CHAPTER 2
LUCKY'S POV
Napasalampak ako sa upuan dala ng pagod. Mahigit isang oras din akong nagpaikot ikot na parang si Sarah Geronimo sa loob campus para matapos lang lahat ng requirements na kailangang ipasa kanina. Tapos naghagdanan pa ako paakyat kanina, kaya pala wala akong kasabay kahit isang estudyante kanina may elevator pa sila. Pagdating naman sa classroom imbes paupuin ako para makapagpahinga naisali pa ako sa audition ng Pilipinas Got Talent. Maygad!
**SIGH
At biglang napatingin yung katabi ko dahil sa lalim ng buntong hiningang binitawan ko.
"Hi, I'm Lucky hehe." Pinunas ko muna ang pawisang kamay ko sa gilid ng pants bago ko iabot sa kanya.
"Andres Bolivar. Andi for short." Nahihiya at naka ngiting ganti niya.
'For short talaga dahil sa tingin ko 5'2 lang ata ang height niya eh. He he. Salbahe ka!'
"Hmmm. Mukhang na short ka nga." Nakangiting biro ko habang sinusuyod ang kabuuan niya.
"H-Huh?" nanlaki ang mata niya.
"Charot lang, ito naman hindi mabiro." Seryosong sagot ko habang inaabot ko ang kamay ko sa kanya.
"A-Ahh-he he—ha ha ha ha" pagak na tawa niya. At nag shake hands kaming dalawa.
"Bakla ka talaga?!" manghang tanong niya at siya naman ang sumuyod sa kabuuan ako. Bahagya akong lumapit sa kanya at hinila ko ang isang kamay niya papunta sa dibdib ko para malaman niyang lalake talaga ako at wala akong boobs.
"WTF!" paimpit na sambit niya at sabay kaming tumawa ng mahina habang nakayuko sa desk.
"Grabe, akala ko babae ka talaga kanina seshie ang lakas mong maka Cara Delevingne." Hindi makapaniwalang sambit niya.
"Ikaw for sure beki ka?!" pabulong na tanong ko.
"Oo obvious ba seshie?" very proud na sagot niya at hinawi pa ang imaginary hair niya patalikod. "Tulad mo transferee lang din ako dito 2 years ago." Lumingon muna siya harap. "Dito kasi nag aaral ang bestfriend at kababata ko kaya naisip kong lumipat din dito." Nahihiyang kwento niya.
"Wow, talaga?" natuwa ako sa nalaman. "Yan atleast hindi ako nag iisa." masayang sambit ko at hindi sinasadiyang naitaas ko ang dalawa kong kamay dala ng tuwa.
"YES. MR GONZAGA?" biglang tawag ni Sir Adam.
"Nothing ser. Nag uunat lang po ako ng kamay." sagot ko habang nakayuko at natawa ng mahina si Andi. "Bakit ka nga pala nakatayo sa harap kanina pagdating ko?" usisa ko sa kanya.
"Na late kasi ako ng pasok kanina.." pabulong na kwento niya. "Sumakit kasi yung tiyan ko bago mag start ang flag ceremony dahil sa kinaen ko kaya yun nag CR muna ako bago pumasok."
"Eh di dapat sinabi mo sa kanila." Naka ngiwing sagot ko.
"Ayaw ni ser Adam ng late sa klase niya. Ang mahuhuling late kakanta sa harap buti nga dumating ka kanina kaya ligtas ako eh. He he he." Natatawang tugon niya at pinisil ako sa pisngi.
'Susme, kaya pala ganun na lang reaction niya ng makita ako kanina. Pero okay na rin atleast hindi niya nasaksihan ang kahihiyang inabot ko sa flag ceremony kaninang umaga.'
"Okay class!" agad kaming napaupo ng tuwid ni Andres. "So on our next meeting we will be discussing about different stringed instruments. You'll pick one, explain why did you choose that particular instrument and play it infront of the class. Understand? Open your FB Messenger Group Chat for more info's. That's all for today, class dismiss!" Kumindat pa siya samin matapos magsalita.
BINABASA MO ANG
Lucky Me (COMPLETED)
Novela JuvenilLucky sa looks. Lucky sa talent. Lucky sa friends. Lucky sa family. Lucky sa layaw jeproks! Yan si Lucky Gonzaga. Ang pambansang bading. Ang ka look a like ni Cara Delevingne. Bakla pero hindi kilos bading. Mukhang babae pero kilos lalake. K...