William POV
"So pinag bibintangan mo ako? Wala akong kinalaman diyan William. Yung pagpapakalat lang ng video ni Lily ang ginawa ko, pero hindi ako nag padala ng tao sa unit niya para ipakuha siya o ipapatay. Hindi ako mag aaksaya ng pera ko para lang sa katulad niyang cheap." Tugon ni Chloe kaya napabuntong hininga nalang ako.
"Teka nga William, bakit ba parang nag aalala ka sa babaeng ya'n? Baka nakakalimutan mo na ang atraso niya sayo. You should continue your revenge. Hindi ka pa tapos." Inis niyang sabi kaya napatayo nalang ako.
"Nasagot mo na ang tanong ko. Yu'n lang naman ang pinunta ko." Tugon ko sakanya kaya napatayo rin siya at taas kilay akong tinignan.
"Tsaka, stop commanding me. Alam ko ang ginagawa ko, and as what i said last time. Huwag ka ng mangialam sa problema ko between Lily. It's none of your business." Tugon ko sakanya tsaka lumabas na ng café.
Nang makasakay ako sa sasakyan ko ay napa buntong hininga nalang ako.
Kung hindi si Chloe, sino?
Krinnnggg Krinnngggg
Napatingin ako sa phone ko at nakita ko ang pangalan ni Ashton kaya agad ko itong sinagot.
"Anong balita?" Bungad ko sakanya.
[Let's meet.]
"Alright, papunta ako ng grocery store. Mag kita nalang tayo du'n." Tugon ko sakanya at pinatay na ang tawag tsaka ko nirestart ang sasakyan ko at umalis na.
I don't fucking know kung ba't ako nakapasok sa gulong to. I don't fucking know kung bakit ko ginagawa to para sa babaeng yu'n! Eh nung nakaraan lang, galit na galit pa ako sakanya.
Nang makarating ako ng grocery store ay inikot ko ang paningin sa paligid.
Hindi ko nakita si Ashton kaya nag pasya muna ako na mag grocery.
Kumuha ako ng iba't ibang biscuits, chocolates at candies para sa mga bata. Matapos nu'n ay nag tungo naman ako sa mga frozen foods at bumili ng mga pwedeng ulamin. Nagtungo rin ako sa mga drinks at kumuha ng iba't ibang juice at inumin.
Natigilan naman ako ng makita ko ang fitn' right.Kumuha ako ng sampong bote nito at nagtungo sa bilihan ng yogurt na less sa calories at kumuha rin ng sampo.
"Hey!"
Napatingin ako kay Ashton ng tapihin niya ako sa braso.
"Oh, ano na ang balita?" Tanong ko sakanya.
"Well, nabalita ko narin to kanina kina manager. May tatlong suspect na ako na posibleng master mind sa gustong mag pakuha kay Lily, pero iniimbistigahan pa kaya chill lang. Babalitaan kita kapag kay lead na." Tugon niya kaya napatango nalang ako.
"Good, balitaan mo ko agad huh? As soon as possible." Tugon ko sakanya kaya kita ko ang pag ngisi niya.
Alam ko ang nasa isip ng mokong na'to. Tss.
"Teka, para kanino ya'n?" Kuha niya sa trolley ng isang yogurt kaya akmang aagawin ko sakanya ito ng iniwas niya.
"Akin na ya'n." Tugon ko sakanya kaya bahagya siyang napatawa.
"Kanino nga to? Huwag mong sabihing may bago ka na namang nilalanding babae." Tugon niya kaya napailing nalang ako.
"Wala akong nilalandi, at wala akong ibang babae!" Inis kong sabi sakanya.
"Eh kanino nga to? Pambabae to huh?" Tanong niya tsaka ko inagaw ang yogurt.
"Kay Lily." Tugon ko dahilan para matigilan siya at halata ang gulat sa mukha niya.
YOU ARE READING
To Love Again (Fanfiction) COMPLETED
FanfictionKakayanin mo kayang mapatawad pa ang babaeng mismong dahilan nang pagkawala ng mahal mo? Ng kasiyahan mo? Ng mundo mo? Kakayanin mo kayang paniwalaan ang mga taong nag sasabi sayo na patawarin na siya kahit na masakit parin? Kakayanin mo kayang pa...