>>>
Lily POV
"Kamusta ang naging lakad mo sa ate mo kahapon?" Tanong ni Cristy at niyakap ako mula sa likuran.
Napangiti nalang ako at hinarap siya.
"Okay lang ako." Nakangiti kong sagot sakanya.
"Oo, ngayon. Pero kahapon?" Alala niya paring tanong.
"Yah, Cristy. Jal jineyo, okay?" Pag papagaan ko ng loob niya kaya bahagya naman siyang napangiti.
"Mabuti pa, sabayan mo nalang akong sumayaw upang ma maintain ang magandang pangangatawan." Tugon ko sakanya kaya napatawa naman siya.
Hinawakan ko siya sa dalawang kamay at inayang mag cha-cha.
"Tan-tanan-tan-tan-tananan." Kanta ko habang siya tawang-tawa.
"Ganito ba?" Natatawa niyang tanong kaya napatawa rin ako.
"Ani--"
Natigilan kami ni Cristy sa pag sasayaw at napatingin sa pintuan ng bumukas ito.
"Eyy, manager Dee?" Kinakabahan kong tugon at napabaling ng tingin kay Cristy sandali.
Lagot kasi kami ni Cristy kapag nalaman niya na pumupunta dito si Cristy.
Sabi nga niya, kinuhaan niya ako ng unit upang maging isang independent na walang inaasahang iba.
"A'Ahh, why don't you join us? Tinuturuan kong sumayaw si Cristy." Pag iiba ko ng topic habang nanglilisik naman ang mga mata niya.
"Halika nga dito manager Dee." Tugon ni Cristy at hinawakan namin si manager Dee sa kamay at inakay na sumayaw rin ng cha-cha.
"Kayo talagang mga bata kayo! Lagi niyo nalang akong naiisahan!" Reklamo niya kaya napatawa naman kami ni Cristy.
"Diba masayang mag cha-cha manager Dee?" Natatawa naming tanong ni Cristy kaya tuluyan na siyang napasayaw.
"Tanda-dada-da-dadada." Kanta namin ni Cristy habang tuloy lang kaming tatlo sa pag tawa.
"Ganito ba?"
"Yeah, that's it manager Dee." Natatawa naming tugon ni Cristy habang nag papasikat naman siya sa pag cha-cha.
"Excuse guys."
Natigilan naman kami ng bigla nalang sumilip sa pinto si Bryan.
"Oh, Bryan?" Takang tugon ni manager Dee.
"Napadalaw lang ako manager Dee. Kakamustahin ko lang ang lagay ni Cristy." Tugon ni Bryan kaya napatingin kami kay Cristy.
"Sandali lang. C.R lang ako." Tugon ni manager Dee at nagtungo na sa C.R.
"Kamusta na ang hangover mo?" Tanong ni Bryan kay Cristy at nilapitan niya ito.
"A'Ah, o'okay na a'ako." Nauutal na tugon ni Cristy kaya bahagya akong napangisi ng patago.
Hayy, naku Cristy. Hindi ka halata, grabe. Hindi talaga.
"Mabuti kung ganu'n." Tugon naman ni Bryan.
So lumabas pala silang dalawa kagabi?
Hay, kaya pala ganito nalang mamula ang mga pisngi ng babaeng to ngayon.
"How about you Lily? Kamusta?"
"Okay lang naman ako." Tugon ko kay Bryan at akmang aalis na ng pigilan ako ni Cristy.
"Sa'n ka pupunta?" Tanong niya.
"Aalis ako, dadalawin ko si Mommy." Sagot ko.
"Sasama ako." Tugon niya kaya nilapitan ko naman siya.
"Okay lang ako Cristy. Mag pahinga ka nalang dito." Tugon ko sakanya at tumalikod na.
"Lily."
Napatingin ulit ako sakanya ng banggitin na niya ang pangalan ko.
"Pinayagan na kitang umalis kahapon ng mag isa, kaya ngayon, sasamahan kita sa ayaw at gusto mo." Tugon niya at kinuha ang susi ng sasakyan ko.
"Samahan ko nalang kayong dalawa." Tugon din ni Bryan.
Ano pa bang magagawa ko?
"Let's go." Aya ko na sa kanila.
"Hep, Hep! Sa'n kayo pupunta?" Tanong naman ni manager Dee na kalalabas lang ng c.r.
"Pupunta ako kay Mom." Tugon ko sakanya ngunit tinitigan niya lang ako.
"Manager? Don't worry, i'm with Cristy and Bryan, okay?" Tugon ko sakanya kaya napa buntong hininga lang siya.
"O siya, sige na. Baka ma traffic pa kayo. Mag iingat kayo huh?" Tugon niya kaya napangiti ako at hinalikan siya sa pisngi.
"Bye manager Dee." Tugon ko at tuluyan na kaming lumabas ng unit ko.
Nang marating namin ang sasakyan ko ay nag katinginan pa kaming tatlo kaya napatawa nalang ako.
"Teka nga, ano bang problema?" Natatawa kong tanong sa dalawa.
"Ahm, ako nalang ang mag da-drive." Tugon ni Bryan kaya binigay naman ni Cristy ang susi kay Bryan.
Akmang sasakay na sana ako sa front seat ng may maisip ako. Nagtungo ako sa backseat at du'n ako naupo.
Uupo narin sana si Cristy sa tabi ko ng pigilan ko siya.
"Hep! Du'n ka sa harap." harang ko sa mga espasyo sa tabi ko kaya natigilan naman siya.
"Bilis, para makaalis na tayo." Dugtong ko at sinarado na ang pinto.
Napangisi nalang ako ng makita ko siyang nahihiyang naupo sa tabi ni Bryan.
"Seatbelt mode?" Saad ni Bryan kaya napa approve naman ako.
"Ikaw Cris?"
"Teka, pa'no ba'to?" Tanong nalang ni Cristy habang nahihirapan na isuot ang seatbelt niya. Kita ko nalang na nilapitan siya lalo ni Bryan at tinulungan itong ikabit ang seatbelt.
I ship this two na talaga. Kapag nag katuluyan silang dalawa, ako talaga ang magiging number one fan nila.
Nagsimula na kaming bumiyahe at bago pa man kami makarating sa bahay ay nag stop over muna kami sa isang grocery store at bumili ng ice cream na paborito ni mommy.
Nang marating namin ang bahay ay agad kaming dumiretso sa loob.
"Mom?" Tawag ko ng makapasok kami sa loob.
"Tita we're here!" Tugon naman ni Cristy.
Napatingin naman kami sa taas ng hagdan kung saan nakatayo si mommy habang nakangiti.
"Kanina pa ba kayo?" Tanong niya at sinalubong kami kaya humalik naman kami sa pisngi niya.
"Ani, bago lang." Sagot sakanya ni Cristy.
"Yes mom, tsaka may kasama kami." Saad ko naman
YOU ARE READING
To Love Again (Fanfiction) COMPLETED
FanfictionKakayanin mo kayang mapatawad pa ang babaeng mismong dahilan nang pagkawala ng mahal mo? Ng kasiyahan mo? Ng mundo mo? Kakayanin mo kayang paniwalaan ang mga taong nag sasabi sayo na patawarin na siya kahit na masakit parin? Kakayanin mo kayang pa...