CHAPTER 39

1.9K 71 10
                                        

CHAPTER 39 - BAGUIO DAY 1

ANDI'S POV

Ito na ata ang pinaka masayang field trip ko sa Carlisle Academy. Nakasama kaming lahat ng mga kaibigan ko at may pa BONUS pang Kenneth James Ang at Wesley Ongpauco. Dininig ni Papa Jesus ang panalangin ko two days ago. Pero ang napansin ko buong biyahe ay ang biglaang pagiging close nila Lucky at Kenneth. Mukhang may samtingan 'tong dalawang ito 'e May drama pang pasundo sundo ang Papa Kenneth sa balur nila Lucky. At ang dalahirang Lucky pa mysterious epek pa at ayaw pang magkwento kung bakit siya sinundo ni Kenneth.

"Ses, nakakatakot yang pananahimik mo." Siniko ako ni Marlon at naputol ang malalim na pag iisip ko.

"Anong nakakatakot dun bruha ka?!" At humarap ako sa pagkakahiga sa kanya.

"Eh baka kasi may kinikimkim na namang galit yang puerta mo at bigla kang magpasabog dito sa loob ng bus." Natatawang sagot niya. Nanahimik lang natatae na hindi ba pwedeng nag iisip lang? Ututan ko kaya 'to sa mukha ng matupad ang wish niya?!

"Hindi noh, bumo-e na ako ng pang two days sa bahay bago ako umalis kanina." mapagpatol na paliwang ko sa kaaningan niya.

"Ay very good ses! Dahil for sure hindi nila kakayanin ang bombang pasasabugin mo!" At hinampas ko siya sa braso para magseryoso.

"Eh kung diyan ko sa mukha mo pasabugin ang bombang sinasabi mo, keri mo?"

"Pakyu ka hindi kakayanin ng plastic surgery ang damage na iiwan mo sa mukha ko!" singhal niya at umayos ng higa sa tabi ko.

"Seshie, may napapansin ka bang kakaiba kay Kenneth at Lucky?" pagbabago ko ng usapan dahil kanina pa talaga gumugulo ang bagay na yun sa isip ko.

"Oo marami. Ang Lola mo naging pabebe. May pasundo sundo ang peg. Sa tingin mo sila na?" at halos sabay nanlaki ang mga mata namin sa sinabi niya.

"Juice Colored! Si Lucky at Kenneth?! WORLD WAR sa Carlisle yan seshiee!" Mahinang impit ko kay Marlon.

"Baka hindi pa naman? Magsasabi naman yang si Luis Manzano sa atin eh. Kakaiba lang talaga sila lately yun ang napapansin ko." aniya at mukhang napapaisip din kagaya ko.

"Something fishy eh." may pagdududang sagot ko. May nagbago 'e, ramdam ko hindi ko lang mapangalanan.

"Sa bagay! Eh yung eksenang hindi niya crush si Kenneth? Trulalu o Eklavu?" napangiti ako sa tanong niya.

"EKLAVUUUUUHH!" Sabay naming sagot at napa-apir pa kami sa tuwa. Atleast ngayon hindi na ako nag iisa at may kasama na ang magduda sa biglaang closeness nila.

"Echusera siya wala ata akong kilalang hindi nag ka crush diyan kay Kenneth." pairap na komento ko. "Tsisoy, saksakan ng gwapo, misteryoso, matangkad, magaling mag basket ball at..." Huminto ako at nagkatitigan kami ni Marlon na parang alam niya ang iniisip ko.

"DAAAAKKKSSS!!" at bigla kaming tumawa habang nakatakip ang palad sa bibig.

"Ses, anong tsisoy? Ano yun parang prutas kasoy?" kunot noong tanong ni Marlon kaya lalong na emphasize ang mga pores niya.

"Bugak! Tsisoy. Pinaghalong Tsinito at Tisoy." pagtatama ko at saka lang niya na gets.

"Basta ang tumatak talaga sa akin yung pagiging DAKS niya!" inalog alog ako sa balikat sa kaharutan niya. Maygad!

"Hoy sinong DAKS yan ba't di ko kilala?!" Nakasilip na saway ni Lucky sa deck namin.

Lucky Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon