Cristy POV
Ang daming kailangang e celebrate ngayon.
Una, ngayon ang birthday ni Lily, pangalawa, naging successful ang concert ni Bryan, at pangatlo, kami na ni Bryan. Ang sarap sanang isipin kung kompleto kaming nag sasaya.
"Oh? Kompleto na ba ang mga handa?" Tanong ni manager kaya napangiti kami sakanya at napatango.
"Remember, ngayong gabi, puro saya lang muna okay? Bukas na tayo ulit ma m'roblema."
Natawa naman kami sa sinabi ni manager.
"Oo nga, shall we sing now?" Natatawa namang tanong ni Ashton kaya napatawa rin kami.
"Okay, sisindihan ko lang tong kandila." Tugon ko at sinindihan na ang kandila sa cake.
"Okay na, let's sing?" Tanong ko sa kanila kaya napangiti naman sila.
"Happy birthday Lily, happy birthday Lily, happy birthday, happy birthday, saranganeun Lily-ssi." Kanta namin at sabay-sabay kaming nag wish tsaka nag hipan ng kandila.
Napa palak-pak naman kami nang mahipan na namin ang kandila.
"Sa wakas, makaka celebrate na tayo. May mission pa kasi ako maya-maya." Natatawang sabi ni Ashton kaya siniko naman siya ni manager dahilan para mapatawa kami.
"Mamaya na yang mission mo okay?"
"Yes manager."
"Ano sayo babe?" Tanong ni Bryan kaya napatingin ako sa mango float. Ya'n kasi ang paborito naming kainin ni Lily everytime na may kailangan kaming e celebrate.
Natigilan naman kami at napatingin sa pinto ng bumukas ito.
"Tanya?" Taka kong tanong.
"Alam niyo ba kung na'san si Chloe?" Tanong niya kaya nagkatinginan naman kaming apat.
"Bakit? Wala dito si Chloe at hindi rin namin alam kung na'san siya. Ano bang nangyari?" Tanong ko sakanya.
"Kahapon kasi, sinubukan niyang tulungang hanapin si Lily at mukhang nag kagulo sa palengke tapos hindi na siya nakabalik eh." Nag aalala niyang saad kaya napatingin ako kay Ashton.
"Kahapon, nag kagulo sa palengke at nawawala rin si Jimin ngayon." Tugon ni Ashton.
Hindi kaya----
"Magkasama sila?" Tanong naman ni Manager na siya ring laman ng isip ko.
"Sigurado ako na kung na'san man sila ngayon, hindi siya pababayaan ni Jimin, tsaka wala naman akong nababalitaan na may nahuli na yung mga taong yu'n na isa sa atin." Saad naman ni Ashton kaya bahagya akong napatango.
"Sana nga okay lang sila. Nung una sina William at Lily, tapos ngayon sina Jimin at Chloe naman." Tugon naman ni Bryan.
Sana nga okay lang sila.
"Hindi muna tayo pwedeng mag problema ngayon di ba?" Tanong ni manager kaya pilit akong ngumiti.
"Tama, dapat masaya tayong e ce-celebrate ang araw na'to." Dugtong naman ni Bryan.
"Kain na tayo? Tanya, sabayan mo na kami." Tugon ko kaya napangiti siya at pumasok na sa loob.
William POV
"Kamusta na ang kogi mo diyan Jimin?" Lasing na tanong ni Chloe sabay lagok ng kalahating baso ng soju.
Kahit noon palang, ang lakas niya talagang painumin ng alak.
Napatingin ako kay Lily na namumula narin.
"Ito na ang kogi." Pabaling-baling na lagay ni Jimin ng inihaw na meat sa plato.
"Wow!! Daebak!! The best ka talagang mag luto Jimin!" Lasing na sabi ni Lily kay Jimin sabay kuha ng meat na pipigilan ko pa sana.
"OUCH!!" Sigaw niya ng mapaso siya.
Napailing nalang ako at binuhusan ng malamig na tubig ang daliri niya.
"Okay ka lang Lily?" Lasing na tanong ni Chloe kaya kita kong napatawa si Lily at hinampas ako.
"Oo naman." Nakangiti niyang sagot at umusog sakin.
"Thank you." Lasing niyang bulong.
"Ano ba ya'n Lily? May gusto ka ba kay William?" Lasing naman na tanong ni Chloe kay Lily kaya napatingin ako kay Jimin at napa kibit balikat lang siya.
Akala ko kami ang naka miss ng inumin dito, pero mukhang sila pa ang naka ubos ng soju.
Aishh!
"Uy, anong sinasabi mo? Hindi noh." Natatawang sabi ni Lily at dumistansya sakin kaya napailing nalang ako.
"Alam ko naman na boyfriend mo na siya kaya huwag niyo nang itago pa." Hampas niya kay Chloe sabay ngisi habang naka pikit na dahil sa kalasingan.
"Anong sinasabi mo?"
"Chloe, halata na kayo. Mahal niyo ang isa't-isa."
"Tama na ya'n." Awat ko sakanya dahil lasing na lasing na talaga silang dalawa.
"Nag uusap pa kaya kami." Pag papatigil niya sakin.
"Lily, hindi ko siya boyfriend." Natatawang sabi ni Chloe.
"Tama si Chloe kaya tama na ya'n at matulog na tayo." Tugon ko at tumayo na.
"Ayoko pa. Ehh, naman eh." Parang batang reklamo niya kaya bahagya akong napangisi.
"Ihatid mo na si Lily sa kwarto at isusunod ko nalang tong si Chloe." Sabi naman ni Jimin kaya napatango ako at inalalayan na si Lily na makatayo.
"Ayoko pa, inom pa tayo. Jebal."
"Tama na ya'n Lily, okay?" Mahina kong sabi sakanya at bigla na lang bumagsak sa dibdib ko ang ulo niya.
Inalalayan ko siya at napatingin ako sa mukha niya na tulog na.
Mukhang pahihirapan ako nito sa pag bubuhat huh..
Binuhat ko na siya at nagtungo na sa kwarto. Dahan-dahan ko siyang nilagay sa kama at napatingin nalang ako sa mukha niya at napangiti nalang na parang wala sa sarili..
"Bagay sayo yang damit mo. Mas lalo kang gumanda." Nakangiti kong sabi at napailing nalang.
Lumabas na ako ng kwarto at natigilan nalang ako ng makita ko si Jimin na inis na nakatingin kay Chloe habang naka higa sa mahabang upuan.
"Anong nangyari?" Tanong ko sakanya.
"Eh ayaw pumasok sa kwarto." Sagot niya.
"Sige na William, sasamahan ko na lang siya dito sa labas matulog at du'n ka nalang sa kwarto." Tugon ni Jimin kaya bahagya na lang akong napatango at bumalik na sa loob ng kwarto.
Napa higa ako sa sahig at napatingin sa kisame.
Napa upo na lang ako nang hindi ko pa maramdaman ang antok at napatingin sa mukha ni Lily na mahimbing na natutulog.
Hinapay ko ang buhok niyang sumasagabal sa mukha niya at kinumutan siya.
"Ba't ganito? Pwede mo bang sabihin sakin kung anong meron ka at ganito kabilis ang tibok ng puso ko ngayon?" Mahina kong tanong at napa hawak nalang sa kaliwang dibdib ko. Pinakiramdaman ko ang malakas na tibok ng puso ko.
"Hindi kaya mahal na kita? Pero sa tingin ko hindi mo ko deserve, lahat ng nangyayari sayo ngayon ay dahil sakin. Patawarin mo ko Lily." Dugtong ko habang hinihimas siya sa ulo.
"Hindi ko hahayaang may mangyari sayong masama. Handa kong isugal ang buhay ko para sayo."
"I love you." Bulong ko sakanya at hinalikan siya sa noo.
YOU ARE READING
To Love Again (Fanfiction) COMPLETED
أدب الهواةKakayanin mo kayang mapatawad pa ang babaeng mismong dahilan nang pagkawala ng mahal mo? Ng kasiyahan mo? Ng mundo mo? Kakayanin mo kayang paniwalaan ang mga taong nag sasabi sayo na patawarin na siya kahit na masakit parin? Kakayanin mo kayang pa...