CHAPTER 14

1.9K 86 16
                                        

CHAPTER 14


KENNETH'S POV

After ng nakakapagod na basketball pratice hindi na ako tumambay sa court kasama ng ibang mga players. Nagpaalam ako sa kanilang mauuna ako mag shower para makauwe ako ng maaga. Bago ako lumabas ng locker room nag check muna ako ng text messages. Nothing important but Wesley's text message got my attention. 'Ano na naman ang kailangan nito?'

Wesley O.

+6391623456789

06-10-2017

03:58PM

Bro. Sasabay ako umuwe. Meet me at Carlisle Hall after my piano practice.  :(

'Sad face? Ano na naman nangyari sa ungas na 'to? Tss, kahit kelan talaga napaka isip bata.'

Nagmadali akong lumabas ng boys locker room para hanapin at i-check ang lagay niya. Kalalaking tao napaka drama. Tch! Habang naglalakad ako sa field papuntang Carlisle Hall nakita ko si Lucky and Andi na nagtatalo sa isang bench sa ilalim ng puno. Nakapatong ang mga gamit nila sa mesa at mukhang gumagawa sila ng assignment. Lalapitan ko sana sila pero biglang tumayo si Andi.

"Hoy, Hoy! Ako wag mo ko madramahan ng ganyan at nang-gigigil ako diyan sa ganda mong walang pahinga!" dinu-dutdut niya ng ballpen si Lucky sa tagiliran. Mukha siyang malungkot kung pagbabasehan ko ang pagnguso at pagkakakunot ng noo niya. Na curious ako sa pinag uusapan nila kaya nagtago muna ako sa bandang likod ng puno na malapit sa kanila at nakinig.

'Gandang walang pahinga? Ano na naman kayang gulong pinasok ng dalawang 'to?'

"Ganda? Alam mo Andi kung ganda lang iyong iyo na." Umikot pa ang mata nito bago bumuntong hininga. "Kung sa likod naman ng ganda mo ay kapalit ng kalungkutan at pag iisa. Nanaisin ko lang maging panget." Dugtong niya pa at kitang kita ko ang kakaibang lungkot sa mga mata niya.

"Talaga seshhie okea lang kahit panget ka?" parang nahawa narin siya sa kadramahan ng kaibigan niya. Ano bang nangyayare sa araw na ito at bakit ang da-drama ng mga tao? Tss, bagay na bagay talaga sial ni Wesley pareho silang madrama sa buhay. Tch!

"Oo naman! Basta wag lang ganyan kalala." Ngusong turo niya sa mukha Andi at bigla siyang binatukan ng ballpen sa noo. 'OUCH! Sakit nun ah!' Gusto kong tumawa ng malakas sa reaksiyon ni Andi.

"Yooowwwn! Naki simpatiya na nanlait pa." Sigaw ni Andi kay Lucky at napabungisngis ako.

"Hoy Andres, kahit panget ka may "TALENT" ka naman." Seryosong sabi ni Lucky. Pero kakaiba ang dating sakin ng sinabi niya eh. Sa ugali niya mukhang inuuto niya lang ang kaibigan niya.

"Talaga?!" umupo siya sa tabi ni Lucky at mukhang na excite sa narinig.

"Oo naman sino ba kaibigan mo?!" taas noong sagot pa ni Lucky at sunod sunod ang pagtango ni Andi.

'Whoa, naniwala na siya doon sa sinabi niya?'

"Good!" sabay thumbs up niya. "Oh, kunwari naglalakad ka doon tapos tatawagin kita ah." turo niya sa daan kaya umikot ako sa kabilang side ng puno baka makita ako ni Andi. Tumayo at sumunod naman si Andi sa instruction ni Lucky na kunwaring naglalakad lakad.

"Hoy baklang PANGET!" Malakas at parang barakong sigaw ni Lucky. Huminto naman si Andi sa paglalakad at nakasimangot na lumingon sa kaibigan. "PERO MAY TALENT!" at unti unting lumawig ang pagkakangiti ni Andres sabay tawa. "Diba panget sa umpisa pero may bawi sa huli."

Lucky Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon