Chapter 23

41 3 0
                                    

William POV

Nilapag ko ang isang basong alak sa table ko at nagtungo ako sa malaking bintana ng office ko.

Nagsisimula na ako Scarlet. Pagsisisihan niyang nakilala niya pa ako. Magdurusa siya, higit pa sa pagdurusa ko. Kulang pa ang mga luha niya sa bawat araw kumpara sa pinag daanan mo noon dahil sa babaeng yu'n!

"William!"

Napatingin ako sa pinto ng office ko at nakita ko si manager Dee at Bryan na nakatayo du'n.

Nilapitan ko naman sila.

"Manager, Brya---"

Naudlot ang sasabihin ko ng itulak ako ni manager dahilan para mapa atras ako bahagya.

"William, itigil mo na'to!" Singhal niya dahilan para mapatigil ako sa pag iisip ng kung ano-ano.

"Ano ba talagang gusto mong mangyari?" Tanong naman ni Bryan.

"Di ba napag usapan na natin to?" Mahinahon kong tanong sa kanila.

"Hindi mo kilala si Lily ng lubos."

Napa iling naman ako sa sinabi ni manager.

"Kayo ang hindi nakakakilala sa babaeng yu'n." Tugon ko sa kanila.

"Talaga William? Eh ikaw nga tong hindi na namin kilala eh!" Singhal naman ni Bryan.

"Tama si Bryan. Wala na yung William na mabait, masayahin at mapagkumbaba. Puro William na puno ng galit nalang ang nasa harap namin ngayon." Mariin namang sabi ni manager.

Ramdam ko naman ang unti-unting pamumuo ng mga luha sa mata ko.

"Kahit anong sabihin niyo, hindi niyo na mababago ang desisyon ko. Nagsisimula na ako." Pagmamatigas ko kaya sarkastikong napangisi si Bryan.

"Ganu'n pala yu'n manager Dee. Tutal mukhang hindi naman na tayo kailangan ni William sa buhay niya, hayaan na natin siya." Tugon ni Bryan kaya napa kunot noo naman ako.

"An--"

"Tama ka Bryan. Ito naman ang gusto mo William di ba? Simula ngayon, wala nang may mag didikta sayo sa lahat. Mabuhay ka sa sarili mong prinsipyo. Good luck." Maluha-luhang tugon ni manager ngunit pinigilan ko siya sa kabilang braso.

"Manager, Bryan, iiwan niyo ko? Mas pipiliin niyo pa ang babaeng yu'n?" Tanong ko sa kanila kaya hinarap nila ako.

"Oo William, mas pipiliin pa namin si Lily na nakikinig, kaysa sayo. Mas wala ka pang puso kaysa kay Lily." Tugon ni manager Dee.

"At sinasabihan mo siyang kriminal? Eh sa tingin mo William? Sa ginagawa mo ngayon sakanya na halos isumpa mo siya sa kamatayan, anong pinagkaiba mo sakanya?" Dugtong niya kaya agad akong napaiwas ng tingin.

"William, mag kapatid ang turingan natin, pero ito lang ang masasabi ko sayo. Huwag na huwag mong sasaktan si Lily. Pag nagkataon, ako ang makakaharap mo." Pagbabanta ni Bryan at tuluyan na silang lumabas ng office ko.

Napa upo nalang ako sa sofa kasabay ng pag tulo ng mga luha ko.

Hindi lang si Scarlet ang kinuha mo sakin ngayon, pati ang mga taong meron ako, kinuha mo rin! Ano bang gayuma mong hayop ka?

Umiiyak akong napatingin sa picture frame namin ni Scarlet at napa isip.

Tama pa ba ako sa pag hihiganti ko?Tama pa ba ang ginagawa ko? Kilala ko pa ba ang sarili ko?






Lily POV

MAAGA akong nagising at agad na nagtungo sa salah.

Natigilan naman ako nang makita kong natataranta sina Cristy, Jimin at Bryan.

To Love Again (Fanfiction) COMPLETEDWhere stories live. Discover now