"Pasensya ka na Cristy huh? Pati ikaw nadamay pa." Tugon ko sakanya habang nag lalakad kami sa hallway ng ECS.
"Ano ka ba? Okay lang yu'n. As long as happy ka, worth it ang pag singhal nila sakin." Natatawa niyang tugon kaya napangiti nalang ako at inakbayan siya.
"Nga pala, kamusta naman ang lakad mo kanina?" Nakangiti niyang tanong kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Sooooobrang saya ko." Nakangiti kong sabi sakanya.
"Talaga? Mabuti kung ganu'n." Nakangiti niyang sabi at nag patuloy na kami sa pag lalakad.
"Hey Lily!"
Natigilan kami ulit sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni Chloe.
Nakangiti ko naman siyang hinarap.
"Hi Chloe, long time no see." Nakangiti kong bati sakanya kaya nakangiti niya rin akong nilapitan at nakipag beso.
Napaka plastic talaga ng babaeng to!
"How are you Lily?" Tanong niya.
"I'm absolutely fine Chloe." Sagot ko sakanya at napangiti nalang kaming dalawa sa isang staff na dumaan.
"You know what? Masaya akong makasama ka sa iisang movie Lily, finally, after sooooo many years."
"Ako rin Chloe, it's a PLEASURE for me." Nakangiti ko paring sabi.
"Ano kaya ang magiging role mo? Hindi kaya ikaw ang magiging kabit ni Bryan since siya naman ang leading man?" Insulto niyang sabi kaya bahagyang nag laho ang mga ngiti ko.
"You know what Chloe? Maraming mga fans ang nag aabang ng bago nating movie, alam kasi nila na napaka ganda ng kalalabasan ng movie, pero pwede pa nating mapataas ang ratings ng movie kapag ikaw ang gumanap ng role nayu'n, because it's SUIT'S you Chloe." Insulto ko ring sagot sakanya sabay taas ng isang kilay kaya bakas sa mukha niya ang pagka inis.
"No Lily, mas bagay sayo yu'n kasi mahilig ka namang dumikit sa mga lalaki di ba?"
Natigilan naman ako sa sinabi niya.
"Even Bryan, usap-usapan rin na nakipag hiwalay ka kay Jimin kasi may iba kang mas gwapong nakita. Poor you Lily, maganda ka sana pero bakit?"
"Alam mo Chloe? Dapat hindi ka nalang nag artista. Sana writer nalang ang kinuha mo, magaling kang gumawa ng istorya or di kaya, reporter, mahilig karin kasing mang hagilap ng istoryang hindi naman totoo." Nakataas kilay kong tugon sakanya.
"Oo nga, atsaka pwede ba? Hindi niya nilalandi ang mga lalaking kaibigan niya. Sila mismo ang lumalapit kay Lily kasi, bukod sa maganda siya, napakabait niya rin. Try mo siyang gayahin Chloe, baka may mag kagusto rin sayo." Singit naman ni Cristy.
"Bakit ko pa siya gagayahin para lang magustuhan ako ng iba kung may William Kim na ako?"
Natigilan nalang ako sa sinabi niya.
"A'Ano?"
"Yes Lily, you heard me right? Kaya huwag kang mag kakamali na agawin siya sakin." Tugon niya at binangga ako sa balikat tsaka sila tuluyang umalis.
Sila ni William?
Pero walang girlfriend si William.
Wala siyang naging ex kahit sa mga news.
Sikat si William pero wala namang may nag sabi na may girlfriend na siya before o ngayon.
"Huwag mo na siyang isipin. Sakit lang sa ulo yung babaeng yu'n." Tugon ni Cristy kaya bahagya akong napatango at naglakad patungong elevator.
YOU ARE READING
To Love Again (Fanfiction) COMPLETED
FanfictionKakayanin mo kayang mapatawad pa ang babaeng mismong dahilan nang pagkawala ng mahal mo? Ng kasiyahan mo? Ng mundo mo? Kakayanin mo kayang paniwalaan ang mga taong nag sasabi sayo na patawarin na siya kahit na masakit parin? Kakayanin mo kayang pa...