CHAPTER 36
LUCKY'S POV
Nagmamadali akong bumaba ng stairs galing ng second floor dahil binalikan ko yung work book ko sa Physics lab kadadaldal sa akin ng dalawa kanina. Pababa na ako ng stairs ng biglang mag vibrate yung phone ko sa bag kaya huminto ako saglit para dukutin ang phone sa side pocket ng bag ko habang nakayuko.
Sasagutin ko pa lang sana yung tawag kaso bigla naman akong nabangga ng isang student. Kaya nabitawan ko ang cellphone ko kasabay ng naglag-lagang gamit niya. Kahit nagmamadali ako minabuti ko munang tulungan siya dahil alam kong hindi naman niya sinasadyang mabangga ako.
Halos magkasabay kaming yumuko para damputin ang mga gamit niya sa floor. I-aabot ko na sana yung ibang gamit niya pero pareho kaming nagulat sa isa't ng magtama ang paningin namin.
"Sinasabi ko na nga ba eh!" Biglang sigaw niya at bigla niya akong itinulak ng buong pwersa. Nawalan ako ng balanse sa pagkakatulak niya kaya natumba ako paatras at biglang may sumapo sa magkabilang kilikili ko kaya hindi ako tuluyang natumba sa sahig.
'Kingenang Lucrecia Kasilag to! BI-BINGO ka na talaga sa akin!'
"T-Thank you.." nilingon ko yung babaeng sumalo sa akin na tipid na ngumiti. Nagpagpag ako ng damit at lumapit ako kay MJ.
Si MJ ang lukaret na Cheer Leader. Ang babaeng nagpapakulo ng dugo ko dito sa Carlisle nitong nagdaang mga araw. Ang babaing pilit isinasali ang sarili sa mga bagay bagay na hindi naman siya kasali. Nawala nga si Amber pero nag iwan naman ng isang pang may sapak sa ulo.
'Sardinas ka ba teh?'
Nakita ko nilapitan siya ng dalawang bagong member ng Pink Rangers at tinulungan siya sa mga dala niyang gamit.
"Ugali mo talagang banggain ang mga tao sa paligid mo 'no, hobby mo?" Mayabang na bungad niya sa akin. Taray, siya pa yung galit siya na nga yung bumangga.
"Minsan pero depende sa tao. Ikaw ugali mo din talagang gumawa ng kwento at mambintang sa kapwa mo 'no? Mukhang sanay na sanay ka, ugali mo?" sarkastiko ding sagot ko at natawa yung babae sa likod ko.
"Huwag mong ibahin ang kwento, dahil kasalanan mo naman madalas ang masasamang nangyayari at kamalasan sa campus na 'to." Umpisa pa lang pero mainit na agad ang ulo niya. Yung iba kapag nagagalit namumula pero 'tong baliw na 'to lalong nangingitim.
"Ikaw ang nakabangga MJ, ang normal response ng isang tao ay ang mag sorry, gets mo?" ayoko ng makipagtalo dahil gutom na ako na talaga ako at inaantay na ako ng mga bakla.
"Ako, mag so-sorry sayo? Is that a joke? Am i supposed to laugh?" baling niya sa akin at sa mga kasama niya at sabay sabay silang tumawa ng nakaka insulto.
"M-Miss nakita ko yung nangyari kanina, ikaw ang bumangga sa kanya kaya dapat ikaw ang unang mag sorry." Sabat ng babaeng sumalo sa akin kanina.
"I don't care whose fault it is bitch. Siya itong ta-tanga tanga tapos isisisi niya sa iba." nakapamewang na turo niya sa akin.
"Hiyang hiya naman ako sa kabibuhan mo MJ, ikaw na nga tong nakabangga ikaw pa tong mayabang sa ating dalawa."
"Well, wala pa sa 10% ng kayabangan ko ang nakikita mo bakla, what more kung i-todo ko. Cheer Leader ako, ikaw bakla ka lang kagaya ng mga kaibigan mo." Inirapan ako at proud na proud siya sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Lucky Me (COMPLETED)
Teen FictionLucky sa looks. Lucky sa talent. Lucky sa friends. Lucky sa family. Lucky sa layaw jeproks! Yan si Lucky Gonzaga. Ang pambansang bading. Ang ka look a like ni Cara Delevingne. Bakla pero hindi kilos bading. Mukhang babae pero kilos lalake. K...