CHAPTER 9

2.3K 97 24
                                    

CHAPTER 9

LUCKY'S POV

Sa wakas natapos din ang isang nakakapagod na araw ng mahabang discussion sa klase. Sa sobrang haggard namin ni Andres muntik ng humiwalay ang mga kaluluwa namin sa mga katawang lupa namin. Kung nahihirapan sila mas hirap ako dahil naghahabol ako sa mga lessons nila dahil transferee ako. Buti na lang halos pareho lang ang turo sa dati kong school at dito sa Carlisle Academy. Mas advance lang sila ng slight dahil sa mga high tech at advance na gamit nila.

"Seshie, pwede bang sumama muna ako sayo?" Nakasimangot na lapit ni Andi habang nag aayos ako ng gamit sa locker. Hindi na maipinta ang itsura ni bakla. Baka nag aagaw buhay, nangingitim na e. Chos!

"Bakit? Nasaan na yung sundo mo?" Nagtatakang sagot ko bago ko isara ang pinto ng locker ko.

"Nasiraan daw kasi si Mang Lando nasa talyer pa at baka matagalan pa daw siya sa pagpapaayos." nginusuan niya ako at napangiwi naman ako. Baklang 'to parang nagpapak ng lechon sa kapal ang lip gloss niya.

"Tara daan muna tayo ng Computer Shop namen ipagpapalam ko pa kasi si Muning 'e." Aya ko sa kanya at nagliwanag ang mukha niya.

"Yan may bonding moment ulet tayo!" napaakap pa siya sakin at kilig na kilig.

"Bonding? Eh halos di na nga tayo maghiwalay dito sa school kailangan pa ng bonding?!" hindi makapaniwalang bulalas ko. Di paba siya nakukuntento? Kung tutuusin mas mahaba nga ang oras na kasama ko siya kesa magkasama kami ni Kuya Jiggs. Tss!

"Oo naman para makilala kita lalo." Isinandal niya pa ang ulo sa balikat ko.

"Sa bahay kana kaya tumira Andres para may pakinabang ka!"

'Lupet nito may bonding pang nalalaman halos magkapalit na nga kami ng mukha sa sobrang closeness namin sa classroom.'

"Talaga okey lang sa inyo seshie?!"

"Oo, kailangan kasi namin ng labandera, tara ipapasok kita ako ang backer mo!" Naka ngiting pangungumbinsi ko na may kasamang thumbs up para palong palong.

"Pakyu ka bakla mukha ba kong labandera?" masungit na sagot niya.

"Tseh, sa laki mong yan baka mangayayat kami sa bahay!" komento ko. Mamaya agawan niya pa ng pagkaen si Muning ko.

"Hoy malaki lang ako tingnan pero Coca-Cola body 'to seshie!" umikot ikot pa siya sa kinatatayuan habang nasa ibabaw ang parehong mga kamay.

"Alin dun yung two Liters?" at sinabayan ko ng malakas na tawa.

"Impaktita ka!" at para siyang toro ng umusok ang ilong niya.

Dahil hindi naman ako kasing yaman ni Andi at wala naman akong kotse o service na magsusundo araw araw tinahak namin ang daan papuntang sakayan. Kung ako lang mag dyi-jeep sana ako kaso nahiya naman ako kay Andres kaya pumara ako ng FX. Mahirap na baka pagpawisan mapagkamalan pa kaong tindera ng nagmamantikang letchon de leche. Bumaba kame ng Banawe dahil dun malapit yung computer shop at yung bahay namen.

"Huwaw ang "TUTYAL" ng Computer Shop! Sa inyo yan teh?" manghang mangha ang bayot akala mo ngayon lang nakakita ng pa-piso net. Chos! At anong tutyal diyan? Malamang mas bongga pa ang mga business nila kesa sa pucho puchong computer shop namin.

"Hindi kela Mang Lando yan. Ayan na nga oh nakasulat "Gonzaga Computer Cafe." nakangusong turo ko sa shop.

"Malay ko ba kung kela Alex Gonzaga yan!" Naka ngiwing sagot niya. "Ang healthy healthy mo talaga kausap LUIS MANZANO!" Hinila ko siya sa kamay at magkasunod kaming pumasok sa shop.

Lucky Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon