Chapter 32

46 3 0
                                    

NANG magising ako ay agad akong napabangon ng mapansin kong wala na si William sa banig na hinihigaan niya. Nagtungo ako sa labas at naabutan ko si nay Marta na nag didilig ng mga tanim habang nag lalaro naman ang mga bata.

"Nay, si William?" Tanong ko kay nay Marta kaya nilapag niya naman ang timba na bitbit niya.

"Kapupunta lang sa sasakyan niya. Aalis daw muna." Tugon ni nay Marta kaya napatakbo nalang ako patungo sa labas habang walang suot na tsinelas.

"William!" Tawag ko sakanya ng makita ko siyang papasok ng kotse niya. Nilapitan ko naman siya kaya napa kunot noo siya at napatingin sa paa ko.

"Bakit? May kailangan ka? Ba't wala kang tsinelas?" Tanong niya.

"Sa'n ka pupunta?"

"Sa condo, wala kasi akong damit na dala kaya kukuha lang ako." Saad niya kaya napahinga naman ako ng malalim.

"Ganu'n ba? Sige." Tugon ko nalang kaya napatango siya at sumakay na sa sasakyan niya.

Bahagya naman akong napaatras ng paandarin na niya ito.

"Mag iingat ka!" Sigaw ko mula sa labas kaya kita kong napataas ang isa niyang kamay at tuluyan ng umalis. Bigla nalang akong napangiti at bumalik na sa kubo.

"Oh, bakit mo siya biglang hinabol ng walang tsinelas?" Natatawang tanong ni nay Marta kaya napangisi naman ako.

"W'Wala po." Sagot ko nalang at napangiti.

"Teka, anong mga ngiti ya'n huh?" Mapanuksong tanong ni nay Marta at nilapitan ako.

"Po?"

"Namumula ka pa Lily. Naku, ano ibig sabihin niyan?" Pang aasar niya kaya napatawa naman ako bahagya.

Shit! Namumula ba talaga ako? Ba't ramdam ko ang pag init ng pisngi ko patungong tenga ko?

"Alam mo? Naisip ko, mabuti rin pala tong nangyayari. Mas nagkaroon ng rason para magkaunawaan kayo ni William. Masaya ako para sa inyong dalawa." Nakangiti niyang sabi.

Tama si nay Marta. Kung hindi siguro to nangyari, hanggang ngayon siguro galit parin sakin si William. Siguro nga, hindi ko siya nakilala.






William POV

Nang marating ko ang condo ay nag park na ako ng sasakyan at agad na bumaba.

Naglakad na ako patungo sa loob ng condo at nagtungo sa elevator. Natigilan naman ako nang maka salubong ko sina manager, Cristy, Bryan at Jimin.

"William." Salubong sakin ni Cristy.

"Kamusta na si Lily? Nasabi samin ni Ashton na kasama mo siya." Alalang tanong ni Cristy.

"Okay na siya." Sagot ko nalang at nag patuloy sa paglalakad.

"Sandali nga." Hila naman sakin ni Bryan pabalik.

"Na'san siya? Sabihin mo!" Singhal niya sakin.

Hindi ko nalang sila pinansin at akmang aalis na ng harangan niya ako at biglang sapakin dahilan para mapa hawak ako sa gilid ng labi ko na may konting dugo na ngayon.

Kinwelyuhan niya ako at sinandal sa pader.

"Bryan, tama na!" Awat sakanya nina manager at Cristy pero tinitigan ko lang siya sa mga mata.

"Pinag bantaan na kita William! Sa'n mo dinala si Lily? Parte rin ba to ng plano mo? Huh? Sabihin mo!!" Sigaw niya sakin kaya tinulak ko siya palayo.

"Sinabi niyo sakin noon na respetuhin ko si Lily!!" Singhal ko sakanila kaya natigilan naman sila.

"Yu'n ang ginagawa ko ngayon. Ayaw niyang mag pakita kaya sinunod ko. Gusto niya munang malayo sa mga taong humahabol sakanya, gusto niya ng maluwag na lugar kaya pinag bigyan ko siya." Mahina kong sabi upang hindi marinig ng staff ng condo.

To Love Again (Fanfiction) COMPLETEDWhere stories live. Discover now