CHAPTER 31
LUCKY'S POV
"Luis Manzano, awat na kumota na ang pozo negro sa pupu mo!" malakas na sigaw Andi sa labas.
'Kingenang negra 'to mamaya isipin ng makakarinig tumatae talaga ako!'
"Pakyu ka nagtu-toothbrushako. Sunod ako mauna na kayo bumaba." ganting sigaw ko at nagmamadali ko hinugasan ang toothbrush ko sa sink. "Mga atat masiyado tatambay lang naman." Mahinang bulong ko habang ipinapasok ang toothbrush sa pouch ko. Inililigpit ko nalang ang ilang gamit ko ng makaramdam ako ng pagkaihi. Ito pa naman ang pinaka ayaw ko kapag napaparami ako ng inum ng tubig ihi ako ng ihi, nababali-sawsaw kasi ako. Bitbit ang bag dumirecho ako sa pinaka malapit na cubicle at isinara ko ang pinto.
Palabas na sana ako ng pinto ng may narinig akong pumasok at nag uusap ng pabulong. I don't know but by instinct huminto ako saglit at hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Nakinig muna ako saglit. Weird. Bakit kailangan nilang magbulungan sa loob ng CR? Imposibleng sina Andres at Marlon ang pumasok dahil daig pa nila ang naka speaker phone kung naguusap. Idinikit ko ang tenga ko sa pinto.
"Paakyat na daw siya." Boses iyon ng isang lalake. "Kailangan mabilis ang maging kilos mo at dapat walang makaka kita."
'Sino na naman kaya ang trip ng mga 'to?'
Hindi ko naman nilalahat pero ganyan talaga silang mayayaman nagiging hobby nila ang pagtripan ang isa't isa. I-bully ang mga kaibigan, kaklase o kabarkada. Madalas naming masaksihan nila Andi ang mga kalokan nila sa loob ng campus pero deadma lang kame. Sa bagay kahit naman sa mga pampublikong paaralan at sa dati kong eskwelahan ganun din naman ang siste. Mga teenagers na walang magawa kaya pati kapwa nila pinagtitripan nila.
"Basta siguraduhin mong walang makaka kita at dapat perfect ang timing mo, kundi pare-pareho tayong malalagot sa kanya." Mahinang sagot naman ng kasama niya.
Nakinig lang ako at 'di ako gumawa ng kahit na anong ingay. Ewan ko pero kinukutuban ako ng kakaiba sa paraan ng pag uusap nila. Huwag na huwag kong malalaman na ang mga kaibigan ko ang pinagti-tripan nila kundi pagpapalitin ko talaga ang mga ulo nilang dalawa. Sumpa ko yan!
"Hello?! Oo nandito na kami.. Masusunod boss. Bye!"
"Bilisan naten paakyat na yun ngayon sigurado." Nagmamadaling yaya nung kasama niya.
Nang wala na akong marinig na anumang ingay at bulungan sa loob saka ko dahan dahan binuksan ang pinto ng cubicle. Sumilip ako sa kaliwa at kanan. Clear. Saka ako lumabas na cubicle at lumabas ng CR. Sumilip ako sa magkabilang hallway kung may tao pero wala naman.
"Sino naman kaya inaabangan ng mga yun?" muli akong lumingon sa loob pero ako nalang talaga yung tao sa loob.
Magkadikit lang ang CR at ang stairs, kaya isang kembot lang nasa hagdanan kana. Nakayuko ako habang naglalakad pababa pero naagaw ng atensiyon ko ang isang student na paakyat na may dala dalang magkaka patong na libro.
"Tss!" dining kong singhal niya.
Whattaa day! Sa dinami dami naman ng mga students na pwede kong masalubong si Amber pa talaga ang maswerteng taong yun.
'Thank You Lord sobrang bait niyo po talaga sa akin!'
Sigh. Hindi pa naman ako ganun kasama at nakaramdam ako ng konting awa dahil mukhang mabigat ang mga dala niya. Kahit labag sa loob lumapit ako at sinalubong siya sa gitna.
BINABASA MO ANG
Lucky Me (COMPLETED)
Teen FictionLucky sa looks. Lucky sa talent. Lucky sa friends. Lucky sa family. Lucky sa layaw jeproks! Yan si Lucky Gonzaga. Ang pambansang bading. Ang ka look a like ni Cara Delevingne. Bakla pero hindi kilos bading. Mukhang babae pero kilos lalake. K...