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon