William POV
"Hintayin mo ko!" Habol ko sa isang babaeng naka white dress.
Hindi ako pwedeng mag kamali. Si Scarlet ang nakita ko.
Natigilan nalang ako sa pagtakbo ng makita ko siyang naka upo habang naka yukong umiiyak.
"Scarlet." Tawag ko sakanya at nilapitan siya.
"Sinong may gawa niyan sayo? Bakit ka umiiyak?" Alala kong tanong sakanya dahilan para mapatingin siya sakin.
Pinahidan ko ang mga luhang tumutulo mula sa mata niya at hinawi ang buhok niya.
"Pa'no kung sabihin ko sayo na ikaw ang dahilan William?" Umiiyak niyang tanong na ikinatigil ko.
"A'Ano? B'Bakit?"
"Hindi na kita kilala William, hindi na ikaw yung William na nakilala ko noon." Tugon niya at napatayo kaya ganu'n din ako.
"Pwede bang itigil mo na ang mga pinag gagagawa mo?" Dugtong niya sabay hawak sa magkabila kong kamay.
Napa kunot noo naman ako.
"A'Ayaw mo ba na ipinag hihiganti kita? Gusto kong maka bawi Scarlet."
"Pero William, nag bago na si Lily. Kilala ko ang kapatid ko."
Bahagya naman akong napa iling sa sinabi niya.
Ramdam ko rin ang pamumuo ng mga luha ko.
"Mahirap paniwalaan ya'n Scarlet. Minsan na siyang naging demonyo at hindi nayu'n mag babago pa." Mariin kong tugon sakanya.
"Scarlet, hindi naman kasi tayo dapat aabot sa ganito kung hindi dahil sakanya." Umiiyak ko naring sabi.
"Pero William, wala siyang kasalanan. Ako mismo ang nag sacrifice." Umiiyak niyang tugon at sinapo ang pisngi ko.
"Pero Scarlet, kung hindi dahil sakanya hindi mo naman yu'n gagawin di ba?" Humahagulgol ko nang tanong sakanya kaya napayakap siya sakin.
"Scarlet, hindi mo ko masisisi dahil sobrang mahal kita, and all i want is revenge. Titigil lang ako kapag naka ganti na ako. Marami na akong sinugal para sa planong to." Tugon ko sakanya.
"Wala naman akong magagawa William dahil wala na ako sa tabi mo."
Napa kunot noo naman ako sa sinabi niya at napa kalas ng pag kakayakap.
"Anong ibig mong sa--"
Naudlot ang sasabihin ko ng mag laho nalang bigla si Scarlet na parang usok.
"Scarlet?" Hagilap ko sakanya.
"Scarlet, huwag mo kong iwan!" Sigaw ko sa kawalan.
"SCARLET!"
"SCARLET!"
"SCARLET!!"
Hinihingal akong napa upo sa kama ko at napa pikit nalang ng mariin dahil sa panaginip.
Napa kuom nalang ako ng kamao at napa suntok sa kama ko.
Napa hagulgol nalang ako sabay tapon ng mga unan.
Akala mo Lily magiging free ka na sa lahat ng nagawa mo?
Matatahimik lang ako kapag nag dudusa ka na katulad ng ginawa mo sakin noon, o higit pa.
Hindi ako papayag na ikaw, masaya at habang ako nangungulila parin kay Scarlet.
Pahihirapan kita sa lahat ng kahihiyan hanggang sa mapagod ka at sumuko ka mismo. Tsaka lang ako titigil kapag nag sawa na ako sa pag mamasid sayo na nahihirapan.
YOU ARE READING
To Love Again (Fanfiction) COMPLETED
FanficKakayanin mo kayang mapatawad pa ang babaeng mismong dahilan nang pagkawala ng mahal mo? Ng kasiyahan mo? Ng mundo mo? Kakayanin mo kayang paniwalaan ang mga taong nag sasabi sayo na patawarin na siya kahit na masakit parin? Kakayanin mo kayang pa...