CHAPTER 35
LUCKY'S POV
"Mag commute na lang tayo papuntang Quiapo isang jeep lang naman yun simula dito." Pangungumbinsi ko sa dalawa. Pero sa itsura ng pagkakagusot ng mga noo nila mukhang hindi sila sanay mag commute.
"Sigurado ka seshie hindi ba delikado mamaya kasi madyoldup atayiz sa jeep, diba ganun palagi ang nababalita sa TV?" kabadong tugon ni Andres at mukhang sang ayon din si Marlon.
"Tiyempuhan lang yan, and besides hindi naman tayo mukhang mayaman kaya lusot tayong tatlo diyan." alibi ko pero ang totoo nag aalangan din ako. Kapag itong dalawa pa naman kasama ko ACTIVATED ang kamalasan ko.
"Sigurado ka seshie? Pwede naman nating isama si Kuya Lando nasa parking lot lang siya?" Si Mang Lando yung mabait personal driver ni Andi.
"I-Iniwan mo siya doon mula ng dumating kayo sa bahay kanina?" singhal ko at napatakip siya ng tenga sa lakas ng boses ko.
"Sinasama namin kanina kaso nahihiya daw siya ses." sabat ni Marlon na nangingintab na ang mukha kalalagay ng sun block. Jusmiyo! Sa jeep kami sasakay hindi sa surf board!
"Sabihin mamaya na lang niya tayo sunduin kapag pauwi na tayo, mahirap kasing sumakay pauwi." Utos ko kay Andi at mabilis niyang tinawagan si Mang Lando.
"Nay mauna nga kami at pababasbasan ko pa 'tong dalawa para magbagong buhay na." Natatawang paalam ko sa pamilya ko.
"Sige anak mag ingat kayo at huwag masiyadong magpapagabi may pasok pa kayo bukas." Paalala ni Nanay sa aming tatlo habang hinahatid kami sa pinto.
Naglakad kaming tatlo hanggang sa sakayan ng jeep. Masuwerte at hinintuan kami ng isang jeep na wala pang gaanong sakay.
"Manong bayad tatlong Quiapo kakasakay lang." nag abot ako ng 50 pesos sa driver.
"Ses ako na magbabayad." Si Marlon habang kumukuha ng pera sa wallet.
"Bayad na huwag ng umarte." At inabot sa amin ng kapwa namin pasahero ang sukli sa binayad ko.
"Manong kulang ho yung sukli niyo!" sigaw ko sa mamang driver.
"Ilan ba yun?" sigaw ng manong driver.
"Tatlong bakla, isang ulikba, isang palaka at isang dyosa. Kakasakay lang." Malakas na sigaw ni Andi at natawa kami ni Marlon.
"Magkano po ba manong?" mahinaho at magalang na tanong ko kasi parang pagkaka alam ko siyete lang naman ang isa.
"Otso na ang isa neng bente kwatro lahat." Sigaw ni manong driver.
"Manong nagtaas na 'ho ba ang pamasahe? Ang pagkaka alam ko po next week pa 'ho yun effective?"
"Nagtaas na mga ineng manuod kasi kayo ng TV para alam niyo ang balita, hindi puro Kore-Korean ang pinapanuod niyo!" nagpantig ang tenga ko sa pabalang na pagsagot niya. Anong problema nito sa KPOP? Lalo pa akong nainis dahil pinagtawanan pa kami ng ibang pasahero.
"Excuse me Manong Driver.." maarteng sagot ni Marlon. "Masisipag po kaming mga mag aaral hindi po kami basta basta nanunuod ng TV ng hindi natatapos ang mga assignments namin." nai-imbyernang dugtong ni Marlon sa driver.
"Makapang husga akala mo kasama natin siya sa bahay. Tch!" mahinang reklamo ni Andi.
"Hayaan niyo na tatlong piso lang makikipag patayan pa tayo." Mahinang bulong ko sa kanilang dalawa.

BINABASA MO ANG
Lucky Me (COMPLETED)
Teen FictionLucky sa looks. Lucky sa talent. Lucky sa friends. Lucky sa family. Lucky sa layaw jeproks! Yan si Lucky Gonzaga. Ang pambansang bading. Ang ka look a like ni Cara Delevingne. Bakla pero hindi kilos bading. Mukhang babae pero kilos lalake. K...