1 year ago before she died
William POV
"Huhuhuhu."
Mariin nalang akong napa pikit at napa kamot sa ulo ko dahil sa inis.
Nakakairita talaga 'tong bestfriend ko. O.A sa kadramahan!
"Tumigil ka na nga Scarlet! Marami pa namang lalake diyan noh. Di lang siya nag iisa!" Naiinis kong sabi sakanya.
"Baliw! Ikaw kaya ang mag mahal ng sobra?" Humahagulgol niyang singhal sakin pabalik.
"Love? Kinakain ba'yan?" Pina inosente kong tanong habang naka taas ang isang kilay.
"Patay gutom ka talagang pipe ka! Sira! Huwag ka nga! Nag mumukha kang bitter eh!"
"Bitter naman talaga ako."
"Mabuti inamin mo! Ganyan kasi kapag wala kang jowa!" Pang aasar niya sabay pahid sa mga luha niya kaya napangisi naman ako.
"Atleast gwapo parin."
Humahagalpak naman siya ng tawa.
"Naalala ko tuloy ang pipe." Natatawa na niyang sabi kaya napailing nalang ako.
"Hoy! Pipe nasaan na yung baon ko!?" Sita niya saken habang nakaturo ang kumikinang nya'ng kutsara.
Tiningnan ko lang siya at di pinansin.
"Hooyy! Nasaan na yung baon ko!? Sumbong ko na kayo kay teacher!"
"May pera ako! Ba't ko naman kukunin ang baon mo!?" Singhal ko sakanya sabay irap. Nanlaki naman ang mga mata niya sa gulat. Tsss
"Whooaa!" Pumapalakpak niyang sabi.
"Nag sasalita ka palang pipe ka? Wahahahaha! At aba, sinasagot mo na ako? Bakit? Lalaban ka na, ha?" Pataray niyang tanong at dahan-dahang lumapit saken sabay taas ng mag kabilang manggas ng uniform niya habang ako balisa na sa kinauupan ko.
Babae ba talaga siya? Parang lalake pa'to saken eh.
Mas nagulat ako sa sunod na ginawa niya. Hinawakan niya ako sa kwelyo at hinatak pataas. Shet! Ba't ang lakas niya? Para akong lantang gulay ngayon dahil sa ginagawa niya.
"B'Bitawan mo nga ako Tomboy! Punong-puno na ako sayo ha! Sasapakin talaga kita!"
Nanlaki ulit ang mga mata niya at binitawan ako.
Hayy, salamat naka hinga rin ng maluwag. Inayos ko ang kwelyo ko at pati narin ang magulo kong buhok. Diretso akong tumingin sakanya at para akong matatawa sa naka nganga niyang reaksyon.
Anong nangyari dito? Tsss baliw!
"Are you done? You know what? You're wasting your time here dahil wala nga dito saken yung cheap mong baon tomboy! Umalis ka na nga!"
Naalimpungatan naman siya sa sinabi ko sakanya.
"A'Anong tomboy? PIPE! Che!"
Nag walk out na siya sabay flip ng hair niya. Tsss. Akala mo kung sinong maganda, maganda nga, asal lalaki naman!
Diyan nag simula ang lahat. Hanggang sa nag highschool kami ganu'n parin ang bangayan namin. Mas okay na nga ngayon eh. Bihira nalang. Kapag naaalala ko ang mga panahon nayu'n napapailing nalang ako at napapangiti na parang baliw.
"Scarlet, seryoso na'to huh. Marami pang nag mamahal sayo, di mo lang alam kasi pinapairal mo ang pagka manhid mo."
"Oo na, ako ng mali!"
YOU ARE READING
To Love Again (Fanfiction) COMPLETED
FanfictionKakayanin mo kayang mapatawad pa ang babaeng mismong dahilan nang pagkawala ng mahal mo? Ng kasiyahan mo? Ng mundo mo? Kakayanin mo kayang paniwalaan ang mga taong nag sasabi sayo na patawarin na siya kahit na masakit parin? Kakayanin mo kayang pa...